Maraming tao ngayon dito sa loob ng bar nila. Hindi na halos magkasya ang mga tao. May mga naka-pila pa sa labas. Hindi na kami pinababa nila Harold sa mismong party. Kahit kasi sa mga VIP's punuan din. Baka kung ano lang daw mangyari sa amin sa labas. Lalo na't mga lasing na ang mga ibang nandito. "What should we do, bro?" Namomoblemang tanong ni Gio. Pumasok siya dito sa loob ng opisina nila. Nandito kami, kasama ko sila Selene, Mira and Harold. Nasa labas si Larry, si Gio naman lumabas kanina para mag-bigay ng memo sa mga security. Nasa labas din si Chico, kasama ang mga friends niya. Grabe sobrang sikat sila. Ang daming ng mga celebrities na nakita ko. Lahat sila sa VIP room nag-pa-party. Mga bigatin. May mga anak pa ng politicians and mga models. Kilig na kilig nga si Mira nang na

