Habang papalapit kami nang papalapit sa pupuntahan mas lalong lumalamig. Mas lalong dumidilim. Mas lalong nagiging rough ang daang tinatahak namin. May kaba ako nang kaunti. Nagmamasid ako sa paligid walang kahit na anong signed kung nasaan kami. Ilang beses ko siyang tinignan wala naman itong sinasabi, tanging ngisi lamang at mapaglarong mga tingin. Tumingala ako sa langit mula dito sa loob ng kanyang sasakyan. Madaming stars at ang kalahating moon. May nakita ako na something sa taas. Its flickering red lights, umuusad ito. Sa una akala ko ay bulalakaw Pero hindi, isa iyong eroplano. Napatitig ako sa isang banda sa daraanan namin parang may kumikinang doon. Agad din naman nawala. Baka isang alitaptap lang. "Malayo pa ba?" Tanong ko sa kanya, sandali niya ako tinitigan. Tumango lang

