Napatampal na lang ako sa aking noo. Nagbubuyuan pa rin silang dalawa. Naiiling na lang kami ni Sarah sa dalawang ito. Lalakas ng mga trip. Lakas ng pagka-abnormal ni Larry. Matapos noon, pumasok na sila sa kanilang kwarto. Nagpaalam na ako kay Sarah, nag-good night na ako sa kanya, sinagot naman niya ako ng isang good night kiss sa pisngi. Panira lang talaga itong si Larry may pahabol pang pang-aasar. "Bakit, saan kayo pupunta? Hindi ba kayo mag-ta-tabi ngayon gabi? Hindi niyo ba itutuloy?" sunod-sunod na malisyosong tanong niya. Hindi ba na a-ano ang lalaking ito. Kasi ako, pulang-pula na. Hiyang-hiya. "Wala na naman brain cells mo, no?" Iniwan namin sila, inakbayan niya ako para at naglakad na. Naririnig pa namin pang aasar niya. "Ituloy niyo na! Hindi na ako kakatok, promise!" Pah

