8

2304 Words
Zachary Matthew Fabian POV "Narinig ba nya?",tanong ni Blake nang makita ko si Tyler, kaibigan ni Yvonne na nakatingin sa di kalayuan. Wala naman akong pakielam roon sa lalaking yon, pero ang mas kinakabahala ko ay kung narinig ba nya ang usapan namin ng mga kaibigan ko. It's about Yvonne. Nakwento ko sa mga kaibigan ko na hinalikan ko si Yvonne,dinalaw sa condo nya at pinagdalhan ng pagkain. Isa iyon sa mga tricks ko para hindi sya makahalata na pinaglalaruan ko lang sya. Kailangan ko ng kumilos dahil malapit na ang graduation namin. March ang graduation namin at January na ngayon. Konting konti nalang talaga at mapapasagot ko na si Yvonne. With the help of my charms, I'll make her fall in love with me to be able to hear her 3 magic words. I'll do anything just to hear that. "If he hears that, then let him",walang pakielam na sabi ko. Tiningnan naman nila ako ng masama. Nandito kami ngayon sa room namin habang naghihintay na matapos ang oras ng klase. Kanina pa sila di mapakali kakaisip kung paano kung narinig daw iyon ng kaibigan ni Yvonne. "Are you nuts? That guy is friend of Tatiana! Nag iisip ka pa ba? Paano kung marinig nya iyon at sabihin nya kay Tatiana ang plano natin? Edi buking na tayo nyan!",inis na bulong nya sakin. Kailangan naming magbulungan dahil nandito pa ang prof namin at nagpa exam. Lahat ng department ngayon ang exam, kaya paniguradong stress lahat next week pa dahil sa biglaang pag announce na maagang pag eexam! "Chill bro! Wala namang pakielam yon sa mundo. Si Tyler, hindi basta basta nadaldal yon kahit pa kaibigan nya. Mananatiling tahimik yon.",ani naman ni Blaxton. Bilib din ako sa dalawang to dahil malakas ang loob magbulungan sa klase. "Kung kailan effective na yung plano, tsaka tayo mabubuking!",inis na tugon ni Blake. Medyo napalakas ang boses nya, pero mukhang wala namang pakielam ang prof at mga classmate namin dahil ang iba sa kanila ay nag eexam pa, habang ang prof naman namin ay may kinakausap na prof sa Medicine department. Blake Ryan Carter and Blaxton Benjamin is their full names. They are the most heart throb here inside the University. Nakakalaglag panga daw ang kagwapuhan nila sabi ng mga kababaihan. At ako? Si Zachary Matthew Fabian is the most playboy. Pero ang nakakapagtaka, hindi lahat kilala ako. Hindi ako mahilig makipagkilala dahil wala namang dahilan. Marami ang nababaliw sa charms ko at iyon ang dahilan kung bakit madali silang bumabagsak sakin at madaling napapaikot. Nang matapos ang oras ng exam, pinakuha iyon ni Sir Greg sa secretary at pinadala sa prof's department ng Engineering. Maghihintay na kami para sa susunod na prof na magtuturo at magpapa exam. Mabuti nalang nakapagreview ako last week pa. Nakapagreview din ako ng ilang araw para naman makapasa talaga ako. Kailangan kong maging Engineer para narin sa family's business namin. I was just thinking if he tell Tatiana about what he heard. Hindi ko rin alam kung narinig nya ba kami nang mga kaibigan ko, pero ang inaaalala ko, hindi nya pa pwedeng malaman. "Wala akong tiwala sa kaibigan nyang yon. Halatang may gusto kay Tatiana", wala sa sariling sabi ko. Hindi na nakapagsalita ang mga kaibigan ko nang dumating na ang prof namin. Pinakisuyuan ng prof namin na ipamigay na ang mga test questionarre at pinakuha narin kami ng yellow pad. The exam went well and because I review all of my notes, I'm confident of my score. I'm sure I'll pass the exam. Sigurado din ako na exam na ngayon nina Yvonne dahil sinabi ng mga prof na lahat naman daw ay exam day na kaya lahat ay paniguradong nakahanda na para roon dahil two weeks ago kaya paniguradong nagrereview na lahat ng estudyante. Dumaan ang ilang exam sa ibat ibang subject. Nakapag lunch narin kami at as usual, kasabay ko si Yvonne. Medyo tahimik sya pero sabi naman ng mga kaibigan ko, ganon daw talaga sya. Hindi ko rin sya masusundo mamaya dahil kuya nya ang magsusundo sa kanya. Nang mayapos ang exam namin, najna na kaming umalis sa room at nagpunta sa department ni Yvonne. Baka hindi pa sya nakakauwi, aabangan ko nalang muna. "Bro, una na kami ni Blaxton. May pupuntahan pa kami",pagpapaalam ni Blake nang hindi pa kami nakakalayo sa department namin. "Ingat ka bro. Alam mo na gagawin mo", Blake remind me. "Sige na. Ingat kayo",yun lang at nauna na akong naglakad patungo sa Archi Department. Section C sila kaya medyo may kalayuan sa section namin. May mga nakakasalubong akong mga