CHAPTER 34 THIRD PERSON’S POINT OF VIEW “NILALAMIG ako sa kaba.” Usal ni Ariani habang ngayon ay nasa loob silang apat ng mga kaibigan niya sa kotse ni Frida. Ang kotse ay naka-park sa kabilang street mula sa bahay nila ni Lawrence. “Pa’no ‘di ka lalamigin nakatodo ‘tong aircon ni Frida. Ano ba, gaano ba kakapal ‘yang balat mo?” Ani Dehli saka ibinaba ang pindutin ng intensity ng aircon sa kotse. “Okay, sorry, pinagpapawisan kasi sa kaba si Ariani kanina, duh?” Hinilot-hilot ni Helga ang mga eyebags niya saka nilakihan ang mga mata sa pag-aabang ng kaganapan sa mga binabantayan nilang CCTV footage sa laptop ni Frida. “Sana matapos na ‘to ngayon para naman happy na tayong lahat...” ani Helga. “At happy na rin ang buntis, palagi na lang stressed. Nagva-vitamins ka pa ba?” Hindi siya i

