CHAPTER 5 - GOLD PLAY BUTTON

2060 Words
JAMES POV Umaga na at papunta na sana ako sa shop ng may dumating na package para sa kapatid ko "Para kay Ms. Jackie Gonzaga po" nagtaka ako dahil may flowers at may malaking square pa at ang bigat nya ng basahin ko ang nakasulat sa maliit na notes na nakadikit sa bulaklak ay para akong kinilig. 'Im so happy for you bunso' ngiti ngiti kong sabi Kung hindi nyo pa ako kilala, ako ang pinakagwapong kuya ni Jaki. Single din at 28 years old. May sarili akong shop na paayusan ng mga sasakyan, motor at may sarili din akong com shop at nag aayos din ako ng mga sirang cellphone at laptop or computer Nakangiti kong kinuha ang cellphone at nagrecord "Magandang hapon mga ate, kuya, sa mga isip bata, mga titot tita, lolot lola at sa lahat ng mga nanunuod at manunuod palang" ginaya ko lang ang intro ng kapatid ko, alam ko rin naman dahil lagi kong pinapanuod ang mga vlog nya at minsan ay kasama kami ni mama sa content nya "Ako ang Kuya ni Jaki, James the name at ngayon nga ay sigurado akong matutuwa sya sa makikita nyang package nya ngayon. Tulog pa ang kapatid ko pero tara sa kwarto nya" sabi ko at lumakad na sa kwarto ni Jaki Second floor lang ang bahay namin dahil nga tatlo lang kami dito sa bahay pero lima ang kwarto namin lahat dito para kung may mga bisita kami, dalawa sa baba at tatlo sa taas. Living room, dining area, kitchen, 2 rooms at cr ang nandito sa baba samantalang sa taas ay yung 3 kwarto at mini living room. Sa likod ang laundry area namin at sa harap ang mini garden ni mama kung saan nakatanim ang mga bulaklak nya at nagtatanim din sya ng gulay at prutas tulad ng kalamansi, sili, kamatis etc "Okay guys nandito na tayo sa kwarto ni Jaki" at inilibot ko nga ang camera, kung nanunuod kayo sa mga vlog nya ay makikita nyo kung gaano kalinis at pinaghalong blue pink and yellow ang motif ng kwarto nya "Tulog pa ang maganda kong kapatid pero gigisingin natin sya" naeexcite kong sabi at inayos nga ang cellphone nilagay ko sa tripod "Jaki" tapik ko sa kapatid ko "Jaki" ulit ko pa at nilakasan ang tapik dito dala dala ko ang sorpresa para sa kanya "Hmmm kuya James antok pa ako" sabi nya at nagtalukbong ng kumot "Hoy gising na nasa baba yung boyfriend mo!" Pagkukulit ko pa at ngumiti ng malaki sa camera "Ha?" Bigla naman syang napaupo nagulat sya pero halata na antok parin sya, medyo magulo rin ang mahaba nyang buhok at pumipikit pikit pa ang mata nya "Gaga wala ka nun" natatawa ko pang sabi "Tsk" at humiga ulit hindi parin napapansin ni Jaki ang dala ko at yung nakatutok na camera "Seryoso na kasi!" At niyugyog ko ulit sya "Tingnan mo to" ng ayaw nyang bumangon ay hinila ko sya para umupo at pinakita sa kanya ang dala ko "Ano ba kasi yan!" Naiinis na tanong ni Jaki "Buksan mo nalang kasi" dahan dahan nyang kinuha at binuksan yung dala ko dali dali ko namang kinuha ang flowers sa baba at pagbalik ko sa kwarto ni Jaki ay nakita ko syang hindi makapaniwala, nagpakita ako saglit sa camera na dala yung bulaklak at kinuha na yung cellphone at nakatutok na kay Jaki habang lumalapit sa kanya "CONGRATULATIONS JAKI! NAKAMIT MO NA ANG GOLDEN PLAY BUTTON NG YOUTUBE!" sigaw ko at inabot yung bulaklak wala paring imik yung kapatid ko "Pinadala yan kanina pati yang bulaklak" dugtong ko "Seryoso?" Hindi parin sya makapaniwala at chineck kung totoo nga "Totoo yan meron ka ng 1.5 million subscriber sa youtube kapatid" komento ko na nakangiti "Waaaaaaaahhhh" tili ni Jaki na tumatalon talon pa at niyakap ang award nya na may pa halik pa Alam kong hindi mapantayan ang saya ngayon ni Jaki. At proud na proud ako sa kapatid ko na yan. JAKI POV Im speechles. Naiiyak ako. Hindi ko akalain na makukuha ko ang Golden Play Button ng Youtube. Sa