3

4367 Words
Tatiana Caden Yvonne Pangilinan POV I was here in our room, definitely listening to our teacher discussing our plates. Kailangan na maagang magpasa para naman magawa ko ang ibang kailangan kong gawin. May inaasikaso kasi ako tuwing Sunday. Bumibisita ako sa isang ampunan. Isang taon lang ang tanda nya sakin ng panganay ni Dad sa ibang babae pero kung magdemand sya na irespeto ko ang panganay nya, ay para bang nirespeto nya noon si Mommy. He even cheated on Mom. Hindi nya din alam na buntis si Mommy dahil busy sya sa kabet nya na naunang nabuntis. Instead na hiwalayan ni Mommy si Daddy, minahal nya parin ito. Hindi nya ito iniwan kahit pa binabalewala na sya. Mabuti nalang nga at nang malaman ni Daddy na buntis si Mommy, inalagaan nya ito at binigay lahat. But that doesn't change the fact na may ibang tao syang mas inuuna kesa samin, kesa sa asawa't anak nya. Mula pagkabata ko hanggang sa magka isip at magdalaga, lagi kong nakikita ang kabet at anak nya sa labas na paminsan minsan pumupunta sa bahay namin. Even Mom knows about it but she doesn't say anything and just let them in our house. Mahal naman kami ni Dad pero hindi maitatanggi na mas mahal nya ang pangalawang pamilya nya, which is kabet nya. Mula noon, hindi ko itinuring na pamilya ang kabet at anak nya sa labas. Sabihin nyo nang masama ang ugali ko pero ako ang nasasaktan para sa Mommy ko. Minsan nakikita ko nalang na umiiyak sya sa kwarto nila dahil wala na naman si Dad at mas inuuna pa ang kabet nya. Feeling ko na out of place kami ni Mommy. Sa tuwing nakikita ko ang bunga ng pagtataksil ni Daddy kay Mommy, para bang gusto ko manakit. Gusto ko manumbat. Gusto kong magalit. Gusto kong malaman nya na wala syang kwentang asawa at ama samin. Napaka iresponsableng lalaki sa asawa at anak nya. "Ms. Pangilinan!",tawag sakin ng professor namin. Hindi ko napansin na kanina pa pala lumilipad ang isip ko! "Y-Yes po Miss?", kabadong tanong ko bago tumayo nang marahan. "Are you even listening to our discussion? You look pale and out of your mind! What's happening to you Ms. Pangilinan?", singhal sakin ni Miss. Lumunok ang ng ilang beses bago tumingin sa gawi ni Miss. "Yes, Miss I'm listening",mahinahon kong sagot. Pinagkrus naman nya ang dalawang braso nya sa kanyang dibdib at nakataas ang kilay na nakatingin sakin. "So if you're really listening, what's your project?",tanong nya sakin. Mabilis ang t***k nang puso ko at laking pasasalamat ko dahil naalala ko pa yon. "Sketch our dream house, Miss. And the deadline is on Friday",simpleng sagot ko. Kinurot ko nang marahas si Cale na tumatawa nang mahina, habang si Tyler naman ay ramdam kong nakatingin sa nobya nyang loka loka. Tumikhim si Miss nang marahas bago magsalita. " Next time listen very carefully Ms. Pangilinan. Pasalamat ka at isa ka sa dean's lister. Keep that place of yours. Don't take it away because of something bothering you",pagpapapaalala pa nya sakin bago ayusin ang gamit nya sa lamesa at ituon sa unahan ang paningin. "Class dismissed!",palahaw nya bago lumabas nang pintuan ng room namin. Nakahinga naman ako nang maluwag bago ayusin ang gamit ko sa ibabaw ng lamesa at iayos yon sa loob ng bag ko. "Canteen tayo? Gutom na ako",reklamo ni Cale habang niyayaya kami mag canteen. Ako naman, sakto lang tutal lunch break din naman namin. Hindi ko rin napansin ang oras na 4 na subject na pala ang natake namin. Masyado kasing occupied ang isip ko. "Sige, ayoko namang nagugutom ang girlfriend ko",malambing na sagot ni Tyler kay Cale. Ako naman, seryosong nakatingin sa relo ko na para bang bibilis yon pag tiningnan ko. Kunot noo kong binalingan ng tingin si Cale na kinalbit ako na para bang gusto lang naman mambwiset. Kainis kasi tong babaeng to. May boyfriend na, ginagawa pa akong third wheel nila. "Sama ka. Lunch break na natin kanina ka pa tulala girl. Don't tell me na may next target ka na naman na lalaki na sasaktan mo?",pang aasuka nya pa. Maarahas kong inalis ang kamay nya sa kalikat ko na para bang may nakakahawa syang sakit. "Tumigil ka Cale ah. Wala ako sa mood makipag asaran sayo. Baka ibalikwas kita dyan", seryosong pagbabanta ko sa kanya. Imbes na matakot, nginisihan pa ko nang loko. "Babe inaaway ako ni Tatiana oh", pagsusumbong nya sa boyfriend nya, na akala mo ay may magagawa. Napabuntong hininga naman si Tyler ay marahang inakbayan si Cale bago tumingin sakin. Humihingo ng pasensya ang kanyang tingin sakin habang si Cale naman ay nakangisi. "Mag canteen nalang tayo",seryosong sagot ni Tyler. Kinuha ni Tyler ang bag ni Cale at nilagay yon sa balikat nya, habang ako nauuna dahil alam ko namang mabagal silang maglakad. Habang naglalakd kami sa canteen hjndi padin maalis ang isip ko sa pagpunta ko sa bahay ngayong darating na sabado. Hindi ko alam kung bakit ba ako pupunta doon, samantalang nandon naman ang 'panganay nya' para tumulong sa kanya. Nang makapasok na kami sa canteen, nahagip nang paningin ko sina Mr. Fabian kasama ang kaibigan nyang si Blaxton at Blake. Nasa gitnang table sila habang nagtatawanan. Inalis ko din agad ang tingin ko sa kanila dahil baka mahuli ako at mamisinterpret yon ni Mr. Zachary. Umorder ako nang burger at milktea. Hindi ako mahilig sa rice kahit tanghalian dahil mini-maintain ko ang katawan ko. Ayokong tumaba for heaven's sake! Habang naghahanap nang table, hindi ko namalayan na nauna nang maupo ang dalawa kong kaibigan na ngayon ay prenteng kumakain. Ni hindi manlang ako sinabihan na nakahanap na sila nang table! Puno na sa table ng iba ganon din kina Tyler at Cale. Iginagala ko ang paningin ko at nangunot ang noo nang mahagip nang paningin ko si Zachary na preskong nakatingin habang nakangiti sakin. Nakataas pa ang kamay nya para ipaalam sakin na may space pa roon. Here we go again! Bumuntong hininga muna ako bago maglakad sa table nila, dala ang tray nang burger at milktea ko. Wala akong choice kung hindi tumabi kay Zachary dahil magkatabi ang dalawa nyang kaibigan. Ngiting aso silang nakatingin samin ni Zachary. Kung may choice lang ako, hindi ako uupo sa tabi nang mokong na to! "Hi Tatiana",bati nang dalawa sakin. Seryoso akong nag angat nang tingin kina Blaxton at Blake. Nang bumaling ako nang tingin kay Zachary, nakatingin na ito sa pagkain ko na hindi ko parin inaalis sa tray. Nang ialis ko sa tray ang pagkain ko, nakita kong nakatingin parin doon si Zachary, nakakunot ang noo. What's his problem with my goddamn food? "Yan lang kakainin mo?",tanong nya sakin. Pinagtaasan ko sya nang kilay na para bang sinasabi sa kanya na 'wala kang pakielam'. He looks serious while looking at me. "So?",mataray na tanong ko. E ano naman, pagkain ko yan at yan ang gusto ko! Bakit ba sya nangingielam. "May idea ka ba na lunch na? Look at the students",utos nya pa. Nag angat naman ako nang tingin at nakita kong halos lahat ay naka rice, ako lang ata ang ganito ang order. "You should eat rice because that's not healthy",pangaral nya pa. Makasermon parang nanay ko ah! Malalim akong bumuntong hininga, pinapakalma ang sarili. Marahan kong pinikit ang mata ko at ilang segundo lang ay nagmulat na ko at sa kanya tumama ang paningin ko. "Why do you even care? Look, hindi kita pinapakielaman sa lunch mo. So definitely don't try to make me stubborn because this is what I want to eat for lunch",mahabang paliwanag ko. Napatingin naman kaming dalawa ni Zachary kina Blake at Blaxton nang tumikhim sila. "Tatiana pasensya ka na sa kaibigan namin but I think he has a point. Hindi maganda na yan ang kinakain sa lunch. You should eat healthier like rice and ulam, because it's the proper meal", sinserong pagpapaliwanag sakin ni Blaxton. "Don't be mad at Zachary, Tatiana. He just wants the best for you. He wants to eat you a proper meal, not junk food like that",turo nya sa burger at milktea. I get their point but what's wrong about eating this? Burger and milktea? It makes me full. "I'll order you the proper lunch. You don't have the choice but to eat it, in front of us. Dito ka lang, wait for me",seryosong pagpapasya ni Zachary na para bang wala nang makakapigil sa kanya. Tumayo sya sa kinauupuan nya at naglakad papunta sa lane. Napatingin ako sa pagkaing binili ko. Sayang naman to. Hindi kasi ako sanay na may nangingielam nang pagkain ko. Walang nagpapaalala sakin na kumain ako nang tamang pagkain at hindi katulad nito, it's my first time. Si Zachary ang unang nakapuna nang unproper meal ko. Hindi kami nag usap ng mga kaibigan nya at hinihintay ang pagbalik nya. Pagbalik nya, nilapag nya ang tray sa tapat ko at sinet aside ang pagkaing binili ko. Kanin iyon at ang ulam, paborito ko, bulalo at bopis. How did he know that it's my favorite? "Based on your reaction, it's your favorite", I heard Zachary said. He let out chuckle and I rolled my eyes as if he saw it. "How did you know?",takang tanong ko. He smile as we look at each other. "Just eat, Yvonne.",he replied. And I obey because I felt my stomach growls. Every bite I made, I felt like I'm tasting heaven because it's really delicious. Pagkatapos kumain, nagpaalam na din ako sa kanila at nagpasalamat sa libreng lunch. Hinanap ko ang dalawang kaibigan ko at nakita ko naman sila sa room. Mukhang nauna nang bumalik at hindi na ko hinintay pa. As I walk towards them, Cale looked at me with a smirk, while Tyler reading his books seriously. "What was that?",bungad agad ni Cale nang makaupo na ko sa upuan ko. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. "Huh? What are you trying yo say? Di kita maintindihan",I replied. "Kayo ba nung play boy?",nakangising tanong nya. Sinamaan ko naman sya nang tingin dahil hindi ko alam kung anong pinupunto nya. "Sinong play boy?",takang tanong ko. "Si Zachary Matthew Fabian. Hindi mo alam? Hindi mo alam na play boy sya?",ang kaninang ngisi ngayon naman ay para bang nagtataka dahil hindi ko alam ang bagay na yon. Dapat ko bang malaman? Mukha ba kong may pake? "May pake ba ako? Tsaka hindi kami 'non. He's not my type",I defend myself. "Really? Pero nakaupo ka sa tabi nya kanina. He buy you lunch. What was that? Flings lang kayo?",natatawang saad nya. Inirapan ko sya at pinagtaasan ng kilay. Parang tanga e! "Issue mo. Look,wala akong maupuan kanina kaya he raised his hand for me to sit beside him. Ayaw ko man pero I don't have choice. Anong gagawin ko e iniwan nyo ko sa lane at nauna na kayong maupo? Tsaka yung sa lunch, sya nag insist non. Bigla nya kong pinagsabihan, pati mga kaibigan nya. Mukha ba kong may choice? Sayang naman ang pagkain",I reasoned out. Totoo naman sayang ang pagkain, madaming nagugutom noh! "Kapag ikaw nafall kay Zachary, bahala ka. Hindi kita tutulungang umahon", pagbabanta nya pa na para bang mangyayari talaga. "Asa ka",masungit na sagot ko sa kanya. Hindi na kami nakapag usap dahil dumating na din ang next teacher namin. Umupo nalang ako nang maayos at nagfocus sa lesson. Paminsan minsan nagtataas ako ng kamay. Mabuti nalang at maayos ang naging buong araw ko. Nakakapag recite ako at paminsan ay sumasagot din ang mga kaibigan ko. Everything is fine. Paminsan minsan nagbibiro ang teacher namin kaya tunatawa kami, habang ako seryoso lang na nakikinig. Medyo nawala din pansamantala sa isip ko ang pagpunta ko sa bahay sa sabado. Kailangan ko pa gawin ang plates ko dahil deadline na din sa Friday. May sketch naman ako kaya hindi na mahirap para sakin. Mabilis din akong gumawa nang mga design kaya napapasa ko din on time. Last subject na namin ngayon at dahil nga may pinapagawa din at madugo ang subject na to dahil major subject namin, kailangan ko nang buong atensyon para dito. Si Cale naman todo daldal sa boyfriend nya na sinasaway na sya dahil nakikinig din. Mabuti na nga lang di nakikita ang bruha. Naglalakad lakad papunta samin si Miss habang nagdidiscuss. Konti nalang isusuplong ko na tong si Cale sa kaingayan. Ayaw tantanan ang boyfriend nya na para bang may nirerequest ito sa nobyo pero si Tyler naman, todo saway sa kanya. Nang tumigil sa tapat namin si Miss, nakita kong nangunot ang noo nito habang hinahanap ang babaeng daldal nang daldal na katabi ko lang. Nang humarap ito sa amin, nakakapit na si Cale sa braso ni Tyler habang hinihigit ito. Nang tumikhim si Miss, nag angat nang tingin si Cale ganon din si Tyler na seryoso ang mukha. Nang makita ni Cale si Miss, bumitaw ito sa pagkakakapit nito sa braso nang nobyo nya. Tumungo ito habang walang emosyon akong naka cross arm habang nakatingin sa libro ko. Magbabasa nalang ako. "Ms. Alvarez what do you think you're doing, hmm?",masungit na tanong ni Miss sa kanya. Pumunta si Miss Almendra sa pwesto ni Cale at pinatayo. Ako dapat ang nasa gitna pero dahil magkatabi na sila kanina at humiling ito sakin na tabi muna sila nang nobyo nya, pinagbigyan ko na. Hindi ko naman alam na ganito ang gagawin nang bruha. "M-Miss I'm sorry po",nagsisising sabi ni Cale kay Miss. "At bakit ikaw ang nasa gitna? Hindi ba't si Ms. Pangilinan dyan? Bumalik nga kayo sa tamang upuan nyo! Now!",sigaw na utos samin ni Miss. Seryoso akong tumayo nang nasa harapan ko na si Cale. Walang emosyon akong tumingin sa kanya bago umupo sa gitna. Sinundan nang tingin Miss si Cale hanggang sa umalis na ito sa pwesto namin. Hindi na ko tumingin kay Cale dahil nakikinig ako. Naiinis ako sa pagkukulit nya lalo na at napagalitan sya sa harap ng klase. Dapat kasi kung nasa klase, mag aral lang. Eto namang bruhang to dumaldal pa. Alam nya na ang consiquence sa ginawa nya. At hindi ko kasalanan yon. Tahimik akong nakinig sa discussion ni Miss habang nagbabasa din nang libro. Ganito talaga ako kapag discussion nakikinig habang nagbabasa nang libro. Kailangan ko din na mas triple ang effort ko at sipag para na rin sa future kong trabaho. Graduating student na kami kaya doble sipag para hindi masayang ang tuition samin nang mga magulang namin. Si Mommy ang nagpapatuition samin habang si Dad naman sa panganay nya. Sabi nya sasayangin ko lang daw ang pera nya dahil wala naman daw akong alam sa Architecture. Masyadong minaliit ni Dad ang pangarap ko kaya papatunayan ko na passion ko talaga to. "Class Dismissed!",anunsyo ni Miss nang matapos na ang klase namin. Tumayo ako at nilagay sa bag ang libro ko. Sinabit ko na sa balikat ko ang strap nang bag ko. Akma na kong palabas nang pinto nang tawagin ako nang dalawa. Hindi ako tumingin sa gawi nila. Diretso ang tingin ko sa daan, hinihintay ang susunod nilang sasabihin. Hindi nga ako nagkamali at nagpunta sa harap ko si Cale at para bang nagmamakaawa ang mukha nya. Walang emosyon akong tumingin sa kanya, habang nagpunta naman sa tabi nya si Tyler at humihingi nang pasensya ang tingin nya. "May sasabihin ka pa ba? Gagawa pa ako ng plates ko",malamig na ani ko kay Cale. Tumungo naman sya na para bang bigo sa narinig sakin. "Sorry",ramdam ko don ang pagiging sinsero nya pero hindi sapat yon. Gumilid kami mula sa pinto ng room namin dahil may mga kaklase kaming lalabas mula sa pinto. "As if sapat yan",sarkastikong tugon ko. Nag angat naman sya nang tingin na para bang gulat padin sa sinabi ko. "Ginawa ko lang naman yon kasi nagrerequest ako kay Tyler na pakopyahin ako. Wala kasi akong gawa", pagdadahilan nya pa. Hindi ko maiwasang mapangisi dahil sa sagot nya. Nag architecture pa sya! "Ang galing mo naman pala. Mabuti pa, magdrop ka nalang. Kung hindi ka seryoso sa Architecture, maghanap ka ng kurso na papasok sa standards at kaalaman mo.",pandidiretso ko sa kanya. Nangunot naman ang noo nya habang si Tyler naman ay halatang nagulat din nang napatingin sa nobya. "Grabe ka naman magsalita, Pangilinan. Hindi ka na nakakatuwa!",she broke her voice when she shout at me. Pinagtaasan ko sya nang kilay na para bang walang pakielam sa sigaw nya. It's the first time she calls me at my surname and that's fine with me. "Babe let's go. It's not the right time for you to argue",hinawakan ni Tyler sa kamay si Cale at nagpaubaya naman ito. Pero nanatiling nakatingin kami sa isa't isa. "Bago ka dumaldal sa klase, make sure sapat na yang nalalaman mo. Nakakaistorbo ka nang iba alam mo ba yon? Mag ditch ka nalang ng class. Nakakawalang pasensya ka na!",pampa prangka ko sa kanya. Nakakaistorbo na nga sya nang iba, di pa nag aaral. Yan ba ang magiging architect? God! Mawawalan sya nang kliyente nyan! "Ang boyfriend mo nakikinig, nagagawa nang dapat gawin habang ang girlfriend naman todo asa sa boyfriend nya. Architecture ka nyan? Wala kang ginawang matino",pagpapatuloy ko sa kanya bago maglakad papunta sa kotse ko. Nakita ko pa non si Zachary at ang dalawa nyang kaibigan pero hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa nasa pintuan na ko ng kotse ko. Bumuntong hiningauna ako bago pumasok sa loob. Mabilis kong nilagay ang bag sa passenger seat habang sinukbit ko na ang susi sa makina at pinaandar yon. Mainit talaga ang ulo ko! Mabilis akong lumabas ng UST at nagdrive papunta sa condo ko. Kailangan kong kumalma dahil gagawin ko pa ang plates ko. Sino ba namang di maiinis sa inasta nyang pagdaldal sa oras ng klase? Pangarap nya ba talagang maging arkitekto? Mabilis akong nakarating sa condo at nagpark. Mabilis kong kinuha ang bag ko at sinabit ulit sa balikat ko. Seryoso ang expression ko sa mukha ko nang naglakad ako papunta sa elevator at pinindot yon. Nang magsarado iyon,pinindot ko ang 6th floor dahil room 41 ang condo unit ko at sa 6th floor iyon. Naghintay lang akong tumunog ang elevator at maya maya lang ay tumunog na iyon. Bumukas ang pinto at lumabas ako nang elevator at tinahak ang unit ko. Kumunot ang noo ko nang makita ko si Mommy sa labas ng condo unit ko. Why Mom is here? Malaki ang hakbang ko papunta sa gawi ni Mommy. Nakatayo sya sa labas at nakayuko. Mukhang umiiyak sya dahil umaalog ang balikat nya. My Mom is crying! Hinawakan ko sya sa balikat na ikinaangat nya ng tingin. Namumula ang mata nya at hindi nakaligtas sa paningin ko ang paglandas ng luha mula sa mata nya papunta sa pisngi. Nag aalala akong tumingin sa kanya at sinuri ang buong katawan nya. Nakita kong may pasa sya sa braso at mukhang hjndi lang nasanggi kundi talagang sinadya. Or should I say, binugbog sya. "Anak",pilit nyang pinasigla ang boses nya. Pero hindi maitatago ang sakit na nababasa ko sa mga mata nya. "What happened to you Mom?",nag aalalang tanong ko sa kanya. Mabilis kong kinuha sa bulsa ng skirt ang susi nang condo ko at mabilis na pinasok yon. Inalalayan ko si Mommy na pumasok sa loob at pinaupo sa sofa. Kumuha ako ng tubig at nagpunta sa sala kung saan nakaupo si Mommy. Nakaupo sya at nagpupunas ng luha gamit ang panyo nya. Hindi nya napansin ang presensya ko kaya tumabi ako sa kanya at hjnagod ang likod nya para pakalmahin sya. "Inom ka po muna Mommy",malambing na sabi ko nang mag angat sya ng tingin. Pagod ang mga mata nya at halatang wala pang tulog dahil malalim din ang eyebags nya. "Salamat anak",sabi nya nang kuhanin ang baso sa kamay ko. Inubos nya ang laman non at nilagay sa side table na hindi naman masyadong kalakihan. "Now, tell me.. what happened?", mahinahong tanong ko sa kanya. Napabuntong hininga sya bago sumagot. "Nandon ang kuya mo at ang nanay nya anak",panimula nya nang pagkukwento. Nangunot ang noo ko at parang gusto kong manakit. "Don't worry hindi naman sila ang may gawa nito. Nag bebake kasi ako ng cake tapos napaso ako. Mabuti na nga lang at nandon ang kuya mo. Tinulungan nya ko" "Mom tell me the truth...si Grayson ba ang may gawa nyan? Tell me Mom. Sinasaktan ka ba nya?",malalim na boses na tanong ko sa kanya. Malaman ko lang talaga kung sinong may kagagawan ng lintik na pasa nya, ipapalibing ko ng buhay. "Anak, hindi naman sinasadya ng Daddy mo. Nagtalo kasi kami at hindi nya ko marinig kaya medyo napalakas ang boses ko. Akala nya sinisigawan ko sya. Inawat sya ng kuya mo pati na din ang Tita Abigail mo. Pero ayos lang ako anak",pagpapaliwanag nya. Huminga ako nang malalim na para bang mawawala ang inis ko sa ganong paraan. "Mom, magsabi ka nga sakin ng totoo. Matagal ka na bang sinasaktan ni Daddy? Tell me Mom",nag aalalang tanong ko sa kanya. Para bang sinuntok ako ng paulit ulit nang makita ko si Mommy na biglang umiyak. Napakawalang kwentang asawa ni Dad! "Shush",niyakap ko si Mom at nilagay nya ang ulo nya sa balikat ko. Para bang gusto kong sugurin si Daddy sa bahay dahil sa kagaguhan nya. "Don't worry Mom. I'll talk to him. I will make sure na hindi na mauulit to. Kakausap ako ng abogado. Mag ffile tayo nang divorce. Makipaghiwalay ka na kay Daddy, Mom",nag angat sya nang tingin at nabasa ko don ang sakit. "No, please hija. Kailangan ako ng Daddy mo, kailangan tayo nang pamilya natin anak. Umuwi ka na sa bahay. Kasama naman natin ang Tita Abigail mo at Kuya Grayson mo. I'm sure they'll protect us from your father",umiiyak na aniya. Napabuntong hininga ako nang marahas. Mahal na mahal nya talag si Daddy at hindi ko alam kung bakit. Mukha namang walang kamahal mahal kay Daddy. He's a cheater, an asshole, a stupid, at pabayang ama at asawa. Nakakagago sya. "Mom, I can't. Graduating student na po ako. Hindi ako makakapag focus kung nandon ako sa bahay dahil panigurado namang sermon lang ang inabot ko don.", pagpapaliwanag ko sa kanya. " Ipapamukha nya lang sakin that my step brother is better than me. That I can't be an Architect" "Anak don't say that. Your Dad might the meanest father, but I know that he just wants you to prove to him the talent that you have. I know you'll going to be successful someday and I hope you can have a good husband in the near future and stable work",she rants. Alright here we go again. She open the topic about the husband thing! "Mom, hindi naman kasama sa pangarap ko ang mag asawa. Sayang lang sa oras ko yan. Ilalaan ko nalang ang panahon ko sa sarili ko at sa pangarap ko",I replied. "You will have a family in the near future anak. How old are you? 19 or 20? Malapit na mag asawa. Basta maghanap ka ng lalaking responsable, faithful, loyal at higit sa lahat mahal ka",bilin pa ni Mommy. Pabiro ko sya inirapan. "You should rest Mom. I just have to cook for us. Take a sleep in my room. Dalawa naman ang kwarto ko Mom. You look pale and plain",napapabuntong hiningang puna ko. Maputla si Mommy at halatang walang maayos na pahinga. "Salamat anak. Thank you so much. Always remember that, Mommy always love you no matter what happens", malambing na paalala sakin ni Mom. Nakangiti naman akong tumango bago ko sya inalalayan papunta sa kwarto para makapagpahinga na din. Pinahiga ko na sya at kinumutan. Hinalikan ko din sya sa noo bago ako lumabas ng kwarto. Nagtungo agad ako sa kusina at nagluto. Nagluto ako ng kare kare at menudo. Nagluto na din ako ng sinaing. Paborito ito ni Mommy kaya eto ang niluto ko. Makalipas ang dalawang oras na pagluluto, pinagdalhan ko si Mommy ng pagkain sa kwarto. Naglagay ako sa tray ng plato at kanin. Naglagay din ako ng kare kare at menudo pati na din kutsara, tinidor at tubig. Sinabi ko kay Mommy na dito na sya matulog at bukas ng hapon pag uwi ko, saka ko sya ihahatid sa bahay. Nakangiti naman syang pumayag. Nagkwentuhan din kami at paminsan minsan ay nagtatawanan dahil sa kwento nya noong bata pa ako. Sa kwarto kami kumain ni Mommy para din masabayan ko na sya. I missed her so much. Kung ganitong paraan pala kami magkakasama, mas pipiliin kong kunin ko sya at dito nalang sya sa poder ko. Mas maayos dito si Mommy. Mas maaalagaan ko din sya dahil graduating student naman na ko. Hinintay ko lang syang makatulog at lumabas na din ako ng kwarto, bitbit ang pinagkainan namin. Hindi ko maiwasang malungkot dahil sa kalagayan ni Mommy. She doesn't deserve this! No one does. Habang naghuhugas ng plato, iniisip ko kung paano ko ba kakausapin si Dad ng maayos. Alam kong sisigawan nya lang ako dahil umuwi ako. Iniisip ko din na umuwi sa bahay pero alam kong hindi pwede. Nang natapos na ko sa ginagawa, sinimulan ko na ang plates ko. Dalawa ang kailangan kong gawin kaya mabuti nalang at marami akong ininsketch kanina. Naggupit na din ako ng mga papel na ididikit sa cardboard ko. Pinakita ko din yon kay Miss at salamat naman dahil approved agad. She even praised me because of my skills. Para daw bang kakaiba ang pagkakagawa at napaka unique. Madalas teo story building ang ginagawa ko pero kadalasan, mga dream house ko na tinatanggap nila dahil ganon din ang pinapagawa sa amin. Nilabas ko sa bag ang cellphone ko at napansin ko don ang ilang text at missed calls nina Cale at Tyler. Ayoko muna silang kausapin dahil iniisip ko pa ang pagkausap kay Daddy. Ihahatid ko si Mommy at sasabihan ko sya na kung ayaw nyang kasuhan ko sya, umayos sya at tratuhin nya nang maayos si Mommy. Samantalang ang kabet nya, maayos na nakakalabas masok sa bahay namin. Ako yung nasasaktan para kay Mommy, nagmahal lang naman sya. Ano bang mali kapag nagmahal ka? Kaya ayokong subukan dahil ayokong masaktan. Ayokong sumugal lalo na kung walang kasiguraduhan. It's better to be alone than to hurt myself because of love. I don't want to lose myself because of being inlove.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD