~Lui~
Wala sa sariling napatulala ako sa hangin habang inaalala ang mga nangyari kagabi.
Sa may dalampasigan, sa batohan!
Napapikit ako ng mariin.
I shook my head...
Damn.
Erase! erase! Alam ko nakakahiya!
Ano na kaya ang iniisip niya tungkol sa'kin?!
Nakapagkit pa rin sa isip ko ang bawat detalye ng reaksyon niya sa mga ginawa ko.
Pagkabigla, pagkamangha, pag-aalala, lalo na noong tuluyan kong isubo ang kanya..
Para siyang nakakita ng multo!
Pero napapikit na lang bigla!
Tila ba hindi alam kung magpapatuloy o hihinto sa pag-urong, sulong!
Really Lui? Pati 'yon talaga iniisip mo?!
Kung ano pa 'yong pinaka-nakakahiyang parte?
Parang gusto kong sabunutan ang sarili kong buhok!
Umiikot sa utak ko lahat ng kahihiyan na pinagga-gawa ko kagabi.
Pati 'yong pagto-talk dirty ko sa kanya, para bumigay siya?
At mawala sa pagtitimpi?
Talagang sinadya kong isubo iyon sa kalagitnaan ng kasarapan niya kung saan hindi na siya makakatanggi pa!
Pero di ko naman naisip at inaasahan na maaga siyang mag-celebrate ng new year at sa mismong mukha ko pa talaga niya pinutok ang fireworks niya!
It was hot though, to see him half-naked...
With his shirt, still on.
But down there, damn!
Wala sa sariling napakagat ako sa aking ibabang labi...
From his sexy waist, his navel, and the v shape line.
With his long, thick, huge c**k sprung free from its root?
Wow!
Jaw-dropping and breathtaking view, indeed!
Finish na may nanalo na talaga!
Mga imahing iyon na tanging sa isip ko lang nakikita sa tuwing nagbabasa ako ng libro ni Peggy Orenstein at Tracy..
Pero kagabi? Ibang pagbabasa ang nangyari!
Basang-basa talaga! literal teh!
Konte na nga lang mapipiga ko na 'yong kakarampot kong suot pang-ibaba.
Sobrang lakas ng loob ko kagabi pero ngayon...
Haaay... Kanina pa ako kinakain ng hiya.
Para akong biglang nahimasmasan!
At ngayon ay nalulunod sa sariling kahihiyan!
Hindi ko pa man siya kaharap , paano pa kaya kapag nakaharap ko na ulit siya?
Ano kaya ang sasabihin niya?
Kaya ba naming pag-usapan ang tungkol sa nangyari sa aming dalawa?
Di ko maiwasang magpakawala ng mga buntong hininga!
Siguro masyado akong naging mukhang balahura.
Kaya siguro natanong niya kung may lalake na ba, na gumawa nun sa'kin..
Kung may lalake nang humalik at humawak sa'kin!
Adik ba siya?!
'Di ba pweding nakapag-basa lang ng "Want Me" by Tracy Clark Flory? In-apply ko.
Ginalingan! Ganern...
Kaya nagmukha tuloy akong kakahugot lang sa bar!
Wala sa sariling nagpapadyak ako!
Bakit kase ginawa ko yon!
Paano kung isipin niyang di na ako virgin at biglang umayaw sa'kin?
Syempre iisipin niya baka napag-sawahan nako ng iba?!
Shuta! Adik siya!
Subukan niya at tatamaan talaga siya!
Dapat nga magpasalamat siya!
Dahil jackpot siya.
Sa kan'ya lang talaga ako nagiging balahura!
Hindi ko lang niluhudan, tinagay ko pa talaga!
Gusto ko sanang e- congratulate ang sarili ko e.
Mukhang na-satisfied naman ata siya!
Ay! bakit ba lagi na lang yon ang laman ng kokote ko?!
Parang pandikit na mahirap ialis sa isip ko ang bawat reaksyon ng mukha niya kagabi habang gumagawa kami ng himala!...
Ang matinding sarap na nakaguhit sa kanyang mukha habang hinahagod ng mga kamay ko ang kahabaan niya!
His amused face!
Those eyes of him, full of desires and affection towards me.
Ang napakagwapo niyang mukha...
Kahit anong reaksyon atang makita ko sa mukha niya ay napakagwapo pa rin niya!
Nag-init muli ang mukha ko!
Kung kailan tapos na, nagawa ko na, saka ako nakakaramdam ngayon ng hiya.
Hiya hindi lamang kay Noah, kundi pati na rin sa sarili ko..
Masyado ata akong sumubra!
But I was quite disparate...
Masyado akong nagngitngit at nasaktan..
Alipin ako ng selos at nang makita ko siya sa dalampasigan at halikan nya ako, I immediately took it as a good opportunity to seduce and lure him...
And I think, I succeeded... Well, did I?
At magpahanggang ngayon, clueless pa rin ako kung bakit siya naroon..
Kung paano nito nalaman na naroon ako.
Sa araw na iyon naging alipin ako ng mga pangyayari iyon sa amin ni Noah...
Parang super glue na nakadikit sa utak ko!
Sa lahat na nga lang ng bagay ata sa araw na iyon siya ang nakikita ko...
Lahat nagpapaalala sa kanya!
"Lui, anak pwede mo bang linisan itong igat na bigay ni pareng Paeng?" Ang ani Tatay na siyang pumukaw sa diwa ko..
Si Mang Paeng ay isa sa mga batikang mangingisda dito sa isla.
At madalas ay kainuman rin ni Tatay.
"O, bakit parang tulala ka dyan?" Ang puna niya.
Agad ang naging sagot ko.
"Wala ho, Tay. May iniisip lang po." Iwas tingin kong sagot.
Iniabot nito sakin ang baldi kung saan naroon ang isdang mahaba..
Napatitig ako sa isdang nasa timba...
Napalunok ako...
Brown ang kulay nun na may halong yellow green, mahaba at madulas ang balat...
Kung medyo naging pinkish ka lang, lintek ka!
Kahawig na kahawig mo na talaga yong sinubo ko kagabi!
Napangiwi ako sa naisip! Dinala ko na ang isda sa kusina.
Nilasing ko ang igat sa abo upang tanggalin ang dulas niyon..
At saka nilinisang mabuti... Si Tatay na lamang daw ang magluluto nun..
"Anak e-ihaw mo nga itong talong.. Masarap itong ipares dyan sa isda.. Tapos maghiwa ka na rin ng kamatis at sibuyas." Sabay abot sakin ni Tatay ng plastik..
Tinignan ko ang laman nun, at muling napalunok.. Ang hahaba ng talong... Wala sa sariling napadukot ako ng isa.. Napatitig doon... Makinis, presko, halatang bagong pitas!
"Ganito 'yon kahaba e, at kung mataba-taba ka lang konte, sakto-saktong kamukha mo na siya!"
Pinilig ko ang ulo ko... Bakit ba sa lahat na lang basta mahahaba e, nakikita ko siya?I mean, nakikita ko 'yong ano niya! Dumating si Nanay...
May dalang upo... Damn! Sunod-sunod ang lunok ko!
Nay masyadong malaki yan!
Pero kung maliit-liit 'yan ng konte, ganyan na ganyan talaga!
"Alam kong igat ang ulam ngayon kaya heto't mag-gigisa na lamang ako ng upo.."Ang ani Nanay na tila napansin ang kakaibang pagkakatitig ko sa upo niyang dala. "Alam ko naman na di ka kumakain ng igat kaya, maggugulay na lang ako ng upo, masarap itong igisa at sahugan lang ng sardinas. Hindi ba't kumakain na naman n'yon?" Ani Nanay, habang inaabot ang kutsilyo't at sangkalan.
Taka pa rin siyang nakatingin sa akin, marahan lamang akong tumango.
"Okay ka lang ba Lui?" ang medyo nag-aalala nitong tanong.
Agad akong ngumiti.
"Opo, Nay. May iniisip lang po ako." Ang agad kong sagot.
Huminga ako ng malalim...
Gusto kong e-text si Noah o, si Tita Babes.
Pero nahihiya naman akong magsabi kay Nanay at manghiram ng cellphone sa kanya.
Kukunin ko kase ang naiwan kong kwentas kay Noah.
Kailangan rin namin mag-usap dahil hindi pa namin napag-uusapan ng malinaw ang lahat ng mga nangyari noon, pati na rin ang kung ano kami ngayon!
Gusto kong maging malinaw sa amin dalawa kung ano ba ang relasyon namin.
At kung talaga bang ikakasal na siya, pero sabi naman nya kagabi ay hindi raw.
At tulad ko, ay wala rin siyang nobya!
