1

2549 Words
Tatiana Caden Yvonne Pangilinan POV My name is Tatiana Caden Yvonne Pangilinan. My focus is academic and I'm also a play girl. I don't do boyfriends. Other than that, I'm one of the most dedicated students in our department which is Architecture. "Hay Tatiana! Ilang lalaki na ba pinaiyak mo? Alam mo bang may nagpunta sa unit ko at ginambala ako don dahil daw pinaglaruan mo? God! Kailan ka ba magtitino!?", panenermong bungad sakin ni Cale. Nandito kami ngayon sa cafeteria at kumakain. "Pasalamat ka, hindi kita girlfriend kundi matagal na tayong hiwalay",sabat naman ni Tyler. "Sorry ka basted ka pag nagkataon. I don't do boyfriends and serious relationships. Ang cheap tingnan.", walang pakielam na sagot ko sa kanilang dalawa. "Ano sabi mo?",biglang umalma si Cale at sinamaan ng tingin si Tyler. Agad namang nilambing ni Tyler si Cale dahil halatang selos na selos na. "Babe, wala lang yon. Sorry na. I love you",napapailing nalang ako sa kanila at kumain nalang. Baka hindi na ako matunawan sa kanila dahil sa kakalambing nila. Mabuti nalang at lunch break para naman makapagkwentuhan din kami at maipahinga ang utak namin. Katabi ko silang dalawa. Mga matalik kong mga kaibigan. Ang arrangement ng upuan namin ay tig tatlo. Si Cale, ako at si Tyler. Bale ako yung napapagitnaan nilang dalawa. "Hindi ka ba naaawa Tatiana?", nakakunot noong tanong ni Tyler. "Bakit naman ako maaawa? Kulang pa yan sa mga babaeng sinaktan nila na walang ginawa kundi mahalin sila. Pagkatapos magpakasaya, makuha ang gusto, iiwan nalang sa ere. Ako ang magiging karma nila", nakangising saad ko. Yeah, tama. Ako ang magiging karma nila. Tama lang yan sa kanila dahil kung magpalit sila ng mga babae, daig pa damit. It sucks kapag may nakikita akong umiiyak dahil sa mga kagaguhan ng mga lalaki. Walang kakuntentuhan sa katawan! "Alam mo, ikaw bruha ka talaga. Bakit ba galit na galit ka sa mga lalaki ha? Para kang dragon kung magalit. Playgirl Queen ka nga. Number one ka... ikaw leader nila.",nanggigigil na sambit ni Cale. "I hate boys, lalo na kapag pinaglalaruan lang nila ang mga babae. Lagi nalang ang mga lalaki ang naglalaro. Pwes, nagpatayo ako ng sarili kong laro at ang rules don, sila ang iiyak at hindi ako. I'm not Tatiana Caden Yvonne Pangilinan for nothing!", nakataas ang kilay na saad ko pa. I want to see them crying, begging and even kneeling. Masaya ako kapag nakikita kong umaabot sila sa ganon. Walang babaeng iiyak kapag ganon ginawa sa mga lalaki. Mga wala silang modo e! "Tama na nga yan. Nangyari na ang lahat, wag na kayo magbangayan baka kayo naman ang mag away", saway samin ni Tyler. Definitely, wala syang kinakampihan samin... he just wants us to stop arguing. "Kaya nasasanay yan dahil iniispoiled mo! Hay nako Tyler! Palibhasa hindi ikaw ang binubulabog gabi gabi", pagtataray na naman ni Cale. Napapailing nalang ako sa kanilang dalawa. Mga aso't pusa kung mag away. Nakakairita minsan pero para akong nanonood ng tom and jerry..At si Cale ang daga. Mag girlfriend boyfriend nga naman. Laging ganito set up nila,minsan naman lambingan ng lambingan. Totoo ang sinabi ni Cale kanina. Kapag may pinaglalaruan akong lalaki, sa kanya talaga tumatakbo at nambubulabog sa unit nya. May mga ganon palang mga lalaki. Maghahabol at halos lunukin ang pride, bumalik lang ang taong mahal nya sa kanya. Nakakaproud pero at the same time, mahirap paniwalaan. "Whoah the baddest girl is here", nakangising sabi ng classmate naming lalaki ng pumasok na kami sa loob ng room. Nakangisi ko silang inirapan. Wala akong oras sa mga katulad nyo! Umupo ako kami ng upuan nang tiwasay. Seryoso lang akong nakaupo don at naghihintay ng lecturer. Lumipas ang oras at nagsimula na ulit ang klase. Collage student kami at isa akong Architect student. Magaling akong magdrawing at mabilis akong gumawa ng plano pagdating sa paggawa ng bahay at mga buildings. Ilang subjects ang natapos ng matiwasay. Mabuti nalang at hindi ako nastress sa kakaisip ng design. Pinagdrawing kami ng mga plano. Maganda naman ang kinalabasan kaya mabuti na din na ganon. Sa wakas eto na ang pinakainaantay ko, uwian na. Sabay kaming naglakad palabas ng room ng makapag ayos na kami ng gamit. Dadalhin ko nalang ang gamit ko sa locker room para naman wala akong bitbit kinabukasan. Habang naglalakad, dala dala ko ang cardboard na ipapasa ko muna. Ayokong magusot dahil kailangan maayos ko itong ipapasa. Nang makita ko ang proft's department ay nauna na kong naglakad papasok. Bumati muna ako sa mga teacher bago ako dumiretso sa lecturer namin. Nakangiti syang tumingin sakin. "Miss, eto na po ang gawa ko.", simpleng sabi ko, nakangiti naman syang kinuha sakin ang cardboard na hawak ko. "As always, maaga kang nagpasa Ms. Pangilinan." "Of course, Miss. Time is gold at ayokong magsayang ng oras.", nakangising sagot ko. "Well then, very good. Keep it up, Miss Pangilinan. You're one of the best student and also dean's lister", papuri nya sakin. "Thank you Miss. Can I go out? Mauuna na po ako Miss", pormal na paalam ko. "Go ahead. Take care Miss Pangilinan", yun lang at lumabas na ko ng Archi department. Nakataas ang kilay ko nang humarap ako sa mga kaibigan ko. Hindi pa sila nakakagawa dahil daldalan ng daldalan kanina. As always, dean's lister ako kaya kailangan ko panatilihin yon to make my parent's proud. "Bow down to the queen of dean's lister.", pang aasar ni Cale. Nakangisi namang nanggatong si Tyler habang nakatingin kami sa isat isa. "I'm sure magiging proud pa lalo sayo ang parents mo. Dean's lister ang anak nila. I'm sure pati kuya mo proud na proud sayo" Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Kuya ba kamo? Never naman naging proud sakin ang parents ko well except Mom. But Dad, whatever I f*****g do, he'll never appreciate my efforts. "Una na ko. Gusto ko nang umuwi", wala sa mood na paalam ko sa kanila bago ko sila talikuran. Napabuntong hininga ako ng marahas. Kailan nga ba magiging proud ang mga magulang ko. Kailangan nga ba nangyaring sinabi nila sakin na proud sila sakin? Ang anak lang nyang lalaki ang nasabihan ni Daddy kung gaano ito kaproud sa kanya. Bumalik lang ako sa sarili ko nang marinig kong may tumawag sakin. Nang mag angat ako nang tingin, nakita ko ang tatlong lalaking diretsong nakatingin sakin. Tipid ngumiti ang tatlong ito. "Hi Tatiana", bati nung isa. Hindi ko sila kilala pero kilala nila ako. Di naman nakakapagtaka dahil Queen bee ako dito. Tinaasan ko sila nang kilay bago bumaling sa dalawa nyang kasama. Tipid ngumiti ang isa habang ang nasa gitna naman nila ay nakangising tumingin sakin mula ulo hanggang paa. Aba, mukhang matapobre tong lalaking to ah. "Bro, wag mong tingnan ng ganyan si Tatiana",saway na bulong nung katabi nito sa may kanan sa kanya. "Ahh Tatiana, pasensya ka na sa kaibigan namin ah.", nahihiyang paghingi ng paumanhin sakin Ngumisi ako ng nakakaloko roon sa gitna nilang lalaki. Nagtaas naman ito ng kilay sakin bago tingnan ang mga katabi nya at nang mapagtantong sa kanya ako nakatingin ay mas lalo syang nagtaas ng kilay sakin na para bang sinasabing 'anong tinitingin tingin ko' pero wala akong pakialam. "Zachary, right?", tanong ko don sa lalaki. "Oo bakit? At kung hindi ako nagkakamali ikaw si Yvonne diba?", tinaasan ko sya ng kilay. Walang tumatawag sakin nyan! Sumama ang tingin ko sa kanya. Hindi ko nagugustuhan ang tabas ng dila ng isang to. Nakakaamoy ako ng pagka play boy nya. Lumapit sakin ang dalawang kaibigan nito at mukhang kinakabahan pa nga. Hindi naputol ang tingin ko sa kaibigan nila. "Tatiana, pasensya na talaga sa kaibigan namin. Pagsasabihan nalang namin sya. Hayaan mo at kami ng bahala-" "Anong karapatan mong tawagin akong Yvonne, Zachary hmmm?", masungit na tanong ko sa kanya. Hindi ko inintindi ang presensya ng kaibigan nila na halatang kinakabahan na. "Ooohhhhhh ang Queen bee ng play girl, ganito pala magalit? Pakitaan mo pa ko Yvonne. I want more", nakangising pang aasar nya pa. Matalim ko syang tiningnan. "Iwan nyo muna kami", marahan kong baling sa mga kaibigan nya. Nag aalangan pa silang tumingin sa kaibigan nila bago bumaling sakin. "I said, iwan nyo muna kami" "O-Oo, Tatiana. Pasensya na talaga.", tumango pa sila bago bumaling muli sa kaibigan nila. "Bro, una na kami." Yun lang at naglakad na sila palayo samin. Lumapit sakin si Zach at nakangisi kaming tumingin sa isat isa. "Don't come near me", madiing utos ko sa kanya. Kinagat nya ang pang ibabang labi nya para maitago ang pagngisi nya. "Bakit? Natatakot ka bang mafall sakin, hmmm?", lumapit pa sya hanggang sa ilang dangkal nalang ang layo namin sa isat isa. "Ang lakas din naman ng bilib mo sa sarili mo. Hindi ako mafafall sayo. Hindi kita type", nakataas na kilay na pagpapaalam ko sa kanya. Aba, hindi ko sya type noh! Tumawa naman sya na para bang nang aasar. Nang makuntento ay ngumisi sya sakin at akmang hahawakan ang braso ko nang umiwas ako. "Play girl ka at maganda ka. Ang kaso nga lang, hindi din kita type. But we can work out for that, yeah?", natawa naman ako na para bang may clown sa harap ko. Nakakatawa talaga sya, nagagawa nyang lokohin at paniwalaan ang sarili nya. Mukhang may bagong biktima na naman ako. "You're funny. Wag mo kong susubukan at baka ikaw ang mahulog sakin", makahulugang tugon ko sa kanya. Just a little charm and sweet words and damn! Nagawa ko na ang plano ko. Simpleng 3 magic words lang, hulog na agad sila. "Wag mo din ako susubukan Yvonne, hindi ako ang lalaking inaakala mo", nang lumapit sya sakin ay nakangisi syang gumilid sakin. Ang hilig ngumisi nito. Abnormal ba to? "See you again, Yvonne", nang makaalis na sya, ay hindi ko mapigilang mapangisi at makabuo na naman ng plano sa isip ko. Humanda ka saking lalaki ka. Naglakad na ko papunta sa parking, sa kotse ko. Uuwi na ko sa condo ko. Ayoko munang umuwi sa bahay dahil paniguradong sesermonan lang ako non. Sa tuwing umuuwi ako ng bahay, lagi nalang yung anak nya sa labas ang mabuti sa paningin nya. Wala na kong nagawang tama, kaya napagdesisyunan ko na bumili na ng condo para naman hindi ko kailangan ipagsiksikan ang sarili ko sa kanila. Si Mama lang ang nakakaintindi sakin, si Daddy naman ay laging mali ang nakikita sakin. Nakarating ako sa labas ng condo ng matiwasay. Pinark ko muna yon at siniguradong maayos na bago bumaba ng kotse. Hilux red ang kotse ko. Tinted din ang pinili ko dahil mas gusto kong hindi ako nakikita sa loob ng kotse. Madalas kasi pinapasundan ako ni Daddy, kaya naman para hindi ako matunton, pinagawa kong tinted ang mga salamin ng kotse ko. Naglakad na ko papasok sa condo at pinindot ang elevator. At ilang minuto lang ay bumukas na yon. Pinindot ko ang 6th floor kung saan ang floor ng condo unit ko. Prente akong naglakad palabas ng elevator. Dulo kasi ang condo unit ko pero hindi naman ganong kahaba ang lalakarin ko. Kinuha ko ang susi nang condo unit ko nang nasa tapat na ko ng kwarto ko. Pinasok ko kaagad yon at pumasok. Hinubad ko ang sapatos ko at nilagay sa gilid ng pintuan ng maayos. Nagshower muna ako bago magbihis ng pantulog. Napapabuntong hininga nalang akong nagbihis ng matapos na akong magshower. Miss ko na si Mommy. Hindi ko lubos maisip na mangyayari to sa pamilya namin. Wala namang perpektong pamilya pero sumobra naman ang problema ng pamilya namin. Hindi ako nagdalawang isip at dinial ko ang number ni Mommy. Gusto ko syang makausap, gusto kong marinig ang boses nya. Isang ring palang ay pinick up na agad nya ang tawag ko. Ngumiti ako ng tipid habang hinihintay ang boses nya sa kabilang linya. "Hi Mom. How are you?", nakangiting tanong ko nang hindi magsalita si Mama. "Kailan ka ba uuwi anak? Miss na kita", madamdaming sabi nya. "Sa sabado po, Mom. Uuwi po ako para sayo. Miss na miss na kita Mom" "Magbati na kayo ng Daddy mo. Hindi ka na namin nakakasama. Nandito din ang kuya mo. Hinahanap ka lagi" "Mom, imposible ang sinasabi nyo. Mainit na talaga ang dugo sakin ni Daddy. Alam nyo namang si Grayson lang ang itinuturing nyang anak.",pagsasabi ko ng hinaing ko. Totoo naman, kailan nya ba ako nakita bilang anak nya? "Anak, alam mong hindi totoo iyan. Mahal na mahal ka namin ng Daddy mo. Don't ever think that your father doesn't care about you, because he is. He's your father for pete's sake anak",I got worried when Mom broke her voice. I want to say sorry, but for what? Iyon ang pinaramdam sakin ni Daddy. My step brother,Grayson, has all the favors of Dad. And me, blaming for all the headache he got from work. Ako ang sinisisi lagi kapag stress sya. Saan naman ako lulugar? "D-Don't cry mom. Sige ka iiyak din ako", pagbibiro ko sa kanya. Natawa naman sya ng mahina na ikinangiti ko. "Sige na Ma. Magpapahinga na po ako. See you on Saturday.", pag iiba ko ng usapan. Ayokong pag usapan yon dahil hindi ko pa matanggap hanggang ngayon. I heard her sigh before she speak."Alright baby. I love you",malambing na aniya. Napangiti naman ako dahil don. Damn I really missed my Mom! "I love you too,Mom",yun lang at binaba ko na ang tawag. Ngumiti ako ng tipid,kahit pilit man yon. Mabuti pa si Mommy naaappreciate mga efforts ko, samantalang si Dad, failure ng tingin sakin. Actually solong anak nya ako kay Mom. May anak si Dad sa labas. Yes, he cheated on Mom nung nalaman nyang buntis si Mom and worst nauna pang nabuntis yung babae ni Dad kesa kay Mom. Kinamumuhian ko si Dad kaya umalis ako samin at bumili ng sarili kong condo unit. Galit na galit ako kay Dad dahil hindi nya manlang naisip noon na may asawa na sya. He still cheated and make that woman pregnant! Grayson Marquez Pangilinan is the name of my half brother. Yes,gamit nya ang apilido ni Dad and he let it happen. Si Dad mismo ang kusang nagbigay ng apilido kay Grayson. Isang taon lang naman ang tanda nya sakin. I don't want to call him 'kuya' pero dahil pinagsasabihan ako ni Dad na igalang ang panganay nya, wala akong choice. Asawa nga nya,hindi nya magawang igalang. Minsan lang umuuwi di Dad dati dahil mas inaasikaso nya ang panganay nya. Bata palang kasi non si Grayson at nauna syang lumabas kesa sakin. Mom is always end up crying. Pinagbubuntis nya pa ko non but Dad just ignored her. Paano nya nagawa yon kay Mom!? He's just a jerk! Nagbasa nalang ako ng libro at nagpatugtog ng paborito kong mga kanta. Mahilig talaga ako sa music kaya nga isa akong vocalist sa school namin. I also play guitar and drums. Marunong din akong mag piano. Mom taught me that's why whenever she's sad, I always play music for her. I really love Mom kaya lahat gagawin ko para mapasaya sya kahit sa mga simpleng bagay. I end up being a play girl because I want to know if magiging masaya ba ako pag may nakita akong nasasaktang mga inosenteng tao. Gusto kong iparamdam sa mga lalaki na hindi masayang mapaglaruan ng taong totoong nagmamahal sayo. Nakakagago sa totoo lang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD