Anong nangyayari? Bakit may pa ganito sila? Dakdak nang dakdak si Mira sa tabi ko. Bida nang bida sa dalawa naming kasama na lalaki dito sa sasakyan. Malayo-layo din ang biniyahe namin papunta sa lugar ng raket daw ni Mira. Iniliko nila ito sa harapan ng isang five star hotel. Isang magara at ubod ng gradehiyosong hotel. Umaba ang isa, akala ko may susunduin o ano. Nagulat na lang ako nang pagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan. May sumalubong sa amin na babae doon at tinanong kung ako ba daw si Mira, umiling ako at tinuro ang kaibigan kong nagmamaganda sa gilid ko. "Oh, that's me! That is my name, but you can call me Mira without the ma'am thing," saad niya na naki-apir sa babae. Sinundan namin siya, nagtuloy-tuloy lang siya ng lakad. Hanggang sa makapasok kami sa elevator. Wala

