Eighteen Diwata's POV Uuwi na sila sa Nueva Ecija, ng makalabas siya sa ospital. Tapos na kasi ang mission nila sa Manila, umuwe na nga din ang iba niyang kasamahan. May mga nagbabantay pa din naman kay Lance pero mga Manila Pulis na ang mga ito na pinadala ng Chief of Police nila. Pero bago siya tuluyan na umuwe naisip niyang puntahan muna si Lance sa kwarto nito. mula kasi ng mailigtas ito sa pagkakadukot dito hindi na sila nagkita na dalawa. Pinagbawalan kasi niya ito, ayaw din kasi niyang makita siya ni Lance na nanghihina. Hindi pa siya magaling noong sumugod sila noon para iligtas si Lance. Nagpumilit lang siya noon, nang malaman niyang nawawala si Lance ng magising siya. Kahit na anong pigil sa kanya ng mga magulang niya at mga kapatid hindi pa din siya nagpapigil na hindi suma

