QUATRO

2157 Words
Chapter Four "Allison!" Napatingin ako sa may Pintuan ng Classroom at nakita ko si Neon na masayang kumakaway sa akin kaya napabuntong hininga nalang ako dahil naririnig ko dito ang bulungan ng mga bubuyog kong kaklase. Hindi naman ako nahirapan hanapin ang classroom namin dahil may mapa sa Bulletin Board plus nakita ko na ang mga building na ito kahapon ng inilibot ako ni Neon. Inayos ko na dalawang librong naka kalat sa lamesa ko at tumayo na, naramdaman kong may nakatingin sakin kaya iniikot ko ang paningin ko. Maliban kasi sa mukhang Fans Club ni Neon ay may isa pang Grupo ng mga Weird na students dito. Paano ko nasabi? Well sila lang naman yung mga walang modong pumasok ng late kanina sa klase na halos yukuin ng mga kaklase ko sa hindi malamang dahilan, at ang malupit pa kanina pa ng dumating sila ay tinatapunan na nila ako ng mapanuring tingin. Hindi ko alam pero naiinis ako at nag eenjoy sa pag stay ko dito kahit na mga Spoiled at Weird students ang nakikilala ko sa bawat minutong lumilipas. Tumayo na ako bitbit ang dalawang