"I love you too," Naupo kami sa mahabang lamesa, katapat namin sila Larry at Sarah na kakaupo lang din. Sa gilid ko si Mira at Chico na katabi ni Katherine at Gio na nasa tabi ay si Selene na may kinakausap na staff. Ang ganda ng ginawa nila sa paligid. Para kaming nasa isang mini garden. Puno ito ng mga iba't ibang klase ng bulaklak ang paligid. Ang pinakabubog namin ay nililipad ng puting tela. May mga nagkalat na umaapoy na torches sa paligid. May mga nakasabit din na ilaw sa mga gilid. So romantic, kung hindi ko lang alam na bukas na pareho ang kasal at engagement nila Iisipin kong ngayon siya mag-pro-propose kay Selene. Perfect na ang lahat, oh! Sa music and place and venue. Isang perpektong pangarap ng bawat sinong babae. Lalo na ang bukas. Kumain kami ng salo-salo. Maraming masa

