CHAPTER NINE

1621 Words

NAALIMPUNGATAN si Anthony dahil sa tawag ng kalikasan. Bumangon siya at tiningnan ang alarm clock na nasa bedside table. Alas-kwarto pa lang ng umaga. Napatingin siya kay Sergio na mahimbing na natutulog sa mahabang sofa. Kasalukuyan siyang nasa kwarto nito dahil nagprisinta itong na sa kwarto nito siya matulog dahil hindi sa maga niyang paa. Ayaw niya sanang pumayag pero mapilit ito. Kagat ang ibabang labi na itinapak niya ang mga paa sa sahig at kahit na masakit ang kanang paa ay pilit niya iyong inilakad. Dahil sa medyo madilim ay hindi niya gaano makita ang nilalakaran at may natapakan siyang mahaba at matigas na bagay kaya hindi niya napigilang dumaing ng malakas. "What— Anthony?" Doon lumiwanag ang paligid at bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Sergio kahit pa bagong gising ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD