Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Nakita ko pang napangiti ang babae. Saglit pang nagdikit ang kanilang mga labi at tinulak na siya ni Kurt. Hindi ako sigurado kung sino ang nagtulak. Ang sa akin lang ay masakit ang puso ko. Nang siguro ay naramdaman ni Kurt ang presensya ko ay napatingin siya sa akin. Tumayo siya at ibubuka sana ang bibig niya pero sinara niya lang ulit ito. Bago pa siya makalapit sa akin ay nakita niya pang pumatak ang mga luha ko. Tumakbo ako palayo sa kanya. Ni hindi ko na rin nakuha ang dala kong bag. Naroon din ang phone ko pero wala na akong pakialam ang gusto ko lang ay makaalis ako sa condo niya at maging malayo sa kanya. Pinindot-pindot ko ang elevator dahil ayaw nitong bumukas. Sh*t bakit ngayon pa? Ang tagal. Tumingin ako sa likod ko at doon ay nakita

