PRIMO'S POV
Natulos ako sa aking kinatatayuan.
Tangina?
She's kissing me! s**t! Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan. Her scent filled my nose at wala akong ibang nagawa kung hindi pumikit at nagpadala sa nararamdaman.
I kissed her back. She's too hard to resist. Her soft lips feels so good against mine.
Masarap.
Hinawakan ko ang bewang niya at hinigit siya papalapit sa akin.
Tangina mo Primo! Akala ko ba ayaw mo sa mga katulad niya?!
My mind keep on telling me to stop but my body is betraying me. Mas pinalalim ko ang halikan namin. Putangina! Nakakabaliw. Halos mapaungol ako ng maramdaman ang dila niyang ipinasok sa loob ng bibig ko.
Shit! s**t!
Naging mapusok at mapaghanap ang kaniyang halik at hindi ko mapigilan ang sariling sabayan iyon.
Ilang taon na rin simula ng may nakahalikan ako kaya siguro pakiramdam ko ay lumulutang ako.
Tangina! Ang sarap niya ring humalik!
Eto ba ang sinasabing walang naging boyfriend??
Ang hirap paniwalaan. Naramdaman ko ang kamay niya sa necktie ko at mas hinigit niya iyon at naging madiin ang kaniyang mga halik. Nilukumos ng dalawa niyang kamay ang kwelyo ng polo ko at gustong gusto ko iyon.
Sobrang lapit na ng katawan namin sa isa't isa at ramdam ko ang init ng kaniyang katawan. Hindi ko halos makontrol ang mga kamay at humahaplos na iyon sa kaniyang likuran.
Fuck!
Mas dumikit siya sa akin at natigilan ako dahil sa sobrang lakas ng t***k ng puso.
Putangina.
Tumigil ako sa paghalik at naramdaman niya iyon kaya napatigil din siya.
Ang kakaibang nararamdaman kanina ay nahaluan ng kaba.
No. Don't forget the promise you made to yourself Primo.
I said to myself.
Pareho kaming hinihingal ng maghiwalay ang mga labi. Sobrang lapit pa rin ng aming mga mukha.
"Why? What's wrong?" habol ang hininga niyang bulong. Napapikit ako ng dumampi ang mainit at mabango niyang hininga sa aking mukha.
Hindi to pwede.
Napatitig ako sa kaniyang mga mata, bakas doon ang pagtataka sa aking ikinilos. Napalabi ako. Alam kong pare pareho ang lahat ng tao, pero mas mabuti ng umiwas sa simula kesa masaktan sa huli.
Tahimik niyang binitawan ang aking kwelyo at bahagyang binigyan ng distansiya ang aming pagitan.
"Am I a bad kisser?" She said, nakakunot ang nuo nito habang nasa labi ang kaniyang kamay.
Halos matulala ako sa ganda niya.
"No. Hindi naman." kalmado kong saad pero ang totoo ay wala na sa ayos ang aking sistema. Naglalaban na ang isipan at katawan ko, sumasabay pa ang malakas na pagkabog ng puso ko.
"What do you mean, hindi naman? Rate it from 1-10!" she demanded.
Oh my god! Is this girl for real?
Sinong babaeng may matinong pag iisip ang magsasabi nun?!
1million over 10
Sagot ko sa aking isipan. Pero may naisip akong kapilyuhan.
"Hmm mga 5/10?" saad ko at nakangising pinanuod ang kaniyang reaksiyon. Agad na kumunot ang nuo niya at naging matalim ang tingin sa akin.
Pinipigilan ko ang tawa dahil sa pagiging pikon niya.
"How dare you!" singhal niya sa akin. I just shrugged.
"Ano? Sabi mo irate ko eh." pa inosente kong saad. Bumakas ang iritasyon sa kaniyang magandang mukha ngunit mas nasiyahan pa ako dahil doon. Hindi ko maintindihan ang sarili.
Napatingin kami sa pintuan ng may kumatok.
"Miss, it's already 6pm. Remind ko lang po ang reservation niyo sa restaurant." pormal na saad ng sekretarya niya. Napadako ang aking tingin sa kaniya at napatulala ng hindi ko mahagilap ang personalidad ng babaeng kausap ko kanina.
Parang biglang nag switch ang mood nito into beast mode Nakataas ang kilay at may matapang na awra.
Pati ako ay napalunok sa ekspresiyon niya eh.
