CHAPTER 12 ARIANI MARIETTE’S POV BUONG araw na pabalik-balik ang lagnat ko, bumubuti naman ang pakiramdam ko dahil sa mga pagkain na iniluluto at hinahanda ni Lawrence gaya ng mga masabaw na ulam pero medyo pabalik-balik lang din ang sakit ng ulo ko. Kaya naman halos hindi rin niya ako paalisin ng kama para magpahinga. Napansin kong bumuntonghininga si Lawrence kaya mula sa pinanonood na movie sa malaking telebisyon sa harap ng aming kama ay sa kaniya napunta ang atensyon ko. “Okay ka lang ba? Anong iniisip mo?” Mahinang tanong ko. Kanina pa kasi siya nakatulala sa ceiling, minsan sa tv naman pero halatang hindi naman talaga naroon ang focus niya. Malalim ang iniisip. “Tungkol pa rin ba sa pag-aaway natin noong nakaraan? Sinabi ko naman sa ‘yo... okay na ‘yon, nagkausap na tayo tungk