babae at nagbubulungan pero hinayaan ko nalang. Ang iba ay nagtitilian na para bang kinikilig sila na ewan. Nang makita ko na ang section nila Yvonne, napakunot ang noo ko nang makita kong nagkukumpulan sila na animong may pinagkakaguluhang artista. Malaki ang hakbang ko para marating ang pinagkakaguluhan sila at halos mahulog ang panga ko nang makitang matalas ang tingin ng isang pamilyar na lalaki kay Yvonne, habang sya naman ay nakahawak sa pisngi nya at dahil sa kaputian nya ay bakas roon ang pamumula na para bang sinampal sya. Nakipagsiksikan ako at nagtungo kay Yvonne. Nakatingin lang sya ng diretso sa lalaki na kamukha nya. Mukha itong pamilyar sakin pero hindi ko matandaan kung saan kami nagkita. "The next time you do that Tatiana, you'll going to regret it!",sigaw ng lalaki at dinuro pa si Yvonne. Blangko ang mukha nya at para bang hindi sya naaapektuhan sa mga pagsigaw ng kaharap nya. Hinawakan ko sya sa balikat at hindi naman sya nagpumiglas. "Dad, please stop. Tatiana just want to be with Tita Heaven. Please forgive my sister",pagmamakaawa ng lalaki na katabi rin namin ni Yvonne. Sa palagay ko, ito yung kuya nya. Napukaw ng lalaki na sa palagay ko ay ama ni Yvonne ang atensyon nya, nang lumipat ang tingin nya sakin. Ang galit na mukha nya ay unti unting napalitan ng pangungunot ng noo nya. Tiningnan nya ang kabuuan ko. "You, young man",biglang usal nya nang itinuro nya ako. "Yes, Sir?",magalang at mababang boses na tugon ko. "I think you're familiar hijo. What's your name?", Tanong nya. I cleared my throat before answering his question. "I'm Zachary Matthew Fabian, Sir",I answer. Tumango tango sya bago bahagyang sumilay ang nakakalokong ngisi nya na para bang may naisip na ideya. "Fabian? So, anak ka nina Elijah Evan Fabian at Samuel Fabian?" Naramdaman ko ang tingin sakin ni Yvonne. Nakakunot ang noo nya na para bang naguguluhan sa pag uusap namin ng ama nya, kung ama nya ba ito. Someone cleared throat for me to look at the man in front of us. He looks serious. "I'm the father of Tatiana. I'm Ethan Pangilinan, the owner of Pangilinan Group of Companies. Your parents and I are bestfriends. My wife is bestfriend of your mother, too. Binatang binata ka na pala talaga",pagpapakilala nya. I looked at Yvonne who's now looking at us, confused plastered on her face. "Iniwan nyo ba si Mom para lang puntahan ako dito, sampalin at ipahiya?", matigas na tanong ni Mads sa ama nya. Hinamas ko ang likod nya para pakalmahin sya, pero it looks like it's not helping. Mabilis ang paghinga nya na para bang tumakbo ng ilang kilometro. "Huwag ka nang sumagot, bunso", pananaway bulong sa kanya ng kuya nya. Hindi sya binalingan ng tingin ni Yvonne at nanatiling madilim at matalim ang mga matang pinukaw nya sa kanyang ama. "Don't call me that",may diing banta nya sa kuya nya. Para syang leon na aatake anumang oras dahil sa dilim ng tingin nya. "Grayson, let her. Kahit kailan ay bastos ang kapatid mong iyan.",may panunuyang tugon naman ng ama nila. Tumikhim ako at nag aalalang tumingin kay Yvonne. She looks so feisty but in her eyes, I see the pain on it. And I don't know if I can ease the pain that she felt right now. Tumikhim si Tito Ethan bago lumapit sa kapatid ni Yvonne na si Grayson. Hinawakan nya ito sa balikat bago kinuha ang buong atensyon. Roon ko lang napansin na nakahawak pala sya sa braso ni Yvonne. "Before I forgot, aalis na kami within next week. Sa States na kami titira, permanently. Si Zach na muna ang bahala sayo.",nakangising saad ni Tito Ethan na ikinalingon namin. Nakakaisang hakbang palang sila palayo samin nang tinawag nya ako nang hindi manlang nililingon. "Zach" "Yes, Sir?" "Ikaw na ang bahala kay Tatiana. Wala na syang aasahan samin simula ngayon. She can use my surname, I can also give her some money for her to live her life.", walang ganang dagdag ni Tito Ethan. "Tatiana",pagtawag nito sa anak nya. "Magkano ang gusto mo? Ibibigay ko sayo, huwag ka lang babalik samin. Tutal, ayaw mo namang bumalik sa bahay, diba?" Narinig ko ang pagngisi ni Yvonne bago nag angat ng tingin. "1 Billion" Kinuha ni Tito Ethan ang wallet nya at inilabas ang check bago kumapa muli sa bulsa nya at kinuha ang ballpen. Nagsulat sya roon at pumirma bago ibinigay kay Mads. "Eto na ang huling beses na pagkikita natin. Let's go, son",pagyaya nya sa anak nya bago sila naglakad paalis. Wala ng nagawa ang kuya ni Yvonne nang hatakin na sya nito paalis. Natanaw pa namin na lumiko sila bago sila unti unting nawala sa paningin namin. Ramdam ko ang tensyon room pero mabuti nalang ay tapos na. Wala nang mananakit kay Yvonne. Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang sakit sa mga mata nya at mga luhang gusto nyang takasan. Ramdam ko iyon at nasasaktan ako para sa kanya. Seryoso syang tumingin sakin bago tumalikod bago naunang maglakad. Sumunod ako sa kanya at agad kaming nagtungo sa kotse ko. Pinagbuksan ko sya ng pinto at inalalayang umupo hanggang sa sinarado ko muli ang pintuan at pumihit papuntang driver's seat. Binuksan ko agad ang pinto at pumasok sa loob bago muling isara ang pinto. Katahimikan. Yun ang bumabalot samin ngayon. "They're going to leave next week. Iiwan nila ako rito. Mag isa. ",pagsuko nya sa katahimikan. Natawa sya ng pilit bago tumingin sa akin. Nangingilid ang mga luha nya pero nagagawa nya paring pigilan. "Why don't you come with them? They're your family",mahinahong sagot ko sa kanya. Tumawa sya ng mapait na para bang joke ang sinabi ko. "Family? Am I one of them? I don't think so. Only my Mom treat me as a family and daughter",pilit syang ngumiti bago nag iwas ng tingin. Binaling nya nalang ang mga mata nya sa bintana na para bang ayaw nyang makita kong nasasaktan sya. This is the first time I saw her in pain. Everytime kasi na makikkta ko sya lagi sa University, lagi syang nakangisi. Para bang nakakaloko iyon at para bang masaya sya sa ganong paraan ng pagngisi nya pero madalas wala syang emosyon sa mukha. "My Dad never treat me as her daughter. He's always mad at me, hates me and never been sweet like the way he talks to my step brother, Grayson",pagkukwento nya. Mataman lang akong nakikinig sa kanya at para bang damang dama ko ang sakit ng nararamdaman nya. "So that Grayson is your step brother? How did that happen?",malumanay na tanong ko sa kanya. "Yeah. My Dad and his mother had an affair. Tita Angel, the mother of Grayson is the mistress of my Dad. Nagloko si Dad kay Mommy. Naunang makabuo at manganak si Tita Angel kesa kay Mom. My Mom never expect her to be pregnant kasi she thought that Dad never love him even if she is the wife, the original. But when my Dad make love to Mom, that he thought that Mom is Tita Angel, kaya nagawa nya iyon. Dad is drunk that time and Mom is the one who take care of him.",pagpapatuloy nya pa. Para bang gusto ko syang yakapin nang makita kong tumulo ang masasaganang luha sa kanyang mga mata pababa sa pisngi nya. Napalunok ako ng ilang beses na para bang may bumara sa lalamunan ko. Paano nga ba humantong ang lahat sa ganito? Paano ko ba nagawang pumayag sa dare ng mga kaibigan ko sakin? "Si Grayson lang ang itinuring nyang anak, habang ako, para bang kailangan ko pang manlimos ng kahit konting pagmamahal at atensyon sa kanya. Si Grayson ang laging inuuna nya, samantalang ako binabalewala lang, dinadaan daanan at para bang hangin lang ako sa kanya. Si Mommy, sya lang yung nakakaintindi sakin, ang laging nandyan para sakin, pero dahil mahal nya si Dad at takot din sya sa pwedeng gawin ni Daddy, hinahayaan nya nalang. Sya ang asawa at ako ang anak, pero parang kami pa ang pangalawa. Parang si Mommy pa ang kabet at ako ang anak sa labas",nahihirapang pagkukwento nya pa. Tumingin sya sakin at pilit na ngumiti. "Kaya kung wala kang balak seryosohin ako, tigilan mo na ako. Wala akong oras magmahal dahil wala akong panahon dyan. Kung nakikipaglaro ka lang sakin, tama na. Iba nalang" Umiling ako ng ilang beses bago nilapat ang mga kamay ko sa kamay nya. Pinisil ko iyon at naramdaman kong nanginginig ang mga kamay nya. "Hindi ako nakikipaglaro sayo, Yvonne. Lahat ng ginagawa ko, kusa ko tong ginagawa dahil gusto kita. Gustong gusto kita, matagal na. Kaya hayaan mo lang ako. Hayaan mo lang akong iparamdam sayo na hindi ka nag iisa. Hayaan mo lang ako na nandito sa tabi mo. Iwan ka man ng lahat, nandito ako. Hinding hindi kita iiwan. I'll stay by your side even at your worst. Pangako yan" Gagawin ko na ang tama. Pinagsisisihan ko na pumayag ako sa dare nila. Kapag nakikita ko syang umiiyak at nasasaktan, mas nasasaktan ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Pero ang malinaw lang sakin, ayoko syang nasasaktan. Ayoko syang umiiyak. Sa maikling panahon na nakilala ko sya at ngayon na mas makikilala ko pa sya, para bang isa lang ang sigurado ako, ayoko syang mawala sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD