“Anong gusto mong kainin mamaya?” tanong ko habang nagtitipa sa laptop. Prente siyang naka-upo sa may sofa habang ako naman ay busy sa pagtitipa. “Ikaw,” saad niya. Napatingin naman ako sa kanya. Ngumisi siya sa akin at kinindatan niya ako. “Ang manyak mo!” I hissed. Tumawa siya. “Ikaw. Ikaw kung anong gusto mong kainin.” “Tse!” “Patapusin mo muna kasi ako. Ikaw ah, kung ano-ano na 'yang nasa isip mo,” sabi niya at pinanliitan ako ng mga mata. I just rolled my eyeballs at him. Nag-flying kiss pa ang loko. Manyak lang talaga siya, mga bes. That's the truth. “May pa flying kiss ka pa riyan,” masungit kong saad. Ewan ko ba. Feel kong magtaray sa kanya ngayon. “Gusto mo ba totoong kiss?” Ngumuso siya. Tumayo siya at lumapit sa akin. “Ano ba, Kurt?” “Sungit,” saad niya at mabilis a

