My hands are keep on trembling as we walk ahead to the door of our house. "Relax, Honey," saad ng kasama ko at hinalikan ang aking kamay. Ngumiti ako ng pilit sa kanya. Hindi ko matago ang aking kaba. Ano nga ba ang magiging reaksyon ng mga magulang ko? Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ay sinalubong kami ng nakangiting si Mommy pati na rin si Tita. Pati ang mga magulang ni Kurt ay nandito sa amin. Kaya naman mas lalo akong kinabahan. Sinong hindi 'diba? "Good evening po," bati ko sa kanilang lahat. Inalalayan akong umupo ni Kurt at tumabi sa akin. Noong una ay nagkukwentuhan lang sila tungkol sa negosyo hanggang sa mapadpad na talaga kami sa tunay na paksa ng gabing ito. "What do you want to tell us?" tanong ni Tito. Nabigla ako

