Tatiana Caden Yvonne Pangilinan POV
Zach didn't leave my side. He's always here for me, made me smile, laugh, pout and makes me happy in so many ways.
Plano nya akong ipakilala sa parents nya on Saturday. Maganda din naman yon para magkaayos na sila ng Dad nya, pero yung kasama nya ako? Nakakakaba. Pag uwi ko palang sa condo unit ko, naghanap ako agad ng damit para sa sabado.
This is the first time na makaramdam ako ng ganito. Sa kanya palang. Kapag kasama ko sya, para bang kakambal ko na ang pagiging masaya.
I don't know why I feel like I want to be perfect for Zachary's eyes. Ayokong magmukhang haggard at panget. Baka humanap pa ng iba.
Sa huli, pinili ko nalang ang yellow dress. Above the knee ang haba non at gold stilettos. Simple but elegant.
Magmomovie marathon kami ni Zachary dito sa condo ko dahil wala naman kaming pasok. It's already Thursday! Malapit na magsabado kaya mabuti nalang at nakahanap na ako agad ng damit na bagay sakin.
Meeting Zachary's parents makes me more nervous. I don't want to look like s**t when the Saturday came. Baka hindi nila ako magustuhan dahil haggard ako o dahil hindi naman ako kagandahan. For the first time, parang bumaba ang confidence ko.
I'm just thinking if I talked to Cale about it, but I don't want to disturb them. Nag didate kasi ang dalawa dahil walang pasok. I find it romantic but who the hell would I call for a date? Wala naman akong boyfriend!
Mamaya maya pa ang punta rito ni Zach kaya naman maglilinis muna ako ng unit ko para naman presentable. Ayoko rin kasi ng maduming lugar dahil naaasiwa ako. Hindi ko matiis na hindi linisin.
I almost jump, when my phone ring in an instant. Nakakagulat naman 'to! Sino ba naman ang tatawag ng umaga? For pete's sake 10 am palang!
Nagluluto pa naman ako ng brunch ko. Brunch means breakfast and lunch. Yeah, I skip breakfast dahil wala rin akong time. 10 pm na ako nakakatulog dahil sa pagbabasa.
After I cooked rice and bulalo, I turn off the stove and went to my room for me to take a shower. Baka bigla nalang dumating si Zach kaya mas okay ng nakaready na ako.
Nagbabad ako sa shower dahil sa sarap ng pakiramdam na rumaragasa ang tubig mula sa shower, pababa sa katawan ko. Narerelax ako kapag nag shoshower ako dahil sa lamig ng tubig na animong yumayakap sa buong katawan ko.
Napapikit ako dahil sa lamig ng tubig. I enjoy the water of shower and it helps me stress out. Biglang may nakita ako sa pagkakapikit ko. Isang scenario na kung saan naroon si Zachary, ako at isang lalaki at babae. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang makita kong nasa hamba na ako ng pintuan ng simbahan at kinakasal si Zach sa ibang babae, habang ang isang lalaki naman ay nakaalalay sakin at nakatingin lang sakin. Hindi ko kilala ang babae at lalaki.
Hindi ko alam pero parang naiiyak ako, nasasaktan, at para bang gusto kong umiyak nalang dahil sa sakit na nararamdaman ko. Bigla kong idinilat ang mga mata ko nang marinig ko ang tinig ni Zach sa labas ng kwarto ko. Animong hinahanap nya ako at ilang beses tinatawag ang pangalan ko.
Wala sa sarili akong napahawak sa dibdib ko dahil para bang nahihirapan akong huminga. Ito ang unang beses na may nakita ako sa pagpikit ko. Pangitain ba iyon o dahil nag ooverthink lang ako. Hindi ko alam basta ang alam ko lang, huwag sanang mangyari iyon.
Hindi ko kakayanin.
Tinapos ko na ang shower ko dahil nandito na si Zach. Ayoko syang paghintayin ng matagal, kaya naman wala pang 30 minutes, lumabas na ako ng shower room at dumiretso sa cabinet ko at kumuha ng damit.
After I get dressed, dumiretso ako sa kusina, kung saan naririnig kong kumakanta si Zach. His voice sounds really good. He sings perfect.
Maingat akong nagtungo sa dining table, kung saan roon ko naririnig ang tinig ni Zach. Nakangiti akong dumiretso sa dining table at nakita kong nakapikit sya habang dinadama ang kanta.
Para bang pinaparating ng kanta sakin na umamin na ako. Ano namang aaminin ko? Hindi nga ako sigurado. Baka nagkakamali lang ako.
Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang biglang bumukas ang mata ni Zach at diretso iyon sa direksyon ko! Para bang alam nyang narito ako at nakatingin sa kanya.
Kinakabahan akong naupo sa tabi nya. Hindi nya inaalis ang tingin nya sakin at kahit sa gilid ng mata ko, nakikita ko ang mata nyang nakamasid sakin. I flip my plate and get some rice and bulalo.
Kinakabahan ako na nahihiya dahil nanatili lang syang nakatingin sakin at kahit ako, ramdam ko ang presensya nya. My heart keeps beating fast and I don't know why!
Tumikhim ako, nagbabakasakaling maaalis ang tingin nya sakin. Mabuti nalang at naiintindihan nya ang pagtikhim ko. Nakangiti syang sumandok ng kanin at ulam.
"Anong gusto mong gawin natin? Magmomovie marathon lang ba tayo?", tanong nya habang kumakain kami. Uminom muna ako ng tubig dahil ayokong magsalita habang may laman ang bibig ko. That's gross!
"Ikaw kung ano bang trip mong gawin. Wala naman tayong pasok ngayon, bukas meron na kaya sulitin natin ang oras natin ng magkasama",simpleng sagot ko. Ngumiti naman sya sakin bago muling ipagpatuloy ang pagkain. Akmang susubo na ako sa kutsara ko nang ilapit ni Zach ang kutsara nya at ngumiti ng matamis sakin.
Mabilis na kumabog ang puso ko dahil sa kaba. Palihim akong ngumiti bago kainin ang inalok nya. Napaiwas ako ng tingin dahil naramdaman kong nag init ang pisngi ko.
"Gusto mo bang lumabas? Minsan ka nalang kasi makapag relax dahil na rin may pasok. Tapos na naman ang exam kaya makakapag relax ka na. What do you think?",malambing na aniya. May point naman sya roon dahil totoo namang minsan lang ako makapag relax. Madalas, notes at books lang ako dahil kailangang mag advance reading para naman may maisagot sa oras ng discussion.
"Ayokong lumabas. Mas gusto ko rito sa unit ko para naman kapag inantok ako, diretso tulog na. Medyo nakakastress din kasi sa mall dahil maraming tao at ang init."
Tumango naman sya na ipinagpapasalamat ko. Usually kasi ayoko ng kinukulit ako. Gusto kong nirerespeto ang desisyon ko at hindi yung nangungulit pa.
"Movie marathon tayo after we eat. May dala ang french fries dyan. Limang plastik yon. Pinaghandaan ko talaga 'to dahil alam kong makakasama kita", malambing na aniya. Hindi ako makatingin sa mga mata nya dahil namumula parin ang pisngi ko at ayokong makita nya yon!
"K-Kumain na tayo",utal kong pagyaya sa kanya. Kumain kami ng kumain dahil manonood na ng movie after namin kumain.
Tahimik kaming kumain at paminsan minsan, nakikita ko sa dalawang sulok ng mata ko na nakatingin sa gawi ko si Zach. Nakakailang na nakakahiya, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.
Hindi ko alam kung bakit nya ako tinitingnan. Baka may dumi ako sa mukha o ang pangit ko kumain. Napaparanoid na ako!
Nang matapos na ako kumain, kinuha ko ang tissue sa ibabaw ng dining table at nagrolyo roon ng kaunting tissue. Pasimple kong pinunasan ang gilid ng labi ko pati na rin pisngi ko. Kasalukuyan syang umiinom ng tubig at nangunot ang noo ko nang tumayo sya sa kinauupuan nya at niligpit ang pinagkainan nya. Nilagay nya rin ang tirang bulalo sa ref tsaka muling bumalik sa dining table at akmang kukunin na ang plato ko, nang hawakan ko ang kamay nya para pigilan sya. Gulat syang nakatingin sa kamay ko na nakahawak sa kamay nya, papunta sa mga mata ko. Pinagtaasan ko sya ng kilay habang sya, halatang hindi alam ang sasabihin.
"Ako na magliligpit. Ako na rin maghuhugas ng plato. Maupo ka nalang roon at ihanda mo yung movie na panonoorin natin",dire diretsong sabi ko. Tumayo na rin ako at ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin. Pipihit na sana ako papuntang sink nang hawakan nya ang kamay ko. Mabuti nalang hawak ko sa kanang kamay ko ang nga plato. Nagulat ako sa biglang pagkilos nya ng ganon pero mas naguluhan ako sa seryosong mga tingin nya diretso sa mga mata ko.
"Ipaubaya mo na sa akin yang hugasin. Ikaw ang maupo sa couch at hintayin mo lang ako. Mabilis lang naman 'to dahil dalawang plato lang naman ang huhugasan.",pangangatwiran nya. Pinagkunutan ko sya ng noo at para bang wala syang pakielam sa reaksyon ko.
"Sure ka ba? Doon ka nalang sa couch, ako ng bahala dito. Maliit na bagay lang naman 'to",pangungumbinsi ko sa kanya. Pinagtaasan nya ako ng kilay bago kunin sa kamay ko ang plato naming dalawa. Wala na akong nagawa kundi pumunta sa couch, maupo roon at maghanap ng magandang panoorin.
Napangiti ako nang makita ko ang paborito kong movie. It's chineses drama entitled "A love so beautiful". It's about the girl and boy na magkaptibahay. May gusto yung babae sa lalaki, tapos yung lalaki parang hindi sya gusto. It's a great love story. Masusubok roon kung gaano mo ba kamahal ang isang tao.
Prente akong umupo sa couch at sinandal ang ulo ko sa sandalan ng couch. Hinintay ko lang ang pagbalik ni Zach dahil nakita kong nagpupunas na sya ng kamay nyang kakatapos lang maghugas ng plato. Mukhang sanay na sanay sya at inenjoy nya ang paghuhugas ng plato.
Pumikit ako saglit at inalis ang mga negatibong naiisip ko. Hindi ko alam pero para bang kapag nakikita ko si Zach, naiisip ko yung pumasok na scenario sa isip ko kanina habang nakapikit ako habang nagshoshower.
Wala sa sarili akong napangiti nang maramdaman kong may tumabi sakin at inakbayan ako. Saka lang ako nagmulat ng mga mata sa direksyon ni Zach na nakangiti sakin ng napakatamis. May kislap sa mga mata nya habang nagtititigan kami.
Nagsimula na kaming manood ng movie at buong panonood lang namin nakangiti ako. Nanatiling nakaakbay sakin si Zach. Nahiga ako sa balikat nya habang nanonood ng movie at naramdaman ko agad ang kapayapaan.
Sa bawat eksena ay naramdaman kong nakatuon lang ang atensyon nya roon sa pinapanood namin. Ganon din naman ako dahil paborito ko itong movie na ito. By episode sya, pero maganda naman ang plot twist. Doctor ang lalaki, habang ang babae naman ay focus sa pagddrawing.
Nakakalungkot nga lang sa una dahil sinabi sa kanya ng lalaking bida na hindi sya nito gusto. Syempre dahil malakas ang fighting spirit nya para sa crush nya, hindi sya sumuko dito. Nanatili syang nakabuntot sa lalaki mula sa pagpasok sa school hanggang sa pag uwi.
Nakangiti lang ako habang nanonood at paminsan minsan ay nasasaktan ako para sa bidang babae. Naging sila rin naman ng bidang lalaki. Napakasweet nila, lalo na ang lalaki. Habang papalapit ng papalapit na lilipat na ang babae ng dorm, hinahanda ko na ang sarili ko sa pinakamasakit na part. Ang paghihiwalay nila.
Tinatawagan nya ang boyfriend nito, pero hindi sumasagot. Nang makita nya ang isang nurse sa ospital, tinanong nya ito kung nasaan ang boyfriend nyang doctor. Sinabi ng nurse na nasa surgery ang doctor. Hindi alam ng nurse na girlfriend ito ng doctor. Buong akala nitong nurse ay isa lang sya sa mga tagahanga ng doctor gaya ng ibang nurse. Sinabi rin dito ng nurse sa bidang babae na malapit na itong umalis papuntang Beijing para sa advance study at mag aaral ito roon ng 4 years.
Nasaktan ng sobra ang babe dahil buong akala nya ay hindi sya naiisip ng boyfriend nya at hindi kinoconsider ang opinyon at nararamdaman nya. Wala syang magawa kundi umiyak dahil sa sakit na nararamdamn nya. Masakit iyon para sa isang babae. Mula pagkabata nyo, magkasama kayo, magkaibigan, tapos kung kailan malaki na kayo at naging kayo na, tsaka kayo magkakalayo. The day na nakipaghiwalay ang girlfriend ng lalaking doctor, namatay sa kamay nya ang pasyente nya.
Ramdam ko ang emosyon. Dati, kapag napapanood ko 'to, hindi naman ako nakakaramdam ng kung ano mang sakit na gaya ng bidang babae. Para bang anumang oras mararanasan ko 'to.
Hindi ko namalayan na nanunubig na pala ang mga mata ko. Napapikit ako nang hapitin ako ni Zach ng marahan ay yakapin ako. Niyakap ko sya pabalik at naramdaman ko sa yakap nya at bawat haplos nya sa likod ko ang pagmamahal, pag iingat, at pag aalala.
The man keep chasing his girlfriend, hoping that the girl comeback to him, but the woman did not comeback to him after they broke up. Hanggang sa umalis na ang lalaki, hinabol nya ito sa airport, pero huli na ang lahat.
I can feel my heart clenched without any reason. Hindi ko alam kung bakit ramdam na ramdam ko yung sakit na nararamdaman ng bidang babae. It's my first time to cry this hard.
Zach keeps brush my hair using his hands. I felt comfort, love and care for me. The way he touch me, it feels so good. It feels so right. Ngayon ko lang 'to naramdaman. I had so many flings at halos hindi ko na mabilang sa daliri ko, pero sya palang nakapagparamdam sakin ng ganito. Sya lang.
The way we hug each other feels different. Ramdam roon ang bawat emosyon at kahit ipilit mang itago iyon, mararamdaman at mararamdaman talaga.
"Why are you crying?",malambing na tanong nya sakin nang hawakan nya ang dalawang pisngi ko at iharap iyon patungo sa mga mata nya. He gently wiped away my tears and I can feel in his eyes his concern.
"I just felt what the girl felt about their situation with her boyfriend. Parang ang sakit lang isipin",pag amin ko. Ngumiti sya ng tipid sakin bago nya ilapit ang mukha nya sa noo ko at naramdaman ko ang paghalik nya roon.
"Hindi yon mangyayari satin. Hindi naman ako doctor e",natawa ako sa sinabi nya. Pero tama naman sya, hindi naman sya doctor kaya paano mangyayari sa amin yon?
"Ikaw! Nakakapagbiro ka pa ng ganyan. Bahala ka nga riyan",pinagkrus ko ang braso ko sa dibdib ko at tumalikod sa kanya.
"Hey",malambing na tawag nya sakin bago ko maramdaman ang kamay nyang pumulupot sa bewang ko at yakapin ako ng mahigpit.
Gusto kong magtampo- tampuhan pero baka maturn off naman sya sakin at ayoko non. Itanggi ko man sa kanya pero sa sarili ko hindi ko maitatanggi na hindi ko sya kayang matiis.
Ako na ang kusang humarap sa kanya. Isinubsob ko ang mukha sa dibdib nya at niyakap sya sa kanyang bewang. Mabilis ang t***k ng puso ko sa hindi malamang dahilan.
Gusto kong alamin kung ano ba ang nararamdaman ko pero paano? Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung kailan nagsimulang makaramdam ako ng ganito.
Hinaplos nya ako sa aking buhok ng marahan at may pag iingat. Patuloy sa mabilis na pagtibok ang puso ko mula sa mga haplos nya.
"Don't hurt me Zach, please?",garalgal na tinig na pakiusap ko sa kanya. Naramdaman kong natigilan sya ngunit agad din nyang pinagpatuloy ang paghaplos sa buhok ko.
"Of course. I won't hurt you",mahinang sagot nya. Wala sa sarili akong napangiti dahil sa tugon nya.
Panghahawakan ko 'yon, Zach.
Hindi na kami nanood muli ng movie dahil na rin sa naging reaksyon ko. Para bang ayoko ng mga movie na about sa heart break.
Magkahawak kamay kaming nakahiga sa sofa bed, habang nakahiga ako sa dibdib nya. Mabilis ang t***k nyang puso nya na nasisiguro kong kagaya lang ng sakin.
"Yvonne?",tawag nya sakin mula sa mahabang katahimikan na bumalot samin. I looked up to him with small smile.
"Hmm?",I hummed.
"Gaano ka kabilis magpatawad?"
Kunot noo akong tumingin sa kanya. Seryosong mukha ang bumungad sakin na ipinagtaka ko. Hindi ko alam kung ano bang gusto nyang ipunto sa mga tanong nyang gaya nito. Pero pipilitin kong intindihin.
"Depende naman yon. Diba nga gaya ng sabi ko sayo, kung gaano kabigat ang nagawa mong kasalanan. Kung malala ba o mild lang naman. Mapagpatawad akong tao at hindi ako nagtatanim ng sama ng loob, pero depende pa din yon.",sinsero kong sagot. Napalunok naman sya ng ilang beses at bahagyang hinaplos ang pisngi ko.
"Ano bang ayaw mo sa isang lalaki?"
"Hmm. Ang ayaw ko sa isang lalaki yung nagsisikreto, nagsisinungaling, at manloloko"
"Ahh yon lang pala.",nakangiti syang hinawakan ang bewang ko at iangat ako palapit sa kanya. Magkalapit na ang mukha namin at konti nalang ay dadampi na ang labi ko sa kanya. Ramdam ko sa aking pisngi ang bawat paghinga nya.
"A-Anong ginagawa mo?",utal kong tanong sa kanya. Dahil sa sobrang lapit namin, hindi ko na alam kung paano huminga ng maayos.
"Wala lang. Gusto ko lang maramdamang malapit ka sakin, na nahahawakan kita, na nararamdaman kita.",ramdam ko roon ang sinseridad at pagkaseryoso sa bawat salitang binibitawan nya.
Niyakap ko sya ng mahigpit at marahang hinalikan sya sa kanyang pisngi. Naramdaman kong natigilan sya sa paghalik ko sa kanya, pero hinayaan nya lang ako na gawin yon.
Kung may magagawa man ako para iparamdam sa kanyang narito lang ako at hindi ako aalis, araw araw, minu minuto, oras oras, segu segundo, yayakapin ko sya at hindi ako magsasawang iparamdam na nandito lang ako. Hinding hindi ako aalis.
~~~~
Nang dumating ang araw ng sabado, sinundo ako ni Zach rito sa unit ko. Naka black plain polo sya at itim na pantalon na may itim na rubber shoes. Black na black na parang pupunta sa lamay o libing, pero hindi ata makatarungan na gwapo parin sya.
Sinuot ko yung damit na kinuha ko noong isang araw na tinabi ko pa noon sa cabinet ko. Kaba, takot at halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Para kaming mamamanhikan sa lagay na 'to. Kinakabahan akong makilala ng mga magulang nya dahil ito palang ang unang beses na pinakilala ako sa mga magulang.
May kalayuan ang bahay nila kaya napagdesisyunan kong matulog nalang muna at gisingin nya nalang ako kapag nakarating na kami roon.
Kung ano ano ng naiisip ko ngayong nasa byahe kami. Kahit tulog ako, nag iisip parin ako na baka hindi ako magustuhan ng mga magulang nya o baka naman hindi pa pwedeng mag girlfriend si Zach. Baka hindi ako pasok sa standards nila para sa anak nila. Hindi ko na alam.
Isang magaan na paghalik sa aking sentido ang naramdaman ko. Naramdaman ko ring tumigil na ang kotse na sinasakyan namin. Marahan kong iminulat ang mga mata ko at agad akong napatuwid ng pagkakaupo nang matanaw ko ang mansyon na napakalaki at may malawak na lugar. Malaki ang gate nito at napakalaki ang bahay. Sabi nya bahay, mansyon 'to eh!
Binalingan ko ng tingin si Zach na ngayon ay nakatingin sakin ng may maliit na ngiti sa kanyang mapulang mga labi. Pinagkunutan ko sya ng noo nang ilahad nya ang kanyang kamay sakin.
"Let's go",baritonong boses na aniya. Pinagtaasan ko sya ng kilay bago hawakan sa kanang kamay ko ang pintuan ng kotse.
"Nasa loob pa tayo ng sasakyan. Bakit ka naglalahad ng kamay dyan?",masungit na tanong ko sa kanya. Natawa naman sya na mas lalong ikinainit ng ulo ko.
Bumaba sya ng kotse at pumihit sa direksyon ko. Pinagbuksan nya ako ng pinto at agad nilahad muli ang kamay nya sakin at magkahawak kamay kaming pumasok sa mansyon.
Kaba ang bumalot sakin habang papalapit kami sa pintuan. Gusto kong tumakbo paalis pero para saan? Nandito na kami at hindi ko alam ang daan pauwi!
Nagdoorbell muna sya at naghintay ng magbubukas ng pinto. Kinakabahan ako at nanlalamig ang buong katawan ko na para bang may snow dito o dahil sa lamig ng aircon sa sobrang lamig ng kamay ko.
Literal na tumigil ang paghinga ko nang biglang bumukas ang pinto at isang magandang ginang na matangkad, supestikada, mahaba ang buhok, maputi at magandang babae ang bumungad samin.
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Zach nang lingunin ako ng babae at seryosong emosyon ang ipinukaw nya sakin. Sa mga oras na 'to hinihiling ko na sana kainin na ako ng buo ng lupa dahil sa hiya, kaba at pag ooverthink ko na baka hindi ako magustuhan ng magulang nya.
Tumikhim ang ginang na dahilan ng pagbalik ko sa huwisyo. Namamasa na ang kamay ko at mas tumindi ang hiya ko dahil hindi ito binitawan ni Zach at nasisiguro kong nararamdaman nya iyon.
"Zach!", tawag pansin nya sa anak nya. Lumunok ako ng ilang beses at dahan dahang tinanggal ang kamay ni Zach, na nakahawak sa kamay ko nang yakapin sya ng ginang. Siguro ay tita sya nito o pinsan. Mukha kasing bata.
"Mom",nanlaki ang mata ko sa itinawag ni Zach sa ginang na ngayon ay sinuklian nya na ng yakap. Nanatili akong nakatayo malapit sa kanila.
Nang matapos ang yakapan nila, bumaling ng tingin sakin ang mommy ni Zach. Mas bumilis ang t***k ng puso ko nang tingnan nya ako mula ulo hanggang paa na para bang inoobserbahan nya ako.
"Who is she?",tanong nya kay Zach. Lumapit sakin si Zach at inakbayan ako bago kami lumapit sa mommy nya.
"She's Tatiana Caden Yvonne Pangilinan. Nililigawan ko Mom.",pormal na pagpapakilala nya sakin. Unti unti akong nag angat ng tingin at nangunot ang noo ko nang makitang black ito. What the f**k is happening?
Napakapit ako sa damit ni Zach nang umikot ang paningin ko na para bang lumilindol. Naramdaman kong tumingin sakin si Zach pero hindi ko alam kung ano bang reaksyon nya nang makitang nakapikit ako at nakahawak na ang kaliwang kamay ko sa kaliwang sentido ko.
"L-Lumilindol ba?",wala sa sariling tanong ko. Para bang biglang namaos ako sa hindi malamang dahilan.
"Hindi hija. Bakit?",ang mommy ni Zach ang sumagot. Hindi ko na alam ang nangyayari pero parang umiikot ang paningin ko at kailangan ko ng masasandalan para hindi ako matumba dito.
"N-Nahihilo ako",hindi ko alam kung saan kakapit nang biglang manlambot ang tuhod ko at parang anumang oras ay matutumba na ako.
Tuluyan na akong nawalan ng malay pero bago pa man ako mawala sa ulirat, naramdaman kong lumapit sila sakin at naramdaman ko rin na para bang lumulutang ako o may bumuhat sakin.