ITO na naman ang gwapong mukha ni Lance. Nagisnan niya ulit sa kanyang pag gising. Kelan ba siya magsasawang titigan ito. Magpakasawa ka na habang pwede pa. Kung gan'on nga lang kabilis pagsawaan ang mukha nito. Paano kung kahit kailan hindi siya magsawa at pag nagkahiwalay na sila ay hanap hanapin niya 'to? Sabi ng isang kaibigan niya noong high school na nakakahibang at nakakabaliw daw ang pag-ibig kaya kahit niloko na ito ng nobyo nito ay todo pa rin itong nagmahal pero sa huli, umiyak lang ito ng balde balde. Dumagdag iyon sa takot niyang magmahal. Ang daddy niya nga naging bitter ng iwan ng kanyang mommy. Pero bakit ito siya ngayon, hinahayaan ang sariling mahulog pa ng lubusan kay Lance. She can't stop herself. It felt so good to love someone even the s