"Okay, thanks Angie." seryoso niyang saad. Tumango naman ang sekretarya at mabilis na lumabas, bahagya akong napa atras ng bumaling siya sa akin at biglang ngumiti ng matamis.
Napa awang ang labi ko.
Watdapak?
"Let's go?" nakangiti nitong sambit. Napatikhim muna ako bago sumagot.
"Yeah, tara." sagot ko.
Hindi ko alam sa sarili kung bakit pumayag sa dinner na ito. Kung tutuusin ay pwede ko naman siyang tanggihan kagaya ng madalas kong ginagawa sa mga babaeng nagyayaya sa akin.
Parang may enerhiya siyang taglay na mapapa oo ka talaga kahit ayaw mo eh. Kaya niyang guluhin ang buong sistema mo sa isang tingin.
Alam kong nasa delikado na akong lagay, lalo na ang puso ko. Pero s**t! Nahihirapan akong umiwas. Mahirap siyang iwasan at tanggihan.
First day ko palang siyang makilala talaga bilang isang boss at nakikita kong totoong maldita siya. Mataray at hindi approachable. Iyong tipong magdadalawang isip ka kung magtatanong ka sa kaniya dahil isang taas lang ng kilay niya ay kakabahan kana.
One good thing is, hindi niya iton tinatago sa lahat. At mas nakukuryoso ako sa pagkatao niya.
Talaga bang naghahanap pa siya ng magiging boyfriend? Isa siyang successful na business woman, maganda at matalino. Sigurado akong isang sabi niya lang luluhod ang mga lalaki sa kaniya. Kung tutuusin ay hindi niya na kailangan ng lalaki sa buhay niya eh. Kaya nagtataka ako kung bakit siya naghahanap ng boyfriend? At ako pa talaga ang gusto ng isang to?
Alam ko namang gwapo ako! Malakas din ang s*x appeal pero may ibang lalaki pang mas successful sa akin na nakapila at kayang gawin ang lahat pansinin niya lang.
Hays!
Ng makalabas kami sa building ay madilim na ang paligid. We decided na gamitin ang sasakyan ko papunta sa restaurant na kakainan namin, ayy siya lang pala ang nagdecide na sasakyan ko ang gagamitin.
Mabuti na lang hindi pipitsugin ang sasakyan ko kaya hindi nakakahiyang isakay ang isang bilyonarya.
"Good evening ma'am and sir, welcome! How may I help you?"
salubong sa amin ng isang babaeng nagtatrabaho sa restaurant. Inilibot ko ang paningin sa paligid at napatango tango. Ayos din, maganda at magaan ang ambiance. With the field of work I'm in, alam ko kung paano kumilos sa mga pormal na events kagaya nito. Kailangan mong makipagsabayan sa mga mayayaman kung gusto mong lumawak ang iyong koneksiyon.
"Reservation for Madeline Guerero." pormal at sobrang classy niyang saad. Nakita kong napalunok ang babaeng sumalubong sa amin. Napangisi ako ng palihim.
See? Hindi lang ako ang naaapektuhan ng awra niya!
"Oh my god! Miss Guerero. I'm sorry for the inconvenience. Hindi ka nakilala dahil bago lang siya eh." hyper ngunit kinakabahan na sambit ng baklang lumapit sa amin, nakita ko namang may name plate siya at nakalagy doon na manager.
Naks! Ang big time talaga ng kasama kong ito eh!
"No, problem. I'm here with my boyfriend." mabilis akong napatingin sa kaniya ng sinabi niya iyon at halos pareho kami ng reaksiyon ng manager ng ngumiti siya ng matamis.
"Uhh, ohh wow! I'm glad you choose our restaurant, this way please madame." saad ng bakla. Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa kamay kong namamawis. Agad na dumaloy ang elektrisidad sa katawan ko ng magdampi ang balat namin.
Pilit kong pinapakalma ang aking sarili habang nakasunod sa kaniya.
"Are you okay?" nag aalalang tanong nito sa akin ng makaupo kami at naghihintay sa pagkaing inorder.
"Yes, madame." pormal kong sambit. Hindi ko alam kung angkop paba dahil naghalikan na kami kanina.
"Call me Madeline or Maddy." nakangiti niyang saad sa akin.
"Thank you, but I prefer being professional with you madame." seryoso kong saad at tinitigan siya.