{Joyce} Chapter 6: Hiwalay

1530 Words
“Joyce, umamin ka nga. May namamagitan na ba ulit sa inyo ni Kurt?” mapang-intrigang tanong ni Khloie at nameywang pa. Nire-ready naming dalawa ang kakainin sa dinner. Si Anya ay nasa kwarto. Nagpapahinga. 'Yung mga boys naman ay nagkukwentuhan ng kung ano-ano. “Wala, Wi,” sagot ko. Kumuha ako ng baso at nagsalin dito ng tubig at nilagok ko iyon ng minsanan. Kinurot niya ako sa tagiliran. “Tse! Magsabi ka nga ng totoo,” naka-taas na kilay na salita niya. Napanguso naman ako. “Wala naman kasi talaga,” nakasimangot na sambit ko. “Wala raw. Pero kung makatitig sa'yo si Kurt kaunti na lang ay lasawin ka na niya.” Ngumisi siya. Napabuntong-hininga ako. “Hindi ko naman talaga alam kung anong meron kami. Naguguluhan din ako sa kanya.” “Pero nagpaparamdam ba siya sa'yo? Like kakausapin ka niya tapos sasabihin niya na sa kanya ka lang?” Tumango ako. “Yup. Pero hindi ko naman alam kung paniniwalaan ko ba siya. Mahirap nang mag-assume lalo na may girlfriend pa siya.” “Pero narinig ko sa usapan nila kanina na nag-hiwalay na sila ni Dessery,” nakahawak sa babang ani niya. Nabuhayan naman ako. “Talaga?” masigla kong tanong. Tumango siya. “Oo. Pero para sigurado ay tatanungin ko mamaya si Sceven ko.” Oo, pwedeng nagkahiwalay na nga sila. Lalo na at nasaksihan ko ang pangyayari doon sa parking lot. Pero pwede ring hindi pa talaga sila naghiwalay. Ni hindi ko naman kasi tinapos pakinggan ang pag-uusap nila. Desperada na nga siguro ako. Na kahit alam kong maaring masaktan si Dessery ay ikakasaya pa ng damdamin ko kapag hiwalay na talaga sila ni Kurt. Noong una ay talagang naawa ako sa kanya. Pero tao lang din ako na inaasam na mahalin ng taong mahal niya. Siguro nga selfish ako sa part na iyon. Inilagay na namin ni Wi ang mga ulam sa la mesa. “Tatawagin ko lang si Anya. Ikaw naman ay tawagin mo na ang mga boys,” utas niya at pagkatapos ay nagtungo na sa hagdanan. Naglakad na ako papunta kung saan ang mga lalaki. “So anong plano mo?” dinig kong tanong ni Jace. “Aayusin ko muna ang gusot. Pagkatapos ay gagawa na ako nang hakbang para maging sa akin ulit si Joyce,” sagot ni Kurt na nagpa-harumetendo sa aking puso. Napahawak ako sa dibdib ko na malakas na tumitibok ngayon. Totoo ba iyong narinig ko o nililinlang lang ako ng pandinig ko? “Tama. Dapat ayusin mo muna ang mga kailangan mong ayusin,” pagsang ayon ni Sceven. Nag-iba na ang kanilang topic kaya naman lumapit na ako sa kanila at sinabing kakain na. Agad namang tumayo sina Sceven at Jace. Na una na silang maglakad. Binalingan ko si Kurt at napaiwas na lang ako ng tingin nang nakatingin pala ito sa akin. “Kakain na,” mahinang saad ko. Tumalikod na ako at maglalakad na sana nang maramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko. Iniharap niya ako sa kanya. “Pwede bang ikaw na lang ang kainin ko?” mapang-akit niyang tanong. Nanlaki naman ang mga mata ko at bahagya siyang naitulak. “Ang pervert mo talaga!“ sigaw ko sa kanya. Tumawa siya ng mahina. “Ang batos walang saplot, Honey.” Sumimangot na lang ako sa kanya. “Bitawan mo nga ako. Kakain na. Gutom na ako,” saad ko at pinilit na tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin. Bago niya tinanggal ang kamay niya sa bewang ko ay hinalikan muna niya ako sa noo. Sabay kaming naglakad papunta sa dinning room. Todo ngisi sa akin si Khloie at Anya. Mga baliw talaga. Magkatabi kami ni Kurt. Tahimik lang kaming kumakain. Nang matapos kumain ay naglibang muna kami ng ilang oras. Pagkatapos ay nag-paaalam na sa isa't isa na magpapahinga na. Nagtungo na ako sa isang guest room. Pagkapasok ko ay nagbabad ako sa bath tub at nag-isip lang ng kung ano-ano. Pagkatapos kong magbabad ay sinuot ko na ang robe. Lumabas na ako ng banyo at akma nang kukuha ng damit nang may kumatok. Baka si Anya o kaya ay si Khloie. Binuksan ko na ito at napahigpit ang hawak ko sa robang suot ko ng si Kurt ang mabungaran ko. Nag-iwas siya ng tingin pagkatapos ay pumasyok. “Magbihis ka muna. Hihintayin kita,” saad nito. Sinara ko na ang pintuan at dali-daling nagbihis. Pagkabukas ko ng pintuan ay nakita ko siyang nakasandal sa pader habang nakapikit. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa kaniya. Ang gwapo talaga niya. May parte sa kanya na nakakapanglunod talaga. Kaya nga lunod na lunod ako eh. Binuksan niya ang mga mata niya at ngumisi sa akin. “Malusaw naman ako,” mayabang na saad niya. Inirapan ko na lang siya. “Ano bang kailangan mo?” “I just want to say good night,” he said and kissed me on my lips. Pagkatapos niya akong halikan ay ngumisi siya. “Dream of me,” pa cute niya pang utas. “Mababangungot ako kung ikaw ang mapapanaginipan ko,” asar ko. “Tch. Gabi na. Magpahinga ka na. Good night, Joyce Clara.” Hinalikan niya ako sa noo pagkatapos ay umalis na. Napatunganga naman ako. Napahawak ako sa dibdib ko. Tumitibok na naman ito ng malakas. Kinikilig na naman ang heart ko ng dahil sa kanya. Nandito na ako ngayon sa opisina. Busy sa pagtitipa sa laptop. Hindi pa ako sure kung malapit na ba o malayo pa iyong pag-memerge ng company sa company ng mga Martinez. Nagsalita sa intercome si Yvet. “Ma'am, nandito po si Sir Klei. Hihi,” tila kinikilig pang sambit nito. Napapiling na lang ako ng ulo. Parang baliw lang si Yvet. Walang katok-katok ay pumasok si Klei at agad-agad umupo sa may set. “Hey.” Ngumisi ito sa akin. Gwapo niya ah. Nakadekwatro siya habang nakangiting nakatingin sa akin. Gumagwapo talaga si Klei pag ngumingiti siya. Minsan kasi 'di ko ma-explain mood niya eh. Minsan super sungit. Tumayo ako at naglakad patungo sa kanya. “Anong kailangan mo?” mataray na tanong ko sa kanya. “May usapan tayo ngayon. 'Diba?” Kumunot ang noo ko. “Ah?” Sumimangot siya. “Don't tell me nakalimutan mo?” Lalo siyang napasimangot nang tumango ako. Oo nga pala. Napatampa ako sa noo ko. Kahapon nga palang na kina Khloie ako ay sinabi niyang gusto niyang mamasyal. “Sandali lang,” saad ko at nagtungo sa table. Inayos ko na ang mga gamit ko. Mabuti na lang ay natapos ko na ang iba sa mga ginagawa ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay nag-paalam na ako kay Yvet na aalis muna ako saglit at tumawag na lang pag may emergency. Naglakad na kami patungong parking lot. Pagkadating ay pinagbuksan niya ako ng pinto at pinasakay na sa kotse niya. “Saan ba tayo pupunta?” tanong ko habang busy siyang nag-dadrive. “Mamasya,” simpleng sagot niya. Nakadating na kami sa mall. Una naming pinuntahan ay ang isang fast food dito. We will gonna eat. Gutom na rin naman ako. Habang hinihintay ang order ay nagpaalam ako kay Klei na magsi-cr muna ako. Tumayo na ako at nagtungo na roon. Pagkapasok ko ay naghugas ako ng kamay. Maglalagay sana ako ng powder sa mukha ko nang biglang pumasok si Dessery. Oo si Dessery. Napakunot ang noo ko. Ni hindi ko man lang napansin na nasa iisa lang kaming fast food. Tumabi siya sa akin. “May Klei ka na nga pero lumalandi kapa kay Kurt.” Napatingin naman ako sa kanya. Naglalagay siya ng powder sa mukha niya habang nakataas ang isang kilay niya sa akin. Tinignan ko lang siya ng masama. Akma na akong aalis nang hilahin niya ako. “Kinakausap pa kita. Huwag mo akong talikuran.” Marahas kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin. “Desery ayaw ko ng away.” “Talaga? Sana inisip mo iyan bago mo nilandi si Kurt!” sigaw niya sa akin. Buti na lang ay walang tao rito. “Wala akong nilalandi! Kung mahal ka talaga ni Kurt e'di mahal ka niya. Pwede ba tigilan mo na ako. Wala akong panahon para makipag-away sa'yo.” “Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa akin si Kurt. Hindi naman siya makikipaghiwalay sa akin kung wala ka. Bakit hindi ka pa mawala! Masaya ka sigurado ngayon dahil wala na kami ni Kurt!” Pasigaw niyang sambit habang umiiyak. Confirmed. Hiwalay na nga sila. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako sa nalaman ko. Bumuntong-hininga ako at iniwan na lang siya. Pagkadating ko sa table namin ay madami ng pagkain. “Natagalan ka,” saad ni Klei. Tumingin ako sa kanya. “Nagpaganda pa ako,” biro ko. “Maganda kana. Hindi mo na kailangang magpaganda.” “Bolero ka. Kumain na nga lang tayo,” saad ko. Napatingin naman ako kay Dessery na naglalakad habang umiiyak. Nagtungo siya sa isang table at doon ay nakita ko si Kurt na nakatingin sa aming dalawa ni Klei. Nag-walk out si Dessery at si Kurt ay naiwan sa table nila. Matalim ang pagkakatitig niya sa amin ni Klei. Ano bang problema niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD