Isang linggo ang lumipas at bumalik na sila ng manila dahil marami pang trabaho si Callum. Hindi siya pwedeng magpaiwan kahit sabihin pa nito na okay lang. Masiyado na siyang espesyal kung gano'n, sumasahod siya pero halos wala siyang ginagawa. Isa pa't nagamit niya na ang milyon na health benefits niya para sa ina.
Kampante naman na siya dahil maayos-ayos na ang lagay ng ina. Si Maymay naman ay laging nakabantay sa kanilang ina.
Nasa opisina siya ni Callum. Habang nasa meeting ito ay inaayos niya muna ang mga gamit sa loob. Hindi naman sobrang dami ng kalat, inaayos niya lang ang mga papel na hindi maayos ang pagkakapatong-patong.
Napatigil siya nang pumasok si Callum kasama ang lalaking sekretarya.
"Get a ticket to Dumaguete for two. I'll check personally the property there." Lumakad ito papunta sa desk kaya umusog siya kaunti pero hinawakan siya sa bewang ni Callum kaya napatigil siya.
Pinanlakihan niya ito ng mata dahil kaharap pa rin nila ang sekretarya nito.
"Noted sir. I'll also prepare your accommodation there," sambit ni Josh ang sekretarya ni Callum bago yumuko at umalis.
Tinapik niya ang kamay nito nang hatakin siya para mapaupo sa kandungan nito.
"Nasa opisina tayo!" saway niya rito. "Boss kaya kita, hindi kita boyfriend," dugtong niya pa.
"I need a girlfriend now, baby. Can't you be my employee at the same time girlfriend? I'm the boss, here." Napairap siya dahil sa kakulitan nito. Sinubsob pa nito ang mukha sa leeg niya kaya medyo nakiliti siya.
"Pupunta tayo ng Dumaguete?" pagtatanong niya rito dahil narinig niya iyon. Duty naman niya kasi ang Samahan ito kahit saan magpunta kahit alam niyang sinadiya talaga nito iyon.
"Yes. I want to check the property I will buy. Doon kasi ipatatayo ang Korean restaurant na franchise ko galing sa south korea." Tumango siya rito. Naalala niya noong nakaraan na nasa cebu sila, iyon pala ang pinagkabu-busy-han nito. Panibagong business na naman.
"How about you, baby? What business do you want?" tanong nito habang binibigyan ng halik ang leeg niya.
Napaisip naman siya, hindi naman kasi siya nakapagtapos ng college kaya hindi niya na-explore ang sarili kung saan pa siya magaling bukod sa paglilinis. Pero kung business ang pag-uusapan, siguro gusto niya magkaroon ng apartment. Kung may sampung bahay ka at lahat ng 'yon may nakatira, eh di malaki ang kita mo monthly.
"Apartment, para monthly ang kita at sure kang may makukuhang pera lalo na pag may nakatira," ani niya.
"Okay. Let's plan that." Napatingin siya rito at ngumuso naman ito, nanghihingi ng kiss pero hindi niya hinalikan.
"Anong ibig mo sabihin?"
"Kiss me first," sambit nito. Bago pa man siya magsalita ay hinawakan na nito ang batok niya para mahalikan siya. Humiwalay rin ito kaagad at ngumiti sa kaniya.
"Let's plan about your business. If you want to be a billionaire, you should start a business, and I'll help you with that. I'm an expert with the right place to have the business you want." Kinindatan siya nito.
"Hindi pwede! Marami na akong utang sa'yo. Kahit pa sabihin mo nasa kontrata ko iyon bilang personal assistant mo, sobra pa rin 'yon!" Ito ang ayaw niya kay Callum, sobrang i-spoil siya, 'yong tipong kaya nitong ibigay kahit anong halaga na gusto niya. Pero hindi kasi siya gano'n na tao, hindi siya tumitingin sa materyal na bagay o, gaano kalaki ang pera na binibigay.
"Para ka ng sugar daddy," dugtong niya pa habang nakasimangot.
"I can be you sugar daddy, baby girl."
"Abnormal!" hinampas niya ito at balak sanang tumayo pero humigpit ang yakap nito sa bewang niya.
"But seriously, you can pay me in five years. You can have your Return Of Investment in that years because that's a good business. Babayaran mo naman ako sa magiging gastos ko pag nakabawi ka na. It's for your own good, especially for your siblings and mother. Pag may business ka, continue ang pasok ng pera sa'yo."
Napanguso siya, totoo naman kasi ang sinasabi nito.
"Pero paano kung hindi lumago? Paano kita mababayaran kung gano'n ang nangyari?"
"Be positive! Many people who don't have the money to buy a house in a day need apartments." Napabuntong hininga siya at 'di na nakipagtalo rito.
"Pag-iisipan ko..."
"Good. While you're thinking about that, now I'll find a place for your apartment." Umiling na lang siya at hinayaan na ito. Wala talagang makakapigil sa lalaking 'to.
Nagtagal pa sila ng ilang oras doon bago tuluyang umalis sa kompanya nito. Dumeretso sila sa isang restaurant at doon kumain ng hapunan. Habang naghihintay sila ng pagkain ay may lumapit na babae kay Callum kaya napatingin siya rito.
"Callum? Omg! Nandito ka nga. It's been a while, darling," maarteng sambit nito. "Hindi kita ma-contact at pagpumupunta naman ako sa bahay mo walang tao roon." Alam niya ang tinutukoy nitong bahay, 'yong temporary house ni Callum na malapit sa tinatayong mall.
Bumaba naman ang tingin niya sa mga kubyertos na nasa lamesa.
"You are?" tanong ni Callum. Gusto niyang matawa dahil paniguradong hindi ito natatandaan ng binata.
"You are kidding right? Well, three months lang tayong hindi nagkita! I'm Veronica!" binuhay pa nito ang boses pero ramdam niya ang pait sa tono nito dahil hindi ito natandaan ng binata.
"Uhm, who is she? Girl for tonight?" tumawa ito kaya napaangat siya ng tingin. Magkatabi sila ni Callum kaya nahawakan nito ang kamay niya sa ilalim ng lamesa. Okay lang naman siya, sanay na siya sa mga dating babae nito.
"No. She's my girlfriend."
"For just a day? Or a week?" tumawa ulit ito kaya mas lalo siyang nainis. "Pero feeling ko ilang oras lang?" dugtong pa nito na mas nagpainit ng ulo niya. Alam niya ang pinaparating nito, iniisip nito na for one night stand lang siya ni Callum.
"Yeah, I think so..." Napabaling naman siya ng tingin kay Callum.
"Right? So call me when you —"
"Because I'll marry her as soon as possible." Natulala siya sa binata at halos magwala ang puso niya dahil sa sinabi nito. Bumaling ito ng tingin sa kaniya at ngumiti. "And I'm damn serious about that," dugtong pa nito at mas hinigpitan ang hawak sa kamay niya.
"No freaking way!" bulalas ng babae. "You are serious? Wow! This is so hilarious! I can't believe —"
"Please excuse us, we are having a date and you're disturbing us. Pero kung gusto mo ipahatak kita sa guard, okay lang naman. I don't mind." Umawang ang labi ng babae dahil sa sinabi ni Callum. Nagpapadiyak ito bago umalis sa harapan nila. Siya naman ay tulala pa rin at iniisip ang mga sinabi ng binata.
"Hey," tawag nito sa kaniya.
"K-kung ano-ano ang pinagsasabi mo!" saway niya rito para matakpan ang pagkagulat niya.
"Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano, totoo naman ang sinabi ko," sambit nito. Hindi siya nagsalita dahil may mga nag-serve na ng pagkain nila. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib niya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ngayon dahil sa narinig.
"Baby... I do girlfriend you with marriage in my mind. Can you please say something? I'm getting nervous." Ang boses nito ay parang nagmamakaawa. Uminom muna siya ng tubig bago magsalita.
"S-sigurado ka ba? Masiyado pang mabilis... malay mo hindi pala ako ang para sa'yo —"
"Don't say that because I want to marry you immediately when I realize what I feel for you. But I don't want to pressure you. I am willing to wait, baby."
She just nodded her head. Nabigla lang talaga siya nang malaman na gusto siya nitong pakasalan. Masaya siya, iyon ang totoo, siguro na overwhelmed lang siya at nag-isip na siya ng kung ano-anong bagay.
Hindi niya lang kasi maiwasan isipin ang mga 'what ifs' dahil bago pa lang naman sila, hindi pa nga sila umabot ng isang taon. Hindi sa wala siyang tiwala kay Callum, malaki na ang tiwala niya rito dahil ramdam niya ang sinseridad nito pero hindi naman kasi natin alam ang takbo ng panahon. Kumain na sila at pinilit niyang 'wag na mag-isip ng mga bagay-bagay.
***
Dumating ang araw na flight na nila papuntang Dumaguete. Nakarating sila roon ng 10am, dumeretso sila sa hotel at nang makapasok sa kwarto ay dali-dali siyang humiga sa kama.
"Tired?" tanong sa kaniya ni Callum at pabagsak din na humiga sa tabi niya kaya natawa siya. Niyakap siya nito ng mahigpit.
"Hindi naman, kulang lang talaga tulog ko." Maaga kasi sila nagising dahil kailangan 3 hours before departure ay naroroon na sila sa airport.
"Okay, let's rest for an hour. Hapon pa naman ang punta natin sa lote," sambit nito. Tumango siya habang nakapikit ang kaniyang mata pero napadilat din agad nang may maalala.
"Makipagkita na ba ako sa kaniya?" tanong niya kay Callum. Ang tinutukoy niya ay ang ama niya. Tumawag kasi ito kahapon at gusto talaga nitong makipagkita. Ilang linggo na rin siyang nag-iisip tungkol doon.
"You should. At least see him. Nasa tabi mo lang ako," malambing na saad nito habang hinihimas ang bewang niya pataas sa gilid ng dibdib niya.
"Pagod ako," bulalas niya at inirapan ito.
"What? Wala akong ginagawa," kunot noong ani nito pero nangingiti naman ang labi. Inirapan niya ito dahil alam niya na ang galawan nito.
"Mamaya ng gabi!" Tuwang-tuwa naman nitong niyakap siya.
Nakapag-decide na siya, haharapin niya na ito pero hindi ibig sabihin no'n ay papatawarin niya agad ito. Gusto niya lang malaman kung bakit wala itong paramdam sa kaniya noon. Gusto niya malaman ang side nito.
Hindi na siya nakatulog kaya kinuha niya na lang ang cellphione niya at tinext ito. Nag-reply naman ito agad at tinanong kung nasaan siya ngayon kaya sinabi niya na nasa Dumaguete siya at may trabaho.
From 0905xxxxxxx
Let's meet at dinner. I'm in Bacolod right now, so I can drive there later. Thank you, anak.
Binaba niya ang cellphone at hindi na ni-reply-an ito. Hindi na rin siya nagtanong kung bakit nasa Bacolod ito. Pinikit niya ang mata at niyakap si Callum na nakatulog agad.