Molly Maaga kaming nagpunta sa site ni Terrence kasama si Teo. Kitang-kita ko naman kung paano pag-aralan ni Terrence ang buong lugar, may suot pa itong salamin na akala mo isa siyang genius tapos panay pa ang tutok nito sa kaniyang iPad. Sa simpleng plain shirt at pants na suot nito, kung hindi ko siya kilala, magmumukha siyang mabangong gentleman pero hindi eh, isa kasi siyang malanding nilalang. Yung biceps niya mapapa choke me daddy ka, sa ganda ng katawan nito hindi na ako magtataka pa kung bakit maraming babae ang gustong maghubad sa harap niya. "Nathalie." Napabalik ako sa reyalidad nang tawagin niya ako. Lumapit naman agad ako sa kaniya. "Yes Mr. Caspirro?" "Take a photo of the whole site." "Noted Mr. Caspirro." Agad ko namang inihanda ang camera na kanina ko pa dala. Kapag

