Prologue

554 Words
Lahat siguro tayo nakaramdam na ng kaba, lalo na kapag Transfer Student ka. Mas lalong nakaka-kaba kung Transfer Student ka sa Sinclair Academy, ito lang naman ang pinaka mayaman at sosyal na School sa Hangrove. I, Adrianna Walter, am the "New Girl" or more likely "New Meat" in Sinclair Academy. Fun? NOT. Isang co-ed school ang Sinclair Academy, pero hindi para lang sa tao, kundi isang co-ed Academy for Humans and Vampires. Shocking? NOPE. Ang existence ng Vampires ay isa sa mga katotohanang hindi tinatago sa mundo namin. Malayang namamalagi ang mga Vampires sa Hangrove, sila ang nagpaunlad, nagpayaman at nagpatibay sa Lugar na 'to, at hindi maipagkakaila na mas angat and species nila kaysa sa tao. Para kaming namumuhay sa isang Ranking, 'Pyramid' kung tatawagin. Kahit na mas angat sila, may mga batas parin kaming sinusunod. They have their own rules and we have ours. Magkaiba ang mga batas na sinusunod namin pero parehas lang kami ng mundong ginagalawan, Nakakatakot mang isip pero ganon na yun. Wala akong magagawa. Hindi ako isang supernatural creature na katulad nila at mas lalong hindi pa ako buhay bago pa magawa ang Pyramid. Bago pa magawa ang Society ngayon. I always knew Vampires were around, I just never encountered one. Maliit lang ang population ng Vampires sa Eraie, dahil maliit lang naman ang lugar na iyon kumpara sa Hangrove. I lived in Eraie for my whole life at hindi ko inaasahan na sa isang iglap ay mag aalsabalutan kami at lilipat dito. After three days, My Mother blows me the news na dito ako mag-aaral. I was shocked. Yes. Ibang level 'tong Sinclair Academy, nagtataka pa nga ako kung saan nakuha ni Mama ang pera pang pa enrol sa akin dito, at pang tution pa. Mahirap nang kumita ngayon no! Ang pera nalang ng Papa ko ang inaasahan namin. I was reluctant to agree dahil hindi naman talaga ako handa, wala rin naman akong magagawa. Ayos na raw ang lahat kaya wala akong dapat problemahin. Kinagat ko ang labi ko at inadjust ang malaking bag na na nakasukbit sa balikat ko. Kanina pa ako nakatayo rito sa Main Lobby at wala akong makita na makakatulong sa paghanap ng dorm. Sa kasamaang palad, dito rin ako mag do-dorm. Required raw talaga na dito tumira kahit na malapit ang bahay, the handbook said it was for student's safety. Bumuntong hininga ako, kanina ko pa talaga gusto mag facepalm at maglupasay rito sa gitna ng malamig na tiles. Namumugto pa yung mata ko dahil umiyak ako nang mag paalam ako kay Mama kanina. This is new for me, I'm too comfortable in my comfort zone kaya alam kong mahihirapan akong mag adjust dito. Ibjust hope na hindi masama ang ugali ng mga estudyante dito kundi uuwi talaga ako ng wala sa oras, kaso sisipain rin ako ni Mama pabalik and tell me that I have to 'suck it up'. Sayang ang tuition na binayad na namin. "Are you Adrianna Walter?" Napatalon ako nang marinig ko ang isang boses na galing sa likod ko. Hinarap ko ang matandang babae na may dala dalang clip board na mukhang hinihintay ang sagot ko. Tumago ako at hinigpitan ang pagkaka kapit sa aking bag. Suminghap ako nang ngumiti sya, she showed off her two sharp and pointy fangs then said, "Welcome to Sinclair Academy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD