MADELINE'S POV "Oh my! Ang sarap po tita! I love this dish na!" natutuwang bulalas ko at sunod sunod ng subong ginawa. Tortang talong is so good pala! "Mabuti naman at nagustuhan mo, nag aalala nga si Primo kasi baka daw hindi ka kumakain niyan eh." natatawang saad ni tita. I looked at Primo and I rolled my eyes. "Wala kasing bilib itong boyfriend ko sa akin eh! I'm not maarte kaya!" agad na umubo ubo si Primo dahil sa sinabi ko kaya nahampas ko ang kaniyang balikat. How dare him! Uminom pa ito ng tubig kunwari pero ngumisi naman! "Totoo kaya! Look oh kumakain kaya ako ng kahit ano!" pagiging defensive ko. "Wala naman akong sinabi, babe." painosente nitong saad. Natawa lang sina tita Lea at Princess sa amin. We're having dinner together and ayun nga tortang talong lang ang u

