"May problema ba?" agarang tanong sa akin ni Primo ng makalapit. Automatic na yumapos ang mga braso ko sa bewang niya at bumuntong hininga. "Would you like to meet my family, love?" malambing kong sambit. "H-Ha?" he asked. Dumbfounded. I chuckled because he's so cute! Tiningala ko siya at ngumuso. "Diba I told you about the agreement my family had when I was 18 years old? They make pusta about my lovelife!" irita kong saad, habang inaalala ang kasunduang iyon. "Yes. Hindi ba uhm sila naniniwala na may boyfriend kana?" marahan niyang tanong sa akin. "The Vergara family didn't. Wala daw kasing nababalitang may boyfriend na ako. Ofcourse! Kakasagot mo lang sa akin last week! That family is getting into my nerves! They wanted to meet you personally!" I said while gritting my teeth.

