DIEZ

2049 Words
Chapter Ten Kasalukuyan ako ngayong nasa classroom at nakatingin lang sa mga kaklase kong nag iingay, wala pa kasi ang guro namin para sa araw na ito dahil pag uusapan na daw ang mangyayaring Anniversary sa susunod na linggo at busy na ang lahat. Nag pakawala ako ng buntong hininga at tumingin sa labas ng bintana at tanaw ang malawak na field ng school kung saan may mga nag tatayo ng nga boots nila na gagamitin. Hindi parin ako mapakali nitong mga nakaraang araw, ng makauwi kasi ako sa bahay ay nandun parin ang tatlo at nag aalala sila sakin kung ano ang nangyari at mas ikinagulat nila na may bitbit akong bata. Naalala ko pa kung paano ako pag pyestahan ng tatlo na 'yon dahil umalis daw ako ng umaga ay mag isa lang ako at babalik ako ng may dala ng bata. ~•~•~•~ "Queen saan kaba nanggaling?" Nag aalalang tanong sa akin ni Neon pero hindi ko siya pinansin at diretsong nagtungo sa kwarto ko at inilapag doon si Charlotte na mahimbing ang tulog. "Queen nag aalala kami sayo? Saan kaba nanggaling?" Pagtanong ni Jullius na nakasunod pala sila sakin, sinenyasan ko silang tumahimik at lumabas kami ng kwarto ko. "Queen ano ba nangyari sino ang batang yun?" Tanong naman ni Gray, napabuntong hininga nalang ako at hinarap sila. "Pwede ba isa isa lang ang tanong? Kumalma kayo ok?" Nanghihinang wika ko sa kanila. "Queen naman kasi kanina kapa namin hinahanap pero hindi ka namin makita tapos uuwi ka ng gabi may bitbit na bata?" Hindi makapaniwalang wika sa akin ni Jullius kaya natawa ako. "Chill ok? Nag ikot ikot lang ako and something came up, nasa bahay ako ni Ace kaya hindi niyo ako nahanap, nakatulog din kasi ako sa pagod" pagsisinungaling ko sa kanila maliban sa part na nasa bahay ako ni Ace. Nanlalaki ang mata nila at hindi sila makapaniwalang nakatingin sakin kaya tinaas ko ang kilay ko sa kanila. "Ace? You mean yung SSC commander?" Pagkukumpirma ni Neon na tinanguan ko, sabay sabay silang napasinghap na ikinataka ko. Nagulat nalang ako ng sabay sabay nila akong iikot at tiningnan ang buong pagkatao ko. "Wala bang masakit sayo Queen? Bakit ba kasi hindi mo sinabi sa aming may gagawin pala kayo sana hindi kami nag aalala" wika ni Gray na ikina kunot ng noo ko. "Ano bang pinagsasabi mo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya pero hindi niya iyon pinansin at nagtanong ulit. "Tell me Queen masarap ba? Kailan pa bayan? Ang bilis mo naman kasi dumamoves! Hindi naman inexpect na may anak na pala kayo" binatukan ko siya ng pag kalakas lakas dahil sa kalokohang sinasabi niya. "Magtigil nga kayo! Anong masarap? Baliw na ba kayo? At sinong anak? Si Charlotte? Jusme hindi ko anak yun!" Protesta ko sa kanila at sabay sabay silang nag tawanan. "Joke lang yun Queen alam naman namin, ano ba kasi ang nangyari at bakit magkasama kayo ni Commander?" Tanong ni Jullius kaya wala akong choice kundi mag kwento. ~•~•~•~ Hindi ko sinabi sa kanila na niligtas ko si Charlotte, ang sinabi ko nawawala siya at tinulungan ko, sakto naman na nakita kami ni Ace kaya tinulungan niya ako kaya kami mag kasama. Halata namang hindi sila naniniwala sa kinuwento ko pero hindi na rin sila nag tanong at tumango nalang sakin. Binuhos ko ang buong linggong maghapon na kasama silang tatlo at si Charlotte, sinabihan ko si Neon na alamin kung kaninong kapatid o anak si Charlotte na sinunod naman niya, sinabihan ko rin siyang huwag ipaalam sa faculty members at mag antay nalang kung may mag report ng nawawalang bata. Napag usapan naman naming tatlo na mag salitan sa pag aalaga, si Jullius muna ngayon at bukas ako at sunod si Gray, medyo naguilty nga ako at may gagawin si Jullius para sa Section pero ang sabi niya ok lang daw yun. Nagulat ako ng tumahimik ang buong klase at sakto naman ang pag pasom ng professor namin kaya umayos na ako ng upo sa aking upuan. "Good morning everyone, I have an announcement for today's agenda and for the next upcoming days" wika nito at nag umpisan ng magbulong bulungan ang mga kaklase ko. "Ehem!" Pagtikhim niya at seryosong tumingin sa amin," there will be no classes today and for the following days" pag aanunsiyo niya at nag sigawan naman ang mga kaklase ko sa tuwa. "But you have an Activity, I want you to group yourselves into 5 groups since 30 tayo sa klase 6 members in a Group, each group will present the section in the Festival na gaganapin sa susunod na linggo, Do you understand?" Tanong niya natinanguan naman ng mga ito. Napabuntong hininga ako dahil Groupings nanaman at wala akong kakilala o ka close manlang sa klase namin. "Now group yourselves and send me the member list, Goodbye" paalam niya at lumabas na ng classroom, nag umpisa ng mag usap usap ang mga kaklase ko at bumuo ng grupo. Yumuko nalang ako sa mesa ko dahil wala akong balak na makisali sa kanila dahil una sa lahat hindi naman ako ganun friendly lalo na kapag ayaw ko sa ugali ng kasama ko. Nagulat nalang ako ng may kumatok sa lamesang dino dukdukan ko kaya napa angat ako ng tingin at nakita si Theo na may ngiti sa labi. "Partner!" Bati niya at kinindatan ako kaya napangiwi nalang ako sa kanya at nahihiyang ginantihan siya ng ngiti. "Grupo ka samin tara" aya niya at tinuro ang mga kaibigan niyang nakatingin sa akin, nagtama ang mata namin ni Ace na seryoso ang mukha kaya napa busangot ako. "Hindi na ok lang ako" wika ko sa kanya pero umiling iling siya sa harapan ko. "Wala ka ng ibang magiging ka grupo, tsaka lima lang kami at ikaw nalang ang walang grupo kaya tara na" Hinatak niya ako patayo at itinuro ang mga kaklase naming may sarili ng mga grupo na nakatingin sakin, masama ang tingin sakin ng ibang babae kaya napabuntong hininga nalang ako at sumunod sa kanya at nagtungo sa grupo nila. "Hi!, Welcome to the Group" masayang wika ng isang babae at nag lahad ng kamay, "I know na hindi pa tayo ganun mag kakilala, My name is Kimberly Rosette, call me Kim" Tinanggap ko ang kamay niya at ngumiti, "By the way this is my friends, Zia Quinn, Ace Zachariel Delice, and Shawn Solerio" pagpapakilala ni Kim sa mga kasamahan niya. "Allison Blair, call me Allison or Al" pagpapakilala ko sa kanila, inilahad ni Theo ang isang upuan sa akin at doon ako umupo. Pinag usapan namin ang mga pwede naming gawin at ang final ay kakanta kami, wala naman akong magagawa dahil banda sila dati sabi ni Theo. "Can you sing ba Al?" Tanong ni Zia na nahihiya akong tinanguan, marunong naman akong kumanta dahil nag take din ako ng voice lesson nung bata dahil sa kapit bahay naming mahilig din kumanta. "Can you show us?" Nangingiting wika ni Theo, akmang hihindi sana ako ng humahangos na si Jullius ang sumalubong saakin sa may pintuan ng Classroom. "Queen!" Tawag niya sakin at habol ang hininga akong tiningnan, nagulat nalang ako ng lumabas sa likuran niya si Charlotte na maluha luha ang mata. "Mommy!" Napatigil ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinigaw ni Charlotte, nagtataka namang napa baling saakin ang mga kaklase kong nakarinig ng sigaw. Yumakap sa binti ko si Charlotte kaya binuhat ko siya agad, niyakap niya ako ng mahigpit kaya hinimas ko ang likod niya para patahanin siya sa pagiyak. "Miss you mommy!" Nakangiti ng wika niya kaya nag aalinlanagan akong ngumiti dahil sa itinawag niya sakin, pero ang mas nag palaglag ng panga ko ng bumaling siya kay ace at sumigaw. "Daddy!" Halos nanlumo ako sa narinig ko at napasinghap ang mga kaklase ko pati ang mga kasama niya pero mukhang baliwala lang iyon sa kanya. Kinuha niya sa kamay ko si Charlotte at niyakap, mahilig naman ako sa bata dahil cute sila pero hindi ko alam ang nararamdaman kong kahihiyan sa oras na ito, parang gusto ko tuloy lamunin nalang ako ng lupa sa kinatatayuan ko. Lumapit ako kay Jullius at hinigit siya sa kwelyo at binulungan, "anong sinabi mo kay Charlotte ng magising? Bakit ganyan ang tawag nya samin?" Tumawa lang siya ng mahina at nahihiya akong tiningnan, "Ah-Eh, ano kasi Queen, Si Gray ang nagsabi sa kanya niyan kanina ng pumunta sa Bahay mo" Napakuyom na lang ako ng kamao, pinikit ko ang mga mata ko para pakalmahin ang sarili dahil sa kalokohan ng lalaking iyon na sagad hanggang buto, dinamay pa ako. "Bakit mo dinala dito?" Nagtitimping tanong ko sa kanya at tinuro si Charlotte na kalong ni Ace habang nilalaro nila Zia at Kim. "Kasi Queen iyak ng iyak sa bahay mo hinahanap kayong dalawa ni Commander" paliwanag niya, napatango nalang ako at sinenyasan siyang lumayas at ako na ang bahala kay Charlotte. "Sorry about that, si Gray ang may kasalanan" wika ko kay Ace at marahang yumuko sa kanya, tinaguan niya lang ako at inabot sakin si Charlotte na malugod ko namang tinanggap. "She's cute, are we going to babysit her for the meantime?" Tanong ni Kim, nagkatinginan kami ni Ace pero si Ace na ang sumagot sa kanya. "Yeah, I guess?" Yun lang ang sinabi niya at nagkibit balikat ang mga kasama niya. "So baby, paano mo naging mommy si Allison at Daddy si Ace?" Pag uusisa ni Zia at makahulugan kaming tiningnan pareho kaya napailing nalang ako. "Its a Long story, plus hindi niya ako mommy si Gray lang ang nagsabi nun" paliwanag ko na tinanguan nila, alam kong hindi sila naniniwala sa sagot ko pero hindi na sila nagtanong. "Mommy let's walk" pag aya sa akin ni Charlotte na inilingan ko naman agad dahil may mga kailangan pakaming pag usapan sa performance na gagawin namin. "No Char-baby, may school pa si Mommy marami akong gagawin" paliwanag ko sa kanya, nag iling lang siya at nag simulang manubig ang mata kaya nataranta ako. "It's alright, we're gonna babysit her for the meantime so let's go out" wika ni Ace at tumayo na, sumunod naman ang mga kasamahan niya at ako bitbit si Charlotte. Bumaba na kami ng building atsaka ko lang binaba si Charlotte dahil nabibigatan na ako sa kanya, napabuntong hininga nalang ako at naglakad kasama siya papuntang field. "Ayos ka lang ba Partner?" Tanong ni Theo sa tabi ko, "if you want ako muna ang magbantay diyan sa bata" offer niya at nilapitan ito. "Hi i'm Kuya Theo, gusto mo buhatin kita?" Offer niya dito na marahas namang inilingan ni Charlotte. "No! Daddy!" Tili nito at hinatak ako papalapit kay Ace na natigil sa pag lalakad dahil sa sigaw ni Charlotte. "Daddy I want!" Wika nito at hinawakan sa kamay si Ace, bibitawan ko na sana si Charlotte para ibigay kay Ace pero hinatak ako ng batang ito papalapit kay Ace at pinag hawak ang kamay na min na ikina tigil ko. Agad ko namang binawi ang kamay ko sa kanya pero ikinatigil ko ng pigilan niya yun, "Dont make her cry, let's just get this thing done" wika niya at binuhat si Charlotte. Tahimik lang ako at nakayuko habang naglalakad ng nakayuko, buhat buhat niya si Charlotte ng isang kamay at hawak niya ang kamay ko, maraming estudyante ang nakatingin sa amin at ramdam ko din ang tingin ng mga kaibigan niya sa amin. Nagpakawala nalang ako ng buntong hininga, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga oras na ito, nahihiya ako sa kanya dahil sa pagkakahawak niya sa kamay ko at the same time sa mga estudyanteng nakatingin. May mga babae din akong napapansing masama ang titig sa akin, papatayin ko talaga si Gray kapag nagkita kaming dalawa! Grabe ang kahihiyang inabot ko dito dahil sa kalokohang sinabi niya kay Charlotte. Hindi ko naman kasi masabihan si Charlotte dahil kada hindi masusunod ang gusto niya ay bigla nalang siyang maluluha at bubulahawa ng iyak na hindi ko naman kayang tiisin. Maybe gagawin ko nalang ang sinabi ni Ace, tatapusin ko lang lahat ng mangyayari sa araw na ito, pero kahit na hindi madali yun sana mabilis ng itong matapos dahil may gigilitan pa ako mamaya pag uwi sa bahay. micxyine | L.A
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD