Sinulyapan niya ako muli ang buong katawan ko. Napa-nguso. Inayos ang kwelyo ko. Tumingin ako sa salamin. Natawa nang mukha akong hanger sa suot. Ang liit kong tignan. Para akong nakakapote sa jacket niya. "Much better," sabi n'yang parang napipilitan lang. Tinignan niya ang relo sa kanyang kamay, at inaya na ako pa alis. Hinawakan niya ang kamay ko pag-labas namin. Nakatanaw lang sa amin ang dalawang kapit-bahay ko. Walang sinabi. Yumuko na lang sila at tahimik na pumasok sa kanilang kwarto. Nangunot ang noo ko, bakit? Pagbaba namin sa hagdan, may mga tao sa baba. Pinag-uumpukan ang sasakyan niya. May mga lalaking hinahawakan ito. Para na silang na nanalamin sa sarili sa sobrang kintab at kinis ng itim na kulay niyang Audi R9. Bihira ang brand na 'to sa Pinas, pero sabi n'ya magand

