"Argh, sakit na nang likod ko," hinaing ko sa kasamang naghihiwa ng patatas.
"Me too, pahinga muna tayo, ang sakit na nang likod at ang poor kong kamay." Ibinaba nito ang kutsilyo. Sumandal sa upuang plastic. Naka-ngusong sinisipat ang mga kamay.
"Gusto mong matikman ang leche flan ko?"
Pampasiglang tanong ko sa kanya sabay tayo nang mabilis. Kinuha ang pinapalamig na leche flan sa gilid ng lababo. Kanina ko pa na luto ito. Nasa bente singko ang na luto na. May nakasalang pang lima. Ibebenta niya ang sampu kila Chico, ang iba naman ay i-pang a-alok sa mga ka-kilala. At ang natitirang lima ay sa akin.
Kanina ko pa pinipigilan ang sariling huwag agad tikman ito.
Pero ngayon, huh, pagod ako! Pampalubag loob para sipagin.
"Sarap, ha! Sakto lang sa tamis, creamy and malagkit siya, hindi pa mabula. Good job, sissy!" sunod-sunod ang subo na ginawa niya habang naka- thumbs up.
Purong yellow egg kaya 'yan. Tapos madaming milk. Buti na lang may extra kaming binili. Sayang lang hindi malamig. Kung malalagay ito sa ref . . . sure na mas sasarap, mas malagkit.
"Lalong hindi ka maiiwan ni Harold 'the lover boy' mo n'yan." Saad niya. Kumindat pa ang loka.
"Hindi, ah. Sa 'kin? Mai-in love 'yon? Hmp, malabo!"
Sa gwapo at sar-- yaman niyang 'yon malabo pa sa tubig ng ilog pasig.
"Weh? Kamusta naman ang pagpunta niya dito? 'yong hinatid ka tapos sinamahan ka pa sa trabaho mo. May patawag-tawag pa kanina."
Sarap isubo sa babaeng 'to ang buong llanera, eh. Para na nga akong kini-kiliti sa tiyan ko. Ipapa-alala pa.
"Nangangamusta lang, nakalimutan ko na kasi replayan kahapon. Alam mo naman wala akong load, 'di ba, nakiki-wifi na nga lang sa store para matawagan lang sila nanay."
Sinasakto ko minsan tumawag nang gabi bago ang pasok ko. Maaga ako pupunta doon, para lang matawagan sila.
"Kuripot kasi, ano ba naman 'yung singkwenta pesos?" Inirapan niya ako. Pinulot ko ang mga na hulog na balat ng patatas, at saka itinapon sa kanya.
"Alam mo namang may pinag-iipunan, 'di ba? Ipapagawa ko 'yang ceiling, oh. Naging word map na. Parang kuha na nga sa outer space ng NASA." Itinaas ko ang kamay na may hawak na kutsara para ituro sa itaas.
Baka sa tag-ulan pa ako maabutan ng sira niyan. 40% lang daw ang sa akin sabi ng landlady ko. Ang iba ay sa kanya na. Isasabay na niya sa pinapagawa sa kabilang kwarto.
"Ewan, basta ako. Ramdam kong may pagtingin na tinatago iyang si lover boy mo. Iba mga tinginan niya sa 'yo, eh."
Kinuha niya ang tinapay sa lamesa, ipinalaman ang natitirang leche flan sa llanera. Ibinuhos pa ang syrup sa tinapay.
Tsk, inubos niya! Sinadya niyang daldalin ako para makarami. Sunod-sunod ang mga subo niya. Wala na nga yata nguyaan.
Samantalang ako, ninanamnam ko pa. Tinitipid. Halos ayaw ko na ngang lunukin sa sarap.
"Bawas mo 'yan sa ititinda mo, ha. Nakaka-isang subo pa lang ako. Ikaw, ubos mo na. Simot pa. Itong llanera gusto mo?"
Napahinto siya sa pagsubo, nag-peace signed pa ang babaita.
"Tara na nga nang matapos na, gusto ko nang matulog."
Inalis ko sa supot ang mga bell peppers, hinati ko 'yon sa gitna bago tinanggal ang mga buto.
Pinipigilan kong ma- ngiti kaya ngumuso na lang ako para hindi niya mahalata.
Na alala ko ang mga pinag-usapan namin kanina.
Pagbalik ko sa bahay matapos ma-ihatid si Mira, narinig kong nag-ri-ring ang cellphone ko. Bago ko pa man masagot 'yon namatay na agad.
'Harold' ang rumihistrong pangalan.
Napahawak ako sa aking dibdib, kumabog ito nang mabilis. Ibababa ko na sana ang hawak nang muli itong tumunog.
'Harold Calling'
Tumikhim ako bago iyon sinagot. Kinakabahan ako. Ayan na naman ang mga kung ano sa tiyan ko. Para silang hindi mapakali.
"Hello?" sagot ko sa kanyang tawag. Sana hindi halatang kinakabahan ako.
"Hey, kanina pa kita tina-tawagan. Are you okay?" Nag-aalala na tanong niya. Magulo ang background, may mga nagsasalita at tumatawa.
"Ah, eh. Sorry. Nasa labas kasi ako kanina. Okay naman ako."
Naka-sampung tawag na pala ito. May ilang text din na hindi ko pa nababasa.
"Sobrang busy lang. Ikaw, bakit ka po na patawag?" Kagat labi kong saad, umupo sa may sofa. Nilaro ang dulo ng aking damit.
"Hindi ka kasi sumasagot sa text or tawag ko. Nag-aalala ako," bumuntong hininga siya.
Ah, bakit naman? Grabe, siya.
"Ikaw naman, nandito lang ako. Ayos na ayos, tumatakbo pa nga."
Sinabayan ko iyon nang tawa. Pilit pinapagaan ang sitwasyon kong malapit nang mabaliw.
Ilang segundo ang lumipas na hindi siya nag salita. Tahimik ang linya. Akala ko wala na siya.
"Hello, sir?" Binaba ko pa ang hawak. Guma-galaw pa naman ang oras.
"Hel-" hindi ko na tapos ang sasabihin ng magsalita siyang muli.
I swear, I heard his chuckles. Bakit? Nasa iba siguro ang atensyon niya. Kaya hindi agad naka-sagot.
"I really like when you laughed," pabulong na sabi niya. Sinabayan ulit ng mga chuckles niyang. . . sexy.
Ewan ko, ha. Pero, bakit ang sexy niya pag ginagawa iyon?
"Ba-bakit naman?" Iyon lang ang nasabi ko. I'm speechless, sa samu't saring nararamdaman.
Mamatay yata ako nang maaga sa mga nararamdaman kong ito. Baka kahit doctor walang magawa sa kundisyon ko.
"Wala lang. You're so cute. Sana nakikita kita ngayon." Hmmm, hala siya!?
"Bakit na saan ka ba ngayon?"
Oh, bakit mo tinatanong self?
Hindi ko rin alam, may parte sa akin na gusto kong malaman.
Dammit! Para akong teen-ager. Alam ko matanda na ako para sa ganitong nararamdaman. Pero, duh? First time ko maramdaman ito. Hindi ko nga alam itatawag dito, eh.
Dati, puro kwento lang ng mga kaibigan ko about sa mga crushe's nila. Nakikita ko sila kung paano kiligin. Akala mo matatae na sa kilig. Lalo na kung malalapitan nila, kahit madaanan nga lang para na silang mga binudburan ng asin.
Ang O. A para sa akin noon, dahil hindi ko pa naman nararanasan.
Ganito ba 'yon? Ito ba 'yung feelin' kinikilig? At siya ang dahilan? Siya ba ang crush ko?
Delikado yata ako dito, ah. Mahirap ito.
"Nasa meeting, andito 'ko sa Tagaytay with my mom for business purposes."
Walang saya niyang saad. Siguro dahil sa pagod. Malayo pa naman 'yon.
"Ay, baka nakakaistorbo na ko n'yan? Sabihin mo lang," baka nga, na aabala ko na siya. Pero, wait! Siya ang tumawag, 'di ba?
