"Yeah, work can wait. I've been waiting for the moment I can have you all for myself. " " I've been waiting for the moment I can have you all for myself. " " I've been waiting for the moment I can have you all for myself. " Urgg! Nababaliw na ata siya. Kanina pa iyon parang sirang plakang paulit-ulit sa isipan niya. Agad siyang napayuko at tinakpan ang tenga niya para hindi niya na ulit marinig ang boses ni Lance. Parang tanga nga lang siya sa ginagawa niya. Napa-ayos siya ng upo ng mapansin ang titig ni Lance sa kanya. Nagmamaneho ang binata. Nabalik ang isipan niya sa naganap na dinner. Maayos ng natapos ang family dinner pero dahil nagsimula sa honeymoon ang usapan ay tuloy tuloy ng napag-usapan silang dalawa. She's been hotseated. Parang sinisilaban ang pwet niya na gusto