limang taon kong pag v-vlog ay unti unti ko narin masasabi na 'SUCCESS' Nakaayos na akot lahat, si kuya James kasi ay videohan ba naman ako ng walang ayos at bagong gising. Inayos ko narin ang award ko at tinabi ko sya sa silver play button na nakuha ko 3 years ago. Vini-videohan ako ni Kuya James "OH MY GOD GUYS" simula ko "CAN YOU BELIEVE IT?!" malaki ang ngiti ko na nakatingin sa dalawang award ko "I STILL CANT BELEIVE IT" masayang masaya ako sobra "Thank you guys for believing in me. Kay papa God na hindi ako pinapabayaan, all my prayers to him. God is good talaga" nakatingin na ako sa camera, hawak ko yung bulaklak na bigay ni youtube "Kay mama at kuya James na palaging naka suporta sa akin, i love you guys. Lahat ng ito ginagawa ko para sa inyo" teary eyes na ako omygod "Aaah iloveyoutoo kapatid" rinig kong sabi ni Kuya James kaya nginitian ko sya "and ofcourse hindi mawawala yung mga fans ko dyan na laging nakasubaybay at nanunuod ng vlogs ko thank you. Wala ako dito, hindi ko to makukuha na award na to kung wala din kayo" Tumayo ako "Kaya tara samahan nyo ako" lumapit ako ng konti sa camera "Dahil nasorpresa ako, isosorpresa ko din kayo" dugtong ko pa Pinatigil ko muna ang video "thank you kuya James" at niyakap ko ang pinakapaborito kong kuya. Kahit na minsan lang kami magkabati nyan at palagi kami nagbabangayan ay alam kong palagi syang nandyan sa akin, may instant driver ako pag nasa malayo ako, kahit na isa sya sa mga haters ko pero gusto nya sya lang ang gumawa nun at wala ng iba "Proud na proud kami sayo Jaki alam mo ba yun" Sabi ni kuya James habang magkayakap kami "Nasan si mama?" Tanong ko, kinuha ko ang bulaklak at bumaba naghanap ng flower vase para ilagay ang bulaklak at nilagyan ng tubig "Pauwi na yun" sagot ni kuya James at maya mya nga lang ay nandito na si mama kaya agad ko syang niyakap "Ma" naiiyak kong sabi "Oh bakit Jaki? May problema ba? Inaway ka nanaman ba ni kuya mo?" Sunod sunod na tanong nya kahit nagulat sa biglang pagyakap ko sa kanya at hinimas himas ang likod umiling ako "Hindi po" Dinala ko si mama sa kwarto ko, nakita ko naman si kuya James na nagvivideo sa amin habang nakangiti "Ano yan Jaki? Bago ah?" Tanong ni mama dahil ngayon nya lang nakita ang Golden play button Pinaliwanag ko nga kay mama kung ano yang Golden Play Button "Ay wow congrats anak, proud na proud kami sayo. Ipagpatuloy mo lang yan na ginagawa mo dahil alam kong passion mo yan at gusto mo ang ginagawa mo kaya yung mga tao ay gusto ka rin at nakasuporta sayo" mahabang sabi ni mama nag group hug nga kaming tatlo, mahal na mahal ko ang pamilya ko, sa kanila ako kumukuha ng lakas kapag nanghihina ako at silang dalawa din ang inspirasyon ko sa lahat ng mga ginagawa ko. Wala man dito si dad sa amin at nagkaroon ng ibang pamilya sa ibang bansa ay masasabi kong kaming tatlo nalang ang sandigan ng bawat isa Ilang sandali pa ay "Ano ready?" tanong ko sa dalawa nagkasundo kasi sila mama at kuya James na yung bibilhin ko sa kanila ngayon na pipiliin nila ay ipapamigay nila sa mga taong pulubi, nag vivideo din ako at na explain ko na nga ang gagawin namin "Sigurado na ba kayo sa desisyon nyo?" Tanong ko ulit "Oo anak, kasi meron naman kami na mga damit at may stock pa tayong pagkain sa bahay kaya bakit hindi ipamigay nalang sa ibang taong mas nangangailangan diba" si mama "Ay wow naman" Komento ko "Maagang pamasko narin natin" dugtong ni kuya James nagsimula na nga silang kumuha ng mga grocery habang ako ay vinevideohan ko silang dalawa, namili narin kami ng mga damit, bumili na din kami ng paper bags para don ilagay ang grocery at damit na ipapamigay sa mga tao mamaya. "Okay guys tapos na sila mamili at mamaya mag rerepack kami pero bago yun ay kumain