Nasaan sila? Ibig sabihin, hindi sila umuwi kagabi?
“Baka po sinusulit nila ang pagdalaw sa Maynila-”
“Hi, Mom.” Napatigil ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
Aragon...
Lumapit si Aragon kay Ninang at nagmano siya. Automatikong napaharap siya sa akin. s**t! Bakit ba ako nakakaramdam ng kaba? Haler, si Aragon lang naman ‘to!
“Oh, Anak. Nasaan ang mga kaibigan mo?” Kapagkuwan ay tanong ni Ninang kay Aragon kaya naalis ang tingin nito sa akin.
Buti naman, akala ko matutunaw na ako, e!
Ako naman ang tumingin sa kanya habang nagpapaliwanag kay Ninang. Pinakinggan ko talaga ang mga sasabihin niya, subukan lang niyang sabihin kay Ninang ang nangyari kagabi at sa akin niya isisi lahat. Hmp! Magkakasubukan kami.
“Olive?”
“Olive?!”
“Po?” Napakurap-kurap ako nang lumakas ang pagtawag ni Ninang sa akin.
“Are you okay?” Nakakunot ang noong tanong ni Ninang.
“A-ayos lang po ako.”
Umiling-iling si Ninang. “Hindi ka maayos. Palagi kang tulala.”
Nginitian ko si Ninang. “Ayos lang po ako. Baka napagod lang sa biyahe. Maghahain na po ba kayo ng pagkain?” Pag-iiba ko. “Tulungan ko na po kayo.”
“Paki-halo mo na lang itong Caldereta at ako na ang maghahain.” Wika ni Ninang bago umalis ng kusina at naiwan si Aragon kasama ko na walang imik sa gilid ko. Ayoko nang ganito!
Sumulyap ako sa kanya at ganoon na lang ang gulat ko nang magtama ang mga mata namin kaya kaagad rin akong umiwas ng tingin na parang napapaso. Balak ba niyang manatili rito sa kusina at titigan ako na parang isa akong masamang tao! Ano bang trip niya? Gusto ba niyang humingi ako ng tawad kay Luna? No way! If he expects me to apologize to Luna, that's not going to happen. I don't care how mad I make him. He can't make me apologize for something I didn't do. I won't feel guilty. I refuse to be a pushover. Hindi ako plastic katulad ng Luna niya!
“Olive.” Tawag pansin niya sa akin.
I switched off the stove's flame promptly to prevent the food from being scorched. Kailangan kong umalis sa presensya niya. Ayoko siyang makausap sa ngayon, baka masaktan ko lang siya sa mga lalabas sa bibig ko. Hindi pa naman ako marunong magpigil ng galit ko.
Akmang lalabas ako ng kusina nang hawakan niya ako sa braso. Madiin ngunit hindi naman masakit ang pagkakahawak niyang ‘yon, tila ba pinipilit akong humarap sa kanya at makinig.
“Can we talk?” He asked in a soft but authoritative voice.
Marahan kong hinawakan ang kamay niyang nakakapit sa akin at inalis iyon sa braso ko bago humarap sa kanya at magsalita. “Sure, what do you want to talk about, Kuya Aragon?”
“Gusto mo ba mamasyal?” Biglang nag-iba ang tono ng boses niya.
“Huh?” Nagtataka akong tumingin sa kanya. “Akala ko ba, mag-uusap tayo?”
“Later. Mamasyal muna tayo after breakfast.” Aniya.
Nagtataka akong nakatingin sa kanya. “Hindi mo ako pipilitin humingi ng sorry kay Luna?”
Aragon shook his head. "Nope, classes start next week. That's why I thought it'd be a good idea na ipasyal ka bago magpasukan para malinis ang utak mo kahit pa paano.”
Hindi ko alam kung matatawa ba ako, o maiinis sa sinabi niya.
“Marumi ba ang utak ko?” May bahid ng inis na tanong ko sa kanya.
Tumawa ng mahina si Aragon. “Just kidding.”
I rolled my eyes. “Ewan ko sa’yo.”
“Ayan, ganyan nga.” Biglang sabi ni Aragon na nakapagpatigil sa akin sa pagpunas ng mga tulo-tulo ng sauce sa stove.
Inirapan ko siya. “Anong ganyan nga, pinagsasabi mo diyan?”
Muntik na akong mapamura ng pitikin ni Aragon ang noo ko. “Bumabalik na ang pagiging brat mo.”
“Masakit, ah-"
“Kayong dalawa diyan. Bilisan ninyo. Tama na ang bangayan at kakain na tayo ng agahan.” Pukaw ni Ninang Cherry sa amin.
Sayang! Nasapak ko sana si Aragon!
“Opo, Ninang. Susunod na po kami.” Ako na ang sumagot kay Ninang.
Inambaan ko si Aragon ng suntok sabay tawa ng malakas dahil mabilis siyang umiwas. Duwag tamaan ang guwapo niyang mukha!
"Brat!" Aniya.
Nag-make face ako para asarin siya. Akmang hahabulin niya ako ng kumaripas ako nang tumakbo patungo sa dining table at saka hinihingal na naupo.
"Ninang, oh! Si Kuya Aragon." Pagsusumbong ko kay Ninang.
"Aragon." Suway ni Ninang.
"What?" Naupo sa tabi ko si Aragon kaya pinandilatan ko siya. "Ako na naman?"
Natatawang sinalinan ng kanin ni Ninong ang pinggan niya. "Kayo talagang dalawa." Umiiling-iling pa ito.
Tumawa lang kaming tatlo nila Ninang at Aragon. Ito na ngayon ang pamilyang meron ako. Wala man ang mga magulang ko, meron naman akong itinuturing na pamilya.
Masaya ako dahil maayos na kami ni Aragon. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko kapag hindi niya ako kinakausap, o kaya nagtatalo kami, mabigat sa pakiramdam. Siya lang ang tinuturing kong… itinuturing kong ano? Bakit ba iba ang lumalabas sa utak ko? Iba ang pina-process ng utak ko? s**t! Ayoko siya maging kaibigan- maging kaibigan lang, alangan naman kapatid? Duh! Ayoko rin ‘nun. Ano nga ba ang gusto ko?