"Nag-aaral ka pa ba or working na?" tanong niya na tinitignan ang suot kong jacket. Nang makita n'yang na huli ko siyang sinisipat ako, ngumiti siya ng pilit. "Nag-ta-trabaho na ako." Tipid ko rin na sagot. Bumalik si Harold, may dala na siya ngayon na cake. Inakbayan ako bago sumagot sa mga tanong ng isang lalaki. "Saan? Ngayon lang kasi kita nakita, hindi ka familiar." Umirap s'ya. Parang boring na boring sa kanyang tanong. Napipilitan lang na kausapin ako. "Sa convenience store." Proud na sagot ko. Alam ko naman ang iniisip niya. Hindi na ako magtataka na ayaw niya sa mga kagaya ko. "Saang branch? Baka client ka namin. Distributor kasi kami ng mga ilang stores and malls." Maarteng kinuha niya ang dalang cake ni Harold. Dinilaan niya ang daliri na nalagyan ng icing habang naka-tingi