muna tayo" sabi ko sa harap ng camera kumain na nga kami sa isang restaurant at pagkarating ng pagkain namin "Cheers to the success of the youtube channel of our bunso Jaki" nakangiting sabi ni kuya habang taas ang wine glass pero ang laman ay juice *Klink Pagkatapos namin kumain "Okay guys tapos na kami kumain" ako ang may hawak ng cellphone ko "Sila mama at kuya Jamea ay mamimigay sa mga tao ng mga pinamili nila kanina ay ako naman ay mamimigay para sa mga mahal kong subscriber kaya tara samahan nyo ako mamili" Si kuya James ang nagvivideo sa amin habang namimili kami ni mama, ang napili ko ay cellphone na POCO "Tapos na ako mamili guys" at pinakita ko nga ang mga paper bags na dala ko "Tara na at magrerepak muna kami" dugtong ko lumabas na nga kami ng mall at nandito kami sa may parking lot at dito namin naisipang mag repak, 30 minutes din ang tinagal namin mag ayos ng mga grocery at mga damit at ngayon nga ay videvideohan ko sila mama at Kuya James na namimigay ng nirepak namin kanina sa mga pulubi na nakikita namin sa gilid gilid, marumi at walang tirahan, halata din ang hirap ng kanilang buhay "Advance Merry christmass po" rinig kong sabi nila mama at kuya James sa bawat taong binibigyan nila Nang matapos ay umuwi na nga kami, nandito na ako sa kwarto ko at nagvivideo para sa last part ng vlog ko "Okay guys tapos na kaming mamigay ng maagang pamasko at alam ko na hinihintay nyo kung para saan tong cellphone na binili ko" at pinakita ko nga ang sampung paper bags na naglalaman ng cellphone na POCO, kumuha ako ng isa at pinakita ang cellphone "Dahil nga nakuha ko na ang Golden Play Button award ng youtube ay mamimigay ako para sa aking mahal na subscriber ng sampung lucky subcriber na makakatanggap ng isang Poco cellphone at 10,000 cash. Kaya i comment nyo na kung bakit kayo ang dapat makakuha ng cellphone at 10,000 cash" sabi ko "May napili na akong isang lucky subscriber na makakatanggap, eto yung isa sa mga subscriber ko na simula nagsimula ako mag vlog ay laging nakasuporta sa akin yun ay si Ate Francine De los Reyes, palagi kasi sya nanunuod ng mga video ko at palaging active sa mga social media account ko kaya bilang pasasalamat makukuha mo ang munting regalo ko para sayo. Mamaya kokontakin kita kung paano mo to makukuha" nakangiting sabi ko sa camera "Before i end this video i wanna say thank you to all those who believe in me and for the nonstop supporting and loving me,To youtube thank you sa flowers haha at sa sahod(kumindat) dont worry i will use it in a good way andfor helping other people and ofcourse im going to continue a good work and expect na makukuha ko yang sunod na button award soon hihi. kay mama at sa kuya James ko i love you guys. I love you all. Thank you for the love" mahabang sabi ko at inend na ang video pagkatapos ko ay nag edit na ako ng video at inupload sa youtube account ko, kinontak ko narin si ate Francine at magkikita kami bukas para makuha na nya yung gift nya Habang nakahiga ay nag scroll lang ako sa f*******: at nagulat ako ng nag viral pala ang pinost kong picture at video kahapon kaya tiningnan ko ang last post ko sa youtube at laking gulat ng 2M views na ito, eh kagabi ko palang ito inupload. At may mga post na din ng netizen yung mga selfie at picture namin kanina nila mama at Kuya James sa mall at kalsada "Selfie with Ate Jackie Gonzaga, grabe ang ganda at ang bait nya sobra kahit busy sya sa pag vo-vlog ay pinagbigyan nya kami makapagpicture sa kanya" isa lang yan sa mga post na nakikita ko. Napatingin ako sa orasan at alas tres na pala ng hapon. Napasapo ako sa noo ko dahil naalala ko si Vice Ganda "Oh My God" pinapapunta nya pala ako sa condo nya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD