MADELINE'S POV "Kuyaaaa!" nasa labas pa lang kami ng gate ng simpleng bahay ay narinig na namin ang sigaw ng isang dalagitang babae. I think she's 15 years old or older. Malapad ang ngiti niyang sinalubong kami sa gate. "Tita! Tita! Nandito na si kuya! May kasamang asawa!" sigaw niya. Napalunok ako ng marinig iyon. My gosh! Hindi pa nga ako sinasagot ng kuya mo eh! "Hoy Princess! Yang bibig mo talaga!" suway niya sa kapatid ngunit nakangiti naman. Yumakap ang kapatid niya sa kaniya at sumilip sa akin na nasa likod ni Primo. "Hello po ate ganda!" malapad ang ngiti niyang bati sa akin. Lumakas naman ang kabog ng aking dibdib sa hindi malamang dahilan. Napangiti ako. "Hii!" pabalik kong pagbati sa kaniya at itinaas pa ang kamay. "Ohh Primotivo! Mabuti naman at nakauwi ka din!