Gusto kong maging malinaw at makasiguro.
Mahirap na baka paasa na naman itong si Tanda at kamulat-mulatan ay umaasa akong muli sa wala!
Tumikhim ako...
Napatingin sa akin si Nanay habang hinihiwa na niya ang upo.
"Nay, pwede po ba akong umalis? Puntahan ko lang po si Jeylai." Ang malamlam na boses kong pamamaalam.
Dumating si Jeylai kahapon at saglit lamang din kaming nagkausap.
Kailangan kase nitong tulungan ang ina sa pagluluto at pagtitinda sa plaza.
Hindi na ako nakabalik kagabi sa plaza kaya hindi na kami nakapag-usap.
May cellphone na siya, kaya siguro pwede akong maki-text kahit isang beses.
"Oo nga, pinuntahan ka rito kagabi.
Kasama si Arman at senyorito Ivo pero wala ka naman dito. Kaya sinabi kong baka nasa plaza ka na!" Napalunok ako sa narinig. Medyo nagi-guilty ako.
Sinabi ko pa naman kagabi kay Jeylai na uuwi lang ako para magpahinga saglit at babalik rin ako pero hindi na ako nakabalik.
Hindi ko na nagawang magpaalam kay Ivo kagabi dahil alam kong, kung magpapaalam ako ay magpupumilit lamang itong sumama.
Kailangan ko rin makausap si Jeylai.
May mga ilang bagay kase akong gustong itanong sa kanya at linawin.
Tungkol sa mga sulat kong pinapadala kay Ivo.
Ewan ko pero iba ang nararamdaman ko.
Sinulatan ko si Noah at sinabi ko sa sulat na kalimutan na niya ako, dahil mayroon na akong asawa?
At ang sulat na natanggap ko, ang sabi ni Noah kahit kailan ay hindi naman niya ako pinadalhan ng sulat.
Iisang sulat lamang din ang natanggap niya mula sa akin.
"Nakausap ko ang Nanay ni Jeylai kanina,"tipid siyang ngumiti sa akin.
"Sa makalawa ay aalis na ulit papunta sa trabaho si Jeylai, aalis ka na rin. Mas maigi na magka-usap muna kayong magkaibigan at magkasama." Nabakas ko ang biglang paglungkot ng mukha ni Nanay.
Pati ang paglamlam ng boses niya, pati ng mga mata niya sa akin.
Tila nangilid ang luha niya, pero agad siyang nag-iwas ng mga mata sa akin.
"Pumaroon ka na muna. Bumalik ka na lang kapag magtatanghalian na." Ang mahina niyang sabi.
Inabot ang kaserola. Ewan ko, pero pakiramdam ko iniiwas niya ang mukha sa akin.
Tila naghawi rin siya ng luha sa mga mata niya..
***
Nasa tarangkahan pa lamang ako ng bahay nila Jeylai ay agad na niya akong sinalubong.
Nanghahaba ang nguso niya!
Agad akong napangiwi. Lagot ako talaga!
"Nakakainis ka! Bakit hindi ka na bumalik kagabi? Sinundo ka namin sa bahay niyo pero wala ka naman do'n" Aang agad nitong maktol sa akin, pagka-upo pa lamang namin sa bankong upuan sa harapan ng bahay nila.
Nahihiya akong napakamot ng ulo.
"P-pasensya na kung hindi na ako nakabalik kase... kase--"
"Kase sinundan ka niya!" Ang agad nitong putol sa sasabihin ko kasunod ng hagikhik nito.
Namimilog ang mga mata kong napatingin sa kanya.
"Obvious na naman kagabi na sa'yo lagi siya nakatingin. Tapos kapag napapagawi ang tingin mo sa kanya? Bigla niyang nilalambing 'yong babaeng katabi niya! Para bang pinagseselos ka! " Ang mangha nitong kwento at kinindatan pa niya ako.
Medyo nagulat din ako sa kwentong ito ni Jeylai.
Pero mas pinili kong huwag magbigay ng reaksyon.
Tipid lamang akong ngumiti.
Totoo kaya?
Pinagseselos lamang niya ako kagabi, kaya panay lambing niya doon sa bisugo niyang kasama?
"Hindi ka ba naniniwala? Nakasunod kaya ang mga mata ko sa inyong dalawa! Panay nakawan niyo ng tingin sa isa't-isa. At nang umalis ka, hindi na siya mapakali. Nag-usap sila ng kasama niyang lalake tapos ay nagmamadali na siyang umalis.!" Bakas ang labis na pagkamangha sa boses nito habang nagkwekwento.
Tila kilig na kilig rin ito.
Tipid ang ngiti ko.
"Jeylai, nakakarating ba sayo ang mga sulat ko?" Ang deretso ko nang tanong at walang ligoy.
Natigilan ito saglit. Biglang nalusaw ang malawak niyang ngiti..
Nakita ko ang paglunok niya ng ilang beses.
Tila lumikot rin ang mga mata niya.
Ewan ko pero kinakabahan ako sa nakikita kong reaksyon niya.
"N-noong nasa antipolo ka pa?" Pilit ang ngiti niya.
"Oo naman. Natatanggap ko ang mga sulat mo, iniaabot 'yon sa akin ni sir Ivo." Ang malumanay na aniya.
Pero napansin kong tila naging tensyonado siya. Matagal ko na siyang kaibigan.
Alam ko kung may tinatago siya.
Kung nagsisinungaling siya.
Hindi naman kase ito marunong magtago ng emosyon.
Di tulad kong kahit paano ay kaya kong itago ang nararamdaman.
"Yong mga sulat ko ba kay Noah naibigay--"
"Oo naman! Ibinigay ko rin lahat ng iyon Lui. " Ang agap niyang sagot sa'kin.
Nakita ko ang tila pangungurot niya sa kanyang mga daliri.
Gano'n rin ako kapag tensyonado.
Marahan na lamang akong napatango.
Hindi ko siya pipilitin paaminin sa isang bagay.
Pero hindi maiwasan ang pagbigat ng dibdib ko.
Nasasaktan ako, sa pagsisinungaling niya.
Hindi ko alam pero hindi ko maitago ang lungkot sa mukha ko.
Kahit anong pilit kong umakto ng normal ay hindi ko na rin kaya.
Kaya pinasya ko na lamang na magpaalam.
Imbes na maki-text pa ako sa kanya, ilang sandali lamang ay nagpa-alam na ako.
At bago ako umalis ay binanggit ko rito ang napipinto kong pag-alis.
Nagilan siya at hindi nakahuma.
Tila hindi rin ito makapaniwala sa narinig.
Na hindi ako tunay na anak nila Nanay at Tatay, at isang araw mula ngayon ay aalis kami ni Tatay.
Ihahatid na niya ako sa tunay kong pamilya, at hindi ko pa alam kung kailan ako makakabalik ng isla.
Medyo nakalayo na ako sa bahay nila nang tawagin niya akong muli.
Niyakap niya ako...
"Sorry, Lui. Nag-sinungaling ako..." Ang naiiyak agad nitong sabi..
Mahigpit ang yakap niya. Nag-init rin ang mga mata ko.
Alam ko na naman na nagsisinungaling siya.
Pero akala ko matitiis niyang hindi umamin sa akin at patuloy na maglilihim kaya sumama talaga loob ko.
Pero ngayon, naiiyak ako dahil sa wakas hindi rin niya ako natiis.
"Hindi ko sinasadya, Lui. Si sir Ivo kase e, kinausap niya ako. Ayaw ko sana pero nagalit siya at tinakot ako...
Gusto niyang ilihim ko sa'yo. Kinuha niya lahat ng mga sulat mo para kay Noah." Ang sumbong nito sa pagitan ng pagtangis. Hindi ko alam kung ano ba dapat kong maramdaman sa sinabi niyang iyon.
Halo-halo kase ngayon ang nararamdaman ko.
Pero sa kabilang banda, nagpapasalamat ako dahil hindi ako natiis ni Jeylai.
Nangibabaw pa rin ang pagkakaibigan namin!
Pero nalulungkot ako at galit, para kay Ivo!
Bakit niya ginawa iyon?!
Nagsinungaling sa akin si Ivo.
Nagawa pa niyang magalit at takutin si Jeylai.
But then, naalala ko ang sabi ni Noah.
May gusto daw sa akin si Ivo. Laglag ang balikat akong umuwi ng bahay.
Kailangan kong makausap si Noah sa lalong madaling panahon!
A/N:
Baka gusto nyo mag join group page namin
youre all very much welcome... Hindi lang po welcome dyan illegal seller at mga grabbing soft coppies!!!
https://w**************m/groups/174477644812148/?ref=share_group_link
A/N unedited.