“Oh, magbihis ka na. ’Diba magswi-swimming ka?” pahayag ni Joel sa asawa. Pagkarating nila sa kanilang suit. Iniabot pa niya ang paper bag kay Britney. Ngunit hindi iyon tinanggap ng asawa. Sa halip humilata ito sa kama. Ipinatong na lamang niya iyon sa sofa at ang wine ay center table saka kinuha ang cellphone sa bulsa ng pantalon. Tumawag siya sa room service, upang magpadala ng baso at ice. Matapos tawagan ni Joel ang room service. Tinungo naman nito ang kama at tumabi sa asawa. Hinubad niya ang sapatos nito at hinila sa gitna ng kama. “Isukat muna ’yong swimsuit na nabili natin. Gusto kong makita,” mahina niyang sabi sa asawa. Humiga na rin siya sa tabi nito. “Mamaya na. Kapag mag-swi-swimming na ako. Para isang pagod lang saka tinatamad pa ako ngayon. Magpahinga muna tayo. Mag-swi

