Ilang pili at suot pa muna ang nangyari bago siya makapagpasya sa isusuot ko. Nilingon ko ang mga damit na nagkalat sa kwarto ko dito sa condo ni Harold, akala mo ay may bagyong dumaan. Lahat na yata ng mga damit ko ay na ilabas na niya, pati na rin ang mga ilang sapatos na nariritong na nanahimik sa loob ng kabinet, mga bago pa at karamihan, isang bese ko pa lang nasusuot mga, regalo niya ito. Minsan bili ni Harold sa tuwing may pupuntahan kaming events. Napabuntong hiniga na lang ako, ano ba ang okasyon na 'yon at ganito siya ka-problemado sa isusuot ko? Hinawakan ko ang kamay niya na nagpupulot ng mga hanger sa sahig, isang beses niya lang ako nilingon bago binalik sa ginagawa. May mali talaga dito, eh. Noong may pa surprise sila sa akin hindi sila ganito ka-problemado, mas pinoblema p

