CHAPTER 4

1431 Words
Napalunok ako ng magtama ang tingin namin. Siya nga talaga iyong sa bar. Iyong babaeng nanghalik sa akin bigla. Nag flashback tuloy ang nangyari noong gabing iyon sa aking isip. FLASHBACK "Tangina pare ano? Hindi ka iinom, hindi ka rin sasayaw, ayaw mo sa babae, ano bang ginagawa mo dito sa bar ko ha?!" medyo may kalasingang sambit ni Louie sa akin. Tinawanan ko lang, at ininom na lamang ang alak na para sa akin. "Ayan! Para hindi kana magtatatalak diyan! Ayaw ko nga sa babae dahil nakakarindi sila tapos ikaw para kang babae diyan!" pagkonsimisyon kong sambit. Narinig ko ang mahinang tawa ni Ezekiel kaya napalingon ako sa kaniya. Isa pa ito eh! Kanina pa umiinom pero parang tubig lang iyong alak, hindi man lang naging tipsy o ano! Si Louie tinamaan na ng kalasingan pero siya ang tibay! Napatingin ako sa stage at mabilis na nakuha ang atensiyon ko ng dalawang babaeng alam kong sumisigaw. Natuon ang tingin ko sa babaeng nakasuot ng purong itim. Itim na top at maiksing saya na itim din. Hindi ko ma iwas ang tingin sa kaniya. Hayup! Magnet ata! Napalunok ako ng agad siyang magsimulang sumayaw. Mabilis akong napainom ng alak. Tinungga ko iyon kaya agad na naubos. Kumuha pa ako ng isa at iyon ang hinawakan. "Kung ako sayo, lapitan mo pare!" lasing na sambit ni Louie at umakbay pa sa akin. I scoffed at napa iling iling na lamang. Tinanggal ko ang pag akbay niya sa akin. Tangina ang bigat ng kamay ng gagu eh! Napasandal naman siya sa sandalan ng couch na kinaroroonan namin. "May pag asa ka naman diyan pare!" tinuro niya pa ang kinaroroonan ng babae kaya mabilis kong hinablot ang braso niya. Tanginang lasing to oh! Paglingon ko kay Zeke ay wala na ito doon sa kinauupuan niya. Mabilis akong nagpalingon lingon. Ang gago masyadong mabilis! Asan na kaya iyon?! Napakamot na lamang ako sa batok ko. Hays! Ako lang talaga ang mabait sa aming tatlo eh! Partida ako pa ang pinaka gwapo! "Puntahan mo nga kasi! Ang torpe mo naman Primo!" may inis sa boses niya. Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. Tangina ako pa talaga ang naging torpe eh no?! "Hindi ako torpe! Tigilan mo nga ako Louie! Kalasingan lang yan!" nang aasar kong sambit sa kaniya. Ha! May pasabi sabi pa siyang mataas daw ang alcohol tolerance niya eh eto nga at mabilis itong natamaan ng alak eh! "Kung hindi ka torpe, lalapitan mo iyong babaeng kanina mo pa tinititigan!" pilit paring sabi nito. Tumawa ito. "Pero alam ko, torpe ka talaga pare, matagal na!" Iniinis talaga ako ng lasing na ito eh! Sakalin ko kaya to? Sigurado akong hindi nito maaalala na sinakal ko siya bukas. Marahil ay dala na din sa tama ng alak na nainom ay mabilis akong nagpunta sa counter. Nakasabayan ko pa ang bartender kaya sinenyasan ko na munang bantayan si Louie doon sa couch at baka mapagdiskitaha, mukha pa lang naman nun parang nang aasar na. Tsk! "Where the f**k is the bartender?!" rinig kong iritableng sambit ng babae. Napa iling iling ako. Oh f**k! Mayaman. Tss. Ayoko sa mayayaman. Mapanakit yang mga yan eh! "What do you want to drink ma'am?" pormal kong sambit. Napakunot ang nuo ko ng hindi ito sumagot at natigilan lang habang nakatingin sa akin. Loh tulala si ma'am sa kapogian ko. Napatawa ako sa naisip. Asa ka naman Primo! Pero umasa talaga ako ng mapansing sinuyod niya ng tingin ang katawan ko. Iwinasiwas ko ang palad sa kaniyang harapan pero hindi ito kumukurap man lang. Hala! Na starstruck si ma'am! "Ma'am?" "Miss?" "Madame?" untag ko sa kaniya. Nakita ko namang napabalik siya sa huwisyo. Mabilis naman siyang nakabawi sa pagkakatulala. Maganda parin kahit nakatulala. Sabagay, mayaman eh. Pero sa features ng mukha niya siguro kahit pagsuotin ito ng daster galing sa ukay ukay ay titingkayad pa rin ang kagandahan nito. "Give me your most hard drink please." rinig kong sabi niya. Naks! Matibay ata to. Mukhang gabi gabi sa parties. Mataas ang alcohol tolerance. Napangisi ako ng palihim dahil may naisip. Hard drink pala ah. May alam ako sa bartending dahil naging part time job ko ito noong college palang ako. Itinimpla ko ang matapang na inumin na alam ko. Tingnan natin kung hanggang ilang shots aabot to. Tutal sabi niya naman most hard drink eh. Napansin ko ang intense na pagtitig niya sa aking katawan. Medyo na conscious tuloy ako. Baka mamaya kaya pala siya kanina pa nakatitig kasi may kakaiba sa katawan ko eh. "Staring is rude ma'am." sambit ko nalang dahil medyo hindi ako mapakali. Sanay naman akong tinititigan pero hindi ako sanay sa titig niya. Masyadong intense. Parang nakakapaso. "Really? Pwede ba akong makulong dahil diyan?" halos mapatulala ako ng makita ang ngiti niya. Tangina ang ganda! Iyong ganda na hindi nakakasawang tingnan ganun! Medyo na distract ako sa ngiti niya kaya naman bahagya kong ipinilig ang ulo para makapag concentrate. Ng matapos ang pinapagawa niya ay inilapag ko iyon sa harapan niya, nagulat ako ng mabilis niyang tinungga iyon. Oh s**t! Malakas pa naman ang tama ng alak na ito. Nakatitig lamaang ako sa reaksiyon niya. At biglang na amaze ng parang wala lang nitong ininom iyon! Hala! Babae ba talaga ito?! Baka mamaya bakla to ah! Pero babae naman ang hitsura niya tsaka mukhang totoo ang boobs. "Another please." agad kong nirefill ang baso niya ng marinig iyon. Nakatingin lamang ako sa kaniya at hindi pinapansin ang ibang customers na lumalapit. Bumalik na lang kayo sa tables niyo! Istorbo kayo dito eh! Mukhang may problema ata ito. Natutulala na lang bigla eh. Na curious tuloy ako. Pero hindi ako marites ah! Medyo lang mga tatlong porsyento. Naka siyam na shots na siya kaya medyo nababahala na ako. Lasing na to panigurado! "Are you single, Mr. Bartender?" bigla nitong sambit kaya bahagya akong nagulat. Lasing na ang boses nito pero ewan ko sa sarili dahil masarap iton pakinggan. "Pardon madame?" tanging nasambit ko at nilagyan ng alak ang baso niya. Shit! Ayan na nama ang ngiti niyang nakakalaglag ng puso! Kahit sinong lalaki mabibighani nito eh. Walang duda, may boyfriend na ang isang to. Oh baka nga may asawa na eh. "I like you..." Putangina. Napalunok ako dahil sa sinabu niya. Lord naman, wag mo akong gawing kabet please. Ayos lang kahit tumanda na lang akong gwapo at may pera basta hindi kabet! "Madame you're just drunk." natatawa kong sambit at inilibot ang tingin ngunit muntik na siyang mahukog sa stool kaya mabilis kong hinawakan ang braso niya. Hindi sa pagiging manyak ah, pero ramdam ko ang lambot ng balat niya. Nakakatakot hawakan dahil baka magkarashes lang. Pero halos panawan ako ng ulirat sa sunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako. Tangina! Alam ni Lord kung anong pagpipigil ang dinanas ko ng maramdaman ang malambot at masarap niyang labi sa labi ko. Nabibingi ako dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Ng magkalakas loob ay hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at bahagyang inilayo ang mukha sa kaniyang mukha. Malalalim ang hininga na pinapakawalan ko. Lasing to, hindi pwedeng pagsamantalahan. s**t! At isa pa, sigurado akong may boyfriend to o fiancee o baka asawa. Ayoko ng gulo. Baka mamaya may sumugod na sa akin dito at biglang basagin ang gwapo kong mukha eh! Hindi pwede! "What?! You don't like my kiss?! How dare you!" singhal nito sa akin. "Shhh madame, masarap ang halik mo, nakakainit. Pero lasing ka at marunong akong rumespeto." seryoso kong sambit. Totoo iyon! Mukhang may problema ang isang to kaya nagpapakalasing. Baka may pinag awayan sila ng asawa niya o boyfriend ganun! Pero kung girlfriend ko to, hindi ko hahayaang maglasing sa bar dahil lang sa may problema kami. Delikado dahil maraming lalaking bastos sa ganitong lugar. Swerte lang ni ma'am dahil mabait akong tao. Slight lang pala. Ang sigurado ko lang ay gwapo ako. Binitawan ko siya at kumuha ng pang punas dahil natumba ang baso niya kanina dahil sa paggalaw ko. "Can you be my boyfriend Mr. Bartender? Wait, what's your name?" napatingin ako sa kaniya at nakitang nakapangalumbaba siya habang nakatingin sa akin. Napakamot ako sa batok. Sobrang nanunukso ang mapupula at nakanguso nitong labi. Putangina naman! "Primo." tipid kong sagot at tinapunan ulit siya ng tingin. "I need a boyfriend! And I only like you! So will you be my boyfriend Primo?" napa awang ang labi ko sa sinabi niya at sumubsob siya sa counter top ng patagilid, nasa aking direksiyon ang mukha. Wala siyang boyfriend? Weh? Di nga? Sa ganda niyang yan wala? Sus! Niloloko lang ako neto eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD