Chapter Eleven
Natapos na ang group meeting ng maaga dahil nabuburyo na si Charlotte, hindi rin naman kami nakapag usap usap ng maayos dahil mas gusto nila Zia at Kim kausap si Charlotte kesa daw sa mga kasamahan nilang lalaki.
Medjo nagkakasundo kami ni Zia dahil sa Archery na pinag usapan namin ng lunch break dahil sa kanila na ako sumabay kumain. Ang galing daw ng ginawa ko nung activity namin sana daw pala mas ginalingan niya nung time nayon, hindi naman daw nya inexpect na mag gagawa ako ng ganong klaseng pakulo sa activity.
Wala pa naman kaming iniisip na kakantahin dahil hindi pa masiguro kung ano ang instruments na gagamitin nila para sa amin, dahil ako at si Ace ang main vocalist.
Nandito ako sa bahay ko dahil pinatulog ko na si Charlotte, hindi ko alam kung may balita na ba tungkol sa kamag anak ng batang ito. Naging instant baby sitter na kasi ako at sila Neon nadagdagan pa ng SSC committee dahil kanina.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng bahay ko at iniluwa noon si Jullius na lukot ang mukha at halatang pagod.
"What are you doing here?" Taas kilay ko dahil bigla bigla nalang silang pumapasok sa bahay ko nitong mga nakaraang araw at feel at home pa sila.
"I came to check on you Queen, sorry kanina kasi hindi ko nabantayan si Charlotte" pag hiningi niya na tinanguan ko lang, "its alright, may kasama naman ako kanina"
Wika ko at sumimsim ng kapeng ginawa ko, hinihintay ko lang si Neon para sa balita at mamayang gabi na ako mag iimbestiga para wala ganong makakita sa akin.
Bumukas ulit ang pinto at iniluwa niyon si Gray na may malokong ngiti sa labi, nakatingin sa akin si Jullius at napangiwi ng makita ang halos umusok kong pag mumukha.
Naalala ko nanaman ang sinabi ni Jullius sa akin na ideya ni Gray ang tawagin akong 'mommy' at si Ace ang 'daddy', grabe ang hiyang inabot ko sa buong tropa niya at sa mga estudyanteng nandoon sa field ng magkahawak kamay kaming naglalakad.
"How's your day Queen? Did you enjoy it?" Nakangising wika niya kaya mas lalong umusok ang ilong ko, pumikit ako ng mariin at marahang tumayo at pumunta sa kusina at dinampot ang kutsilyo doon at itinago sa likod ko.
"My day seems nice!, Pero may kulang eh" mahinahong wika ko at makahulugang tumingin sa kanya, umatras naman si Jullius ng mapansin ang itsura ko.
"Anong kulang Queen, tell me and Jullius" may ngising wika niya at inangat angat pa ang kanyang dalawang kilay. Nginisihan ko lang siya ng nakakaloko at nilabas ang kutsilyo sa likod ko na iki-nawala ng ngisi niya.
"I'll cut you into cubes, you Brat! How dare you say that to a five year old kid and embarrass me in front of many students?!" Galit na sigaw ko sa kanya at hinabol siya ng kutsilyo.
Dumiretso siya sa may pintuan kaya binato ko iyon doon, sakto naman ay nabuksan niya iyon dahilan para lumipad palabas ang kutsilyo na nagpatigil sa akin.
Napangiwi ako ng makitang tumigil iyon sa mukha ni Ace na hindi ko alam kung anong ginagawa sa tapat ng pinto ko, nagtataka din si Gray ng makita niya siya doon at pinagbuksan ng malaki ang pinto.
"What are you doing here?" Taas kilay na tanong ko sa kanya, ito kasi ang unang beses niya na pumunta dito at wala pang pasabi, plus hindi kami close.
"Why are you throwing knives?" Balik na tanong niya na inirapan kolang. "Anong paki mo?" Balik na tanong ko dito.
Puno na ako sa kahihiyang nangyari sakin kanina, una sa pagtawag sa kanyang 'daddy' ni Charlotte at pangalawa ang pag hawak kamay namin sa harap ng maraming estudyante.
"Paano kapag natamaan si Charlotte?" Seryosong wika niya dahilan para mapa-ngiwi ako. "She's asleep, what do you want ba?" Tanong ko sa kanya.
"Paano kung nagising yung bata tas tinamaan mo? Nag iisip kaba?" Seryoso paring wika niya kaya napairap nalang ako.
"For f***s sake ano bang kailangan mo at nandito ka?" Naiiritang tanong ko dahil kapag tinanong ko siya tatanungin din niya ako at wala ng katapusan iyon.
"I came here to check on her, bakit ano bang iniisip mo?" Pilyong ngiti niya sa akin dahilan para mapa ngiwi ako sa taas ng tingin niya sa sarili, naramdaman ko namang tumindig ang balahibo ko sa batok na mas lalong nag pangiwi saakin.
"Gosh kinilabutan ako, ano bang sinasabi mo? Charlotte is fine, ok? Alis na" pagtataboy ko sa kanya at tiningnan pati sila Jullius at Gray. "Kayo din Layas! Ayoko ng bulabog!"
Yumuko muna sakin si Jullius at nagpaalam, nginitian naman ako ni Gray at akmang babatukan ko siya pero tumatawang tumakbo na siya papalabas.
"Bye Queen!" Sigaw pa nito habang kumakaway patakbo paalis, tiningnan ko naman ang lalaking nakatayo parin sa harap ng pinto ko na hindi manlang ata gumalaw sa pwesto niya.
"Ano pang inaantay mo?" Taas kilay na tanong ko sa kanya ng mapansing nakatingin lang siya sakin pero ngumisi lang siya at pumasok sa bahay ko.
"Anong ginagawa mo? Lumayas kana!" Pagpapaalis ko pero hindi siya nakinig at dumiretso sa sofa."Where's Charlotte?"
"Nasa kwarto ko bakit?" Balik na tanong ko sa kanya at nagtaas ng kilay, tinalikuran niya lang ako at pumasok sa kuwarto ko ng hindi nag papaalam kaya sinundan ko siya.
"Ano bang gusto mo? Trespassing kaya ang ginagawa mo!" Singhal ko sa kanya pero nilapitan niya lang si Charlotte na mahimbing na natutulog.
"I told you I came to check on her" walang ganang wika niya sa akin habang nakatuon ang buong atensyon kay Charlotte, hinihimas niya lang ang buhok nito at mariing tinitingnan.
Hindi ko alam kung may idea ba siya kung saang kwarto siya pumasok, For Goodness sake sa kuwarto siya ng babae pumasok at kawalan ng respeto ang biglaan na lang pagpasok doon.
"Kumain naba kayo?" Tanong niya out of nowhere na napakurap sa akin ng ilang beses bago siya sagutin.
"No, mag six palang naman kaya mamaya pa kami kakain" wika ko habang nagtataka sa tanong niya, tumayo na siya at tiningnan ako.
"Where's the kitchen?" Tanong niya kaya tinuro ko ang labas ng kuwarto ko, lumabas naman siya agad at ako ay nagtataka lang siyang sinundan hanggang sa kusina.
"What are you doing?" Tanong ko ng naglabas siya ng mga sangkalan, sandok at iba iba pang gamit sa pagluluto.
"You're her 'mommy' why aren't you preparing dinner for her? Children should eat at the right time everyday" he said and Tsked, before turning his back on me and start preparing food for dinner
"Dont tell me you're doing this because you're her 'daddy'?" Naka-ngiwing tanong ko sa kanya emphasizing the word 'Daddy', sa paraan ng pagsasalita niya kasi ay parang napaka pabayang tao ko kay Charlotte.
"Yeah and so? She thought of me as her Father and I'm doing my best to fulfil my part" walang ganang wika niya na nagpairap sa akin.
"It's just a children wild imagination and also a play to her, hindi mo kailangan seryosohin ang mga ganong ka simpleng bagay" paliwanag ko at kinuha ang apron sa kabinet dahil baka madumihan ang t-shirt na suot niya, puti pa naman sayang.
"At least you should be thankful dahil mataas ang tingin niya sayo at tinuturing ka niyang mother, can't you see? She's fond of you to the point na hinanap ka niya kanina habang nagkaklase" sagot niya sakin pero hindi ko sinagot. Inabot ko sa kanya ang apron pero taka niya lang ang tiningnan.
"Use this para naman hindi madumihan yung Tshirt mo nakakahiya sa maglalaba" wika ko na sinuot naman agad niya. Umupo ako sa dining table habang pinapanood siya habang nag hihiwa ng mga gagamiting rekados sa kung anong putahe man ang lulutuin niya.
"Bakit ba hindi ka nagluto? Paano kapag nagising si Charlotte at nagugutom anong papakin mo?" Tanong niya na hindi ako binalingan.
"I don't know how to cook" yun lang ang sagot ko dahilan para tumingin siya sakin at taasan ako ng kilay. "So sino nag luluto dito kapag dinner? Dont tell me hindi ka kumakain?" Tanong niya sa akin.
"Si Neon ang Chef sa breakfast dahil alas siyete palang bulabog na sila dito, siya din ang nagluluto kapag gabi at sinasamahan nila ako kumain" paliwanag ko sa kanya.
"So you live here like a princess and they were your knights" hindi makapaniwalang wika niya at bumalik na sa pagluluto.
Pinanood ko lang siya buong oras na nagluluto siya hanggang sa matapos ang niluto niyang tatlong putahe, siya narin ang naghugas ng pinaglutuan at naglinis ng kalat niya. Gusto ko sana sabihin sa kanyang ok na ang una niyang niluto dahil sa dami ng kinuha niya sa ref ko at kabibili ko lang noon noong nakaraang linggo.
"Gisingin mo na si Charlotte para makakain na, sasabay na ko sa inyo ako naman nag luto" walang ganang wika niya na tinanguan ko nalang.
Pumunta na ako sa kwarto ko at ginising si Charlotte, lutang pa siya ng una pero ng makita niya si Ace ay medyo nagliwanag ang mukha niya at kinausap ito ng kung ano ano.
Sinandukan ko na ng konting kanin si Charlotte at nilagay sa plato niya sinamahan ko narin ng ulam iyon, sinandukan ko naman ng kanin si Ace at bahala na siya sa buhay niya bago nag sandok ng para sa akin.
Tahimik lang akong kumakain at ang hindi ko lang ginalaw ay iyong Spicy beef dahil matapang ang pagkakalagay ng rekado at lasang lasa ang anghang.
"Why don't you eat some beef hindi puro ka halaman" komento niya ng mapansing puro gulay ang nasa pinggan ko. Agad akong napangiwi ng marinig ang tawag niya sa mga gulay.
"Gulay yan at hindi halaman" pagtatama ko sa kanya at sumubo ulit ng kanin.
"I know, why don't you try eating some meat? Kaninang lunch you order some salad at gulay iyon" napailing nalang ako sa sinabi niya. It's not that I don't eat meat.
Its just too spicy for me to take, sasakitan ako ng tiyan kapag kumain ako, its been my problem since i was a kid sa hindi malamang dahilan kaya hindi na ako kumain.
"Too spicy bawal ako dun" paliwanag ko sa kanya at tinaasan niya ako ng kilay na hindi makapaniwala sa sinabi ko
"Why did you eat the Sweet and Spicy Pork bowl na ginawa ko sayo nung nakaraang araw?" Taas kilay na tanong niya sa akin kaya binalingan ko siya ng tingin.
"Its sweet and spicy, hindi siya ganong kaanghang kaya nakaya ko" paliwanag ko, akmang mag sasalita siya ay bigla nalang kumalabog ang pinto at pumasok doon ang mga lalaking naka itim.
Agad akong napatakbo kay Charlotte para itago siya at ganun din ang ginawa ni Ace at hinarangan kaming dalawa at tinago sa likod niya.
"Stay back both of you, find a place to hide or any exit" seryosong wika at kinuha ang kutsilyo sa may tauban at itinutok iyon sa mga lalaki.
"I can fight!" Wika ko na marahas niyang inilingan at sinamaan ako ng tingin.
"Are you stupid? May kasama kang bata? Ano iiwan mo?" Galit na wika niya at sinugod ang mga lalaki ako naman ay nag tungo sa kwarto ko bitbit si Charlotte.
Ni lock ko ang pinto na iyon para walang makapasok, rinig ko dito ang ibat ibang daing ng mga lalaki sa labas dahil sa pakikipaglaban ni Ace. Tinungo ko ang ilalim ng kama ko at inilabas ang maletang nag lalaman ng mga personalize weapon ko.
Kinuha ko ang isang baril doon at sinalangan ng bala, hindi ito ordinaryong baril dahil ang mga balang lalabas dito ay mga nalulusaw kapag tumagos sa katawan ng tao, dahil sa mga muscles sa tissue ng katawan nalulusaw ang bala, nagiging tubig ito at may kakayahang makapag paralisa ng sino mang tatamaan.
Kinuha ko iyon at humarap kay Charlotte na umiiyak, niyakap ko siya at pinatahan. Tumingin ako sa may pinto at bumuntong hininga.
"Stay here" wika ko sa kanya at lumapit sa may pinto, binuksan ko iyon at nakita si Ace na nakikipag palitan ng suntok at umiiwas sa isang lalaking may hawak na patalim.
"Ace!" Sigaw ko at binato sa kanya ang baril, nag tataka man ay ginamit parin niya iyon at binaril ang nasa harapan niya, nagulat pa siya ng walang lumabas na dugo mula noon pero binaril niya ang iba.
"Mommy" nagulat ako sa narinig at napabaling kay Charlotte, nakita ko ang isang lalaking sasaksakin sana si Ace pero binato ko sa kanya ang Vase na nasa malapit sa akin dahilan para bumagsak ito.
Naramdaman ko nalang na may bumaon sa kaliwang dibdib ko malapit sa balikat at nagsimulang umagos ang dugo doon, nanginginig ang mga kamay kong hinugot ang dagger na nasa katawan ko at binato iyon sa lalaking nasa kaliwa ko na nag bato niyon sa akin at saktong tinamaan siya sa ulo.
Niyakap ko si Charlotte at pinasok sa loob ng kwarto ko at pinatahan, kailangan kong patigilin ang pagdurugo ng sugat ko pero mas kailangan ko muna bantayan si Charlotte hanggat hindi pa ligtas sa labas.
"Mommy I'm scared" umiiyak na wika ni Charlotte sa akin kaya niyakap ko siya ng mahigpit, kumirot ang sugat ko pero hindi ko iyon pinansin.
"Everything gonna be alright baby, daddy and I were gonna do everything to keep you safe ok?" Tanong ko na marahan niya tinanguan, wala na kong pake sa kalokohan ni Gray basta masaya si Charlotte sasakyan ko nalang.
"Everything's done, let's go before they call for a backup!" Sigaw ni Ace sa may pintuan kaya tumayo na ako at binuhat si Charlotte na agad naman niyang kinuha saakin.
"Saan tayo?" Tanong ko sa kanya ng makalabas kami ng bahay, "in my house, its the safest place i can think off"
Hinila na niya ako papunta sa kung saan at ilang minutong pagtakbo ay nakarating kami sa bahay niya, inilapag niya sa center table ang baril at binaba sa sofa si Charlotte at pinatahan.
"What are we going todo?" Tanong ko sa kanya, madungis na ang damit niya ngayon hindi katulad kanina at lukot lukot narin.
"Dito muna kayo pansamantala, dun ka ulit matulog sa kwarto na pinagdalhan ko sayo, sa kuwarto ko matutulog si Charlotte" yun lang ang sinabi niya at nagtungo sa kusina.
Nilapitan ko si Charlotte at hiniga sa sofa, hinele ko siya at pinatulog para makalimutan niya ang mga nangyari dahil masyado pa siyang bata para maka-saksi ng ganitong pangyayari.
"Where did you get that gun?" Wika ni Ace na bagong dating, tumayo na ako ng tulog na si Charlotte at hinarap siya.
"I created it myself" yun lang ang sinabi ko sa kanya, taka niya akong tiningnan sa mukha na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"We'll have a meeting with the SSC later so you better be prepare" yun lang ang sinabi niya at akmang aalis na ng pinigilan ko siya.
"May First-aid kaba?" Tanong ko sa kanya na ikinakunot noo niya, "I'm bleeding hello?" Pag turo ko sa sugat ko sa may kaliwang dibdib na nagpamura sa kanya.
Umalis siya duonat umakyat sa ikalawang palapag, tahimik na nakatingin sa kanya habang hinihimas ang buhok, dumukwang ako ng konti at hinalikan siya sa noo, I hope everything will be alright.
micxyine | L.A