NAPABALIKWAS siya ng gising , nang mapatingin sa bintana ay sobrang liwanag na sa labas. Agad niyang hinagilap ang kanyang cellphone sa bag. Naitapon niya bigla ang cellphone sa side table nang makitang 30 minutes na ang nakalipas sa naturang time in niya dapat sa opisina. Nakaalis na si Carlos at nagtataka siya bakit di man lang siya ginising nito. Mabilis siyang naligo at nagbihis . Hindi na nga siya nakapag ayos mabuti . Uunahin niya pa ba ang mukha niya ? Nahihiya siya dahil kahit sabihin na pinsan niya si Carlos ay hindi niya pwedeng gawin ang gusto niya. Sobrang laki na ng naitulong nito. Halos di na siya nakakain at hinalikan ang ama sa pisngi at nagmano na noon ay nakaupo sa hardin kausap ang kanilang hardinero. Narinig niya pa ang pagtawag sa kanya ni Annika .

