"Abel kumain kana," sinubokan ulit ng ginang na suboan si Abel pero tumanggi ito. "Ma ayuko! Gusto kong makita si Dahlia." "Dahlia na naman? She's not here. Please Abel for me," hindi naman nag salita si Abel at nanatili lamang tikom ang bibig. Bigo namang napatingin ang ginang sa kanyang asawa na pinapanuod lang sila. Hindi kumakain si Abel dahil gusto nyang makita at makausap si Dahlia. Nagagalit naman ang kanyang Ina sakanya pero hindi sya nito mapilit. Hindi sya kakain hanggat wala si Dahlia sa kanyang harapan. "Hayaan mo muna Angelly." Wala ng nagawa ang ginang kundi sundin na lamang ang anak. Iniligpit nya ang pag kain ni Abel at inayos na ang kumot nito. Sabay naman silang tatlo na napatingin sa pinto. Napangiti naman si Abel ng makita si Hener. Napatingin pa sya sa likod nito