"No, kanina pa kita gustong tawagan." Agad niyang sagot. Kalma, kalma tayo self, hawakan ang pusong kumakawala. "I feel tired a while ago, but now just talking to you, okay na ako," dagdag niyang saad.
"Buti naman, magpahinga ka na lang. Baka magda-drive ka pa n'yan." Mabilisang saad ko. Buti na lang hindi na utal. Pinag-sawalang bahala ang sinabi niyang iyon. Iniwasan kong bigyan ng malisya.
"Sadly, bukas pa kami makakauwi,"
"Kaya naman pala. Pasalubong, ha."
Biro ko, nag-usap pa kami nang ilang topic. Kinuwento niya ang nangyari sa buong araw niya. Kung paano niya gusto tumakas sa meeting. Napuno ng mga tawa ang usapan namin.
Ikinuwento ko din ang mga ginawa. Napag-alaman kong parehas pala naming paborito ang leche flan. Kaya I promised na bibigyan ko siya. Dadaanan daw niya daw ito bukas nang gabi.
Sinabi ko kasing baka masira kung hindi makakain agad dahil wala naman akong ref. Kaya dadaanan niya agad bukas. Maaga na lang daw siyang uuwi.
Kinakabahan ako baka hindi masarap. Mas lalo tuloy akong ginanahan magluto. Sa-sarapan ko para matikman niya.
Kung wala daw siyang gagawin kahit tumulong siya sa amin bukas. Oh, 'di ba? Siya magluluto? Tinanong ko pa kung alam niyang lutuin ang fried chicken.
Natawa ako nang sabihin niyang nilalagyan iyon nang gatas. Halatang hindi niya alam, eh. Nagkukunwari lang siya, para may masabi lang. Galing- galingan din.
"Hindi ka pa pwedeng mag-asawa." Biglang bwelta ko. Matapos niyang sabihin na, kailangan na niyang matutong magluto.
"Hmm, pwede naman ako mag-hire ng taga-luto. Hindi pa mapapagod mapapangasawa ko."
Wow, sana all. May asawang kagaya niya.
"Well, swerte naman niya."
Talaga, sobrang swerte. Ganito ba naman mapapangasawa mo.
"Sana lang, gusto din niya ako."
"Ano?"
Pabulong ang pagkakasabi niya, hindi ko tiyak kung tama ba ang narinig ko.
May gusto na pala siya, na pa-nguso ako.
"Sabi ko, hindi na ko makapaghintay matikman mga lulutuin niyo."
"Oo, bukas pagtitira kita. Sana hindi ma-panis."
Sana, sana bukas na agad. Haha, ako yata ang atat.
"I promise, tatapusin ko agad ang work ko."
Dahil sa sinabi niyang iyon napangiti ako.
"Pasalubong ko rin, ha. Pwede na ang . . . hmmm. Balita ko maraming matatamis na pinya d'yan. Baka naman."
Hindi na ako na hiyang sabihin iyon. Wala naman akong ibang alam na delicacies doon. Maliban sa maliliit na pinya pero matatamis na binibigay ng kaibigan ko sa akin noong high school pa lang kami sa tuwing umuwi siya ng Tagaytay. Hindi ko nga alam kung saan banda ang tagaytay, eh.
"Sana pinya na lang ako," saad niya.
Nagkunwaring malungkot ang boses niya.
"Kasi para, ikaw ang PINYA-kamamahal ko."
Ang lakas ng tawa niya sa kabilang linya. Nahawa na din ako. Pareho kaming tawa nang tawa.
Bentang-benta ang linyahan kong iyon.
Tsk, salamat sa pinsan kong si Sabel. Natatandaan kong sinabi niya iyon sa akin.
"That's funny, hmm," hinihingal niyang sabi. Tumikhim siya, bago bumanat. "Ako naman, Pinya ka ba?"
"Ba-bakit? Ayusin mo 'yan."
Patuloy ko, pinipigilan ang tawa. Hawak ang tiyan kong sumasakit na.
"Ikaw na yata ang PINYA-pangarap kong mahalin." Banat niya. Aba, may baon din.
"Hmm, sige-sige. Pwede na rin. Ito naman, Pinya ka ba?" Tanong ko.
Ni-loud speaker ko ang telepono, bago tumayo para kumuha ng maiinom sa lamesa.
"Bakit, hmm?"
"Ikaw kasi ang na Pined- nang puso ko sa mundong puno ng pain-ya."
"Hugot, na yata 'yan, ah? Ang lalim. Eto, ito naman. Pinya ka ba?"
Meron pa siya? Pinaghandaan 'ata, ah. Sumagot ako nang pa-humm, "hmmm."
"Kasi ikaw na 'yata ang PINYA-kamagandang babae sa mundo"
pakanta niyang saad.
Tumawa kami sa mga banat na pick-up lines. Hindi ko na mainom ang kinuhang tubig. Hawak ang baso, bumalik ako sa sofa.
Biniro siya na baka may kodigo siyang hawak. First time daw niya kasing bumanat ng mga ganoon. He find it funny. Na wala ang pagod ko.
"Pero sa totoo lang sana naging pinya ka na lang talaga. Tapos ako naman si Spongebob, para. . . pwede akong tumira sa puso mo. Because I swear you're my only one PINYA-ka Pine- na APPLE ng buhay ko."
"Ehem," napataas ang tingin ko sa nakatayong estorbo.
Nanliliit ang mga mata niya. Pero mahalatang pinipigilan ang mga mapaglarong ngiti sa labi.
"Kanina pa po ako kumakatok," pinag-crossed niya ang mga braso.
"Hahaha, sorry. Hindi ko na rinig."
Nag-peace signed ako sa kanya. Sana hindi niya narinig mga pinag-usapan namin. Ishi-share ko naman sa kanya. Huwag lang ngayon, pulang-pula pa ang pisngi ko.
"Hmmm, kanina pa ako Pinya-katok sa pinto mo." Tumatawang sabi niya, sabay talikod.
Patay na!, na Pinya-da ang usapan namin. Haha, ano ba 'yan puro pinya na lang!?
"Sino 'yon?" Biglang singit ni Harold, natatawa rin siya. Pero nasa tono ng boses na nagtataka kung sino ang bagong pinya, este . . . bagong dating.
"Si Mira, andito na pala siya."
Nilingon ko ang kusina, she's smiling. Lagot na, puro ako na naman aasarin niya mamaya.
"Sige na, busy na yata kayo. See you tomorrow, my friend-ya."
Sabay kami tumawa ng malakas. Grabe, siya! Sakit ng tiyan ko.
"Waley na. Sige na, bye. Ingat ka."
Pagkatapos niyang magpaalam pinatay ko na rin ang tawag. Nakita ko ang mga text niya pero hindi ko na muna babasahin. Mamaya na lang.
Nang tingnan ko ang oras ay. . . Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Mag-si-six na pala ng gabi.
Hala, siya!? May tatlong oras pala kaming nag-usap. Hindi ko namalayan.
Yung itlog ko!? Hindi pa nahihiwalay sa puti at dilaw.
Oh, my Golly!
***
"Ngiting-ngiti, ah. In-love ka na ba sa Bell peppers?"
Nakabalik ako sa kasalukuyan. Haha, hindi ko namalayan na pinagmamasdan na pala niya ako.
At, ano daw? Ngiting-ngiti? Hindi kaya.
"Oo, kasing pula ka na nang inihiwa mo,"
Siya na ang sumagot sa tanong ko sa aking sarili. Napahawak agad ako sa pisngi ko. Tumikhim. Bago tumawa ng malakas.
"Na buwang na," umiling-iling na saad ni Mira.
"Ang ganda mo, sis. Hahahaha" malambing na sagot ko sa kanya.
Wala, eh. hindi ko mapigilan. Ang saya ko.
"Tsk, nakakabaliw pa lang maging pinya. Mangga na lang ako!"
Binato ko siya ng hinihiwang bell pepper.
Inasar pa niya ako ng inasar. Nakipag batuhan siya.
"Sana sis, huwag ka lang umasa sa mga sinabi niyang pinya, ha. Isipin mo din ito," turo niya sa puso ko.
Alam ko ang ibig niyang sabihin. At alam ko 'yon. Gagawin ko!
I'll guard my heart. Masakit masaktan.