Nakatulala lang siya hanggang sa makauwi sila ni Callum sa hotel room. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari ngayon. Gusto niyang matawa at gusto niya ring umiyak.Akala niya okay na, akala niya magiging masaya na siya. Hindi ba pwedeng tumagal tagal muna ang kasiyahan niya bago na naman siya bigyan ng pagsubok? Masiyadong masakit ang nangyayari ngayon. "Baby," tawag sa kaniya ni Callum at tiyaka siya niyakap. Parang switch iyon dahil doon na bumuhos ang luha niya.Napayakap siya ng mahigpit sa binata. Binuhos niya lahat ng sakit na nararamdaman niya. "I'm sorry... I'm sorry, baby." Umiling siya rito, gusto niyang sabihin na hindi naman nito kasalanan pero walang lumalabas na salita sa bibig niya. Sobrang bigat ng puso niya. Halo-halo ang emosyon niya ngayon, pakiramdam niya ay babagsak n

