Chapter 13

2088 Words
~Lui~ Kinabukasan ay hindi ko nagawang pumasok sa trabaho. Namamaga ang mukha ko, pati ang labi ko. May malaking pasa nga rin ako sa braso na hindi ko na alam kung saan ko nakuha. Basta nakita ko na lamang iyon sa braso ko ngayon umaga. Pinagpasalamat ko na lamang na umalis na si Nanay kasama si ate Mary. Nakaramdam ako ng kaluwagan sa dibdib ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay naramdaman ko ang hapdi rin nun. Lintik! Pati mata ko naging singkit sa pamamaga. Umiyak ako nang umiyak kagabi. Kahit nga nang tumawag si Noah ay hindi ko nagawang sagutin. Baka kase mahalata niya sa boses ko na hindi ako okay, at isipin pa niya ang tungkol sa akin. Wow! Iisipin ka ba talaga? Buska ko sa sarili! Masyado ata akong nagiging assuming lately! Sensya na! Hindi maiwasan! Damang-dama ko talaga ang pagiging asawa niya! Hindi pa nga nangyayari sa totoong buhay. Pero ang lintik na imahinasyon ko? Shit! Nagwawala na! Sa namamaga at mahapding mga mata ay hinagilap ko ang cellphone ko. Buti na lamang ay hindi ito nalaglag sa pagkakasukbit ko sa baywang ko kahapon. Akala ko nga mahuhulog ito habang kinakarate ang mukha ko ni Nanay. Napadalangin nga rin ako na hindi ito makuha sa akin. Dahil kung nagkataon, alam kong pati ito ay kukunin sa akin. Pinindot ko ang gitnang button. Umilaw at ang phone ko at tumanbad agad ang mukha ng mahal ko. Napangiti ako. Ilang sandali kong tinitigan ang mukha niya. Na para bang hindi umaapoy sa hapdi ang aking mga mata. "Hindi ka talaga masakit sa mata, huband ko!" Ang nakangiti kong kausap sa larawan niya. Nagagawa ko pa talagang ngumiti ng ganito. Sa kabila ng nangyari sa akin kahapon. Makita ko lang ang gwapong-gwapo nitong mukha gumagaan ang pakiramdam ko. Nang sa wakas ay makontento ang mga mata ko sa kakatitig sa kanya ay tuluyan ko nang binuksan ang cellphone ko at muling pinasadahan ang palitan namin ng text messages kagabi. "Lui.. Please, pick my call." Ang unang text nito. Hindi ko iyon na-reply-an kaagad. Naka-ilang tawag ito sa akin ngunit hindi ko nasagot. Siguro tumatawag siya nong time na nakikipag-digma ako kay Nanay! Char! Hindi ko syempre pansin kase bukod sa kinakarate ako ni Nanay, e nakasukbit pa ang cellphone sa baywang ko habang naka silent mode! "Pasensya ka na husband ko, masakit kase ang ulo ko kaya nakatulog ako nang maaga." Ang pagdadahilan ko. Pero imbes na mag-reply siya sa text ko'y, tumawag ito. Napapikit ako. Medyo kinabahan ako. Sasagutin ko ba? Pero alam kong kahit anong pantay ko ng boses ko, malalaman niyang umiiyak ako. Kaya napagpasyahan kong huwag na lamang iyon sagutin. Bagkus, nagtext na lamang ako ulit. "Sorry husband ko. Hindi ko masasagot ang tawag mo. Sobrang sakit pa kase talaga ang ulo ko. Gusto ko nang itulog." Kagat labi ko iyong in-send sa kanya. Napabuntong hininga ako ng mag-sent na iyon. Gustong-gusto ko siyang makausap. Marinig ang boses niya. Tulad nang nakasanayan ko. Inaabot kami minsan ng ilang oras habang magkausap. But not this time. Kung malalaman niyang umiyak ako, anong sasabihin kong dahilan? Kung magsasabi ako ng totoo baka matakot iyon kapag nalaman ang ugali ng kanyang magiging biyanan! Baka umatras pa siya sa kasunduan namin! Saka ko na siguro ipapakilala si Nanay, kapag kasal na kami! Char! Jahe, naman kase! Baka magbago isip niya at umatras! At least pagkasal na kami wala na siyang chooice! "Ganon po ba, wife ko..Okey po. Huwag mong kalimutang kumain at uminom ng gamot. Tatawag na lang ako bukas. goodnight sweetdreams.." Paulit-ulit kong binasa yong unang sentence niya. Kahit nangngapal ang mukha ko sa sampal at makirot ang pumutok na labi ko? Ngumiti ako nang pagkatamis-tamis, tengene! Wife ko daw?! Grabe din tong si husband ko kung magpakilig a.... Tamang Timing! Kagabi nga kahit nanlalabo mata ko sa luha noong makita ko parang nakakain ako ng sandamakmak na kalabasa! Luminaw ang mga mata ko! Halos mapasigaw pa ako sa saya! Daig ko pa ang nanalo sa jackpot ng lotto e, hindi naman ako nataya! Napayakap ako sa cellphone ko. Kagabi nga di ko na alam kung anong oras ako nakatulog. Basta yakap-yakap ko cellphone ko. At ngayong umaga, di ko alam na may after shock pa pala ito sakin! Kumakabog at bumibilis ang t***k ng puso ko habang binabasa ng paulit-ulit ang huling message nito. Then bigla, naisip kong muli ang mga nangyari kahapon. Kaya napawing muli ang ngiti ko. Narito sila Ivo kahapon. Nahihiya ako sa kanila. Nakita ko mukha niya at mga kaibigan niya ang pagkaawa sa akin. Halatang-halata naman na hindi talaga ako kabilang sa pamilyang ito. Nagsusumiksik lamang ako at nagtitiis dahil bukod sa wala akong alam tungkol sa sarili ko, ay mahal ko si Tatay. At hindi ko siya pipilitin kung hindi pa siya handang magsabi sakin kung sino nga ba ako at kung saan ako galing. Kung sino ang totoo kong mga magulang at kung nasaan na sila. Gusto ko talagang pumasok sa trabaho pero sa kalagayan ko, pinasya kong huwag na lang muna. Hahayaan ko muna ang sarili kong makapagpahinga, mula sa sinapit ko kay Nanay kahapon. Sobrang hapdi pa kase ang magkabilang pisngi ko. Pakiramdam ko ngayon araw ay parang tumabingi ang kalahati ng mukha ko sa pamamaga nito. Pero isang araw lamang akong pweding magpahinga. Dahil kung hindi ako kikita sa mga susunod na araw ay malalagot na naman ako kay Nanay. Isinang tabi ko na rin ang plano kong paghandaan ang kaarawan ko. Siguro, papasok na lamang muna ako ng trabaho. Siguro makikisuyo na lamang ako kay Jeylai na bilhan ako ng isang kilong pansit. Tama! Magluluto na lamang ako sa linggo ng isang kilong pansit at yon ang pagsasaluhan namin nila Tatay, Jeylai at Arman. Agad na akong bumangon. Sobrang late na ako nakatulog kagabi ngunit hindi ko alam kung bakit sobrang aga naman ang gising ko. Nasanay lang siguro ang diwa at mga mata ko na bumangon nang ganito kaaga! Nagderetso na ako sa maliit naming barong-barong na banyo. Pagkatapos umihi ay nagsipiliyo na rin ako. Mahapdi talaga ang putok na labi ko. Kaya napapangiwi ako sa pagitan ng pasisipilyo. Ganoon rin nang maghilamos ako ng mukha! Napapamura ako sa isip, tengene! Nang tuyuin ko ang mukha ng tuwalya? Ingat na ingat ako. Dinampi-dampi ko lamang ang tuwalya sa mukha ko, hanggang sa matuyo. Then, agad akong nagtungo sa kusina. Nagsalang ako ng takore! Naupo ako sa banko namin na gawa sa kawayan. Muli kong sinipat ang screen ng cellphone ko. At tamang-tama naman na umilaw iyon. "Good morning, cutie Lui.. How's your feeling?" Napakunot ang noo ko't awtomatikong napahaba ang nguso ko. Tignan mo tong lalaking to! Kagabi lang nagpakilig siya! Tinawag akong asawa! Nagdaan lang ang gabi nakalimot na! Ngayon kung ituring ako, bata na naman! Cutie Lui! Hmp! Alam ata nitong nabogbog ako kagabi, kaya niya ako tinawag na wife ko! Pampalubag loob lang ata! Inis akong nagtepa! Me: May expiration pala yong pagpapakilig mo? kagabi lang tinawag mo akong 'wife ko' sa sobrang kilig ko hindi ko nagawang mag-reply. Halos mangisay ako sa kilig sa higaan ko sa kilig kahit masama ang pakiramdam ko. Tapos ngayon cutie Lui na naman. Bata na naman ako sayo?! Kapag ako nainis, hindi mo mapapasuko ang Bataan ko kahit mag-asawa na tayo!" Salubong ang kilay kong inulit na binasa ang in-type ko. Napatigil ako sa huling sentence at binasa muli iyon. Pero sa huli, binura ko yong huling sentence. Ano kayang idudugtong ko? Syempre may asawa bang hindi sinusuko ang Bataan? Maski di ko pa naman alam kung paano magsuko ng Bataan ay alam kong require talaga yon sa mag-asawa no! Dahil kundi? Baka mag-hanap ng ibang Bataan si Noah! Ayaw ko naman ng ganon! Pinalitan ko na lang yong sentence sa dulo. "Ibalik mo yong 'wife ko' kung gusto mong maging good ang morning ko!" With 5 angry emoji! May gigil kong pinindot ang send button. Napangisi ako at agad na tumayo nang makita kong nag-sent na iyon. Nilapag sa mesa at tinungo ang pinakulo kong tubig at nagtimpla ako ng kape. Nang makabalik ay pinatong ko ang kape ko sa mesa at muling bumalik sa pagkakaupo. Sinipat ko ang cellphone ko kung may reply na ito. "Huwag ka nang magalit, wife ko. Mas bagay sayo ang nakangiti, kesa sa nakasimangot. Kapag nanalo ka sa puntahan, hindi lang "I do" ko ang mapapasayo, pati puso ko. Oras-oras, minu-minuto kitang tatawaging wife ko.." With kiss emoji. Para akong naiihe sa kiling, tengene! Parang nagliparan na naman ang isang batalyong kulisap sa tiyan ko! Marunong nang bumanat ang gago?! Sana lagi siyang ganito! May tinatago pala itong ka-sweetan bakit hindi niya dalasan? Gusto ko siyang laging ganito! Anong sasabihin ko? Shiiit! Natataranta tuloy ako! Shiit na kilig to! Nakakatuliro ng utak! Wala akong maisip na sasabihin! Parang natameme ang sistema ko sa malapasabog na pa-kilig nito! Nagtepa akong muli! At agad ko rin in-send! "Sige pa husband ko. Banatan mo pa ako, please! Gustong-gusto ko nang ganyan! Banat pa! Banatan mo pa ako!" Ano na naman kaya ang banat na sasabihin nito? Excited na ako! Kagat labi akong naghintay! Hindi ko na naalala ang kape ko! Hinihintay ko na lamang ang magiging reply nito! Busangot kong inom na lamang ang lumamig nang kape dahil hindi na ulit ito nag-text pa! Kakainis talaga! May time limit ang pagpapakilig niya! *** "Hala besh, ang lala nga talaga ng inabot mo sa Nanay mong mangkukulam! buti buo pa ang bangang mo?" Ang nakangiwing ani Jeylai, habang sinisipat ang mukha ko. Inabutan niya ako ng gamot. Makakatulong daw iyon para kahit papano ay maibsan ang sakit. "Salamat Jeylai. Sobrang sakit talaga." Ang daing ko. Pagkatapos kong inumin iyon ay muli akong napasimangot. At napasimangot pa akong lalo nang sipatin kong muli ang cellphone ko ay wala pa rin itong reply. Nakakainis naman siya! I hissed. Feeling annoyed.. Naiinip na ako kakaantay ng reply niya! Naudlot tuloy yong excitement ko! Pag pasok ko bukas maghapon kong patutunugin ang cellphone nun! Humanda talaga siya! Sana nga humupa na ang pamamaga ng pisngi ko hanggang bukas. Baka mapansin ni Tita Babes at tanungin ako. Though, alam naman nila na nasasaktan talaga ako ni Nanay pero isa to sa malalang inabot ko sa kan'ya. Noon ay nagawa niyang gupitin ang buhok ko at halos makalbo ako sa sobrang ikli! Parusa niya iyon sa'kin ng wala akong naiuwing pera kahit singko! Ayaw ko nang mangyari yon kaya mula noon ay talagang humahanap ako ng paraan para may maiuwi akong pera! "Kanina ka pa di mapakali a, ngayon na nga tayo muling magkakakwentuhan puro d'yan ka parin nakatingin sa magarang cellphone mo." Ang tudyo sa'kin ni Jeylai. "Kumusta na kayong dalawa? Anong level na ba?" Ang makahulugan nitong tanong sa'kin. Huminga ako ng malalim. Malungkot ko lamang siyang tinignan. Alam ni Jeylai ang pustahan namin! Actually, siya lang ang nakakaalam nun. Alam din nito kung gaano ko, kagusto si Noah. Para sa'kin ay hindi lamang simpleng pustahan ang lahat. Sigurado ako sa gusto ko at nararamdaman ko. Gusto kong maging asawa siya! Kahit pa madalas ipaalala ni Jeylai na bata pa kami para isipin yon. Na malabo akong patulan ni Noah kase napakalaki talaga ang agwat ng edad namin. Marami pa daw akong makikilang iba. Mas bata ke Noah at mas nababagay sa'kin. Pero naisip ko, hindi naman bagay ang gusto at hanap ko! Tao! At si Noah lang ang lalaking mukha tao sa paningin ko. Lahat na shokoy! "Hindi pa rin siya nagrereply, kanina pang umaga ang last na text niya." Ang nakasimangot kong sabi. "Baka busy lang, Lui. Alam mo naman ang mga mayayaman! Lalo na mga business man mga abala talaga ang mga iyan. " Ang tila pagpapakalma niya sa'kin. "Sana nga gano'n lang. Dati naman kahit anong busy niya nagrereply pa rin naman siya !Pero ngayon---" Muli akong napabusangot! "Baka may nasabi kang hindi maganda?" Ang kunot noo nitong sabi sa'kin. Inalala ko ang lahat ng usapan namin. Wala naman akong matandaan na masama.. Nag-umpisa akong magkwento sa kanya. Kinukwento ko ang usapan namin. Tahimik na nakikinig lamang si Jeylai sa'kin. Habang panay ngata nito sa nilagang kamoting kahoy.. Nasalin ito ng tubig sa basong plastik mula sa aming pitsil. "Hiniling kong batanat niya ako. Kase nagustuhan ko yong pagkakabanat niya sa'kin pero lintik di na nagreply!" Ang reklamo ko. Bigla na lamang akong napasigaw, nang biglang mapabuga si Jeylai sa iniinom nitong tubig at tumama itong sa binti at braso ko.! A/N: Unedited.. Bukas review and edit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD