Molly Makalipas ang ilang araw ay naging maayos naman ang trabaho ko. Nagpatuloy pa rin ang lihim namin ni Terrence. Halos lahat ata ng sulok ng bahay niya ay nabinyagan na namin. Sabi niya sa akin, matatapos ang kontrata namin once na magsawa siya, pero habang tumatagal ay mas lalo lang siyang nag e-enjoy sa hindi ko malamang dahilan. Kailan naman kaya niya balak magsawa? O may balak pa kaya siya? "One week leave?" Nakagat ko ang aking ibabang labi. Babalik na rin naman ang secretary niya kaya panigurado na hindi na ako masyadong kailangan. "Tingin mo papayagan niya ako?" tanong ko kay Dee. Huminga siya ng malalim. "I'll just talk to him regarding to this matter, pero knowing him, hindi siya basta-bastang nagpapaleave ng kaniyng empleyado unless sabihin mo ang pinakarason mo."

