"Is it okay to you?" tanong sa akin ni Kurt habang nagmamaneho siya. Sumulyap ako sandali sa kanya. "Yup," maiksi kong sagot. Dessery wants to meet and talk to him. But nah, hindi i ko siya papayagan na masolo si Kurt at baka gumawa pa siya ng linta moves niya. Kaya ito ako, sasamahan si Kurt sa pakikipagkita sa babaeng iyon. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Tinignan ko siya at nakatutok pa rin ang tingin niya sa daan. Ilang minuto lang ay nakarating kami sa isang restaurant. Dito kasi naisipang makipagkita ni Dessery. Sabay kaming naglakad papasok. Magkahawak kamay kaming nagtungo sa pwesto ng babae na sobrang nakakabwisit. "Bakit mo siya sinama?" tanong nito at matalim akong tinitigan. Nginisian ko lang siya at tinaasan ng isang kilay. "Because she's my girlfriend,"

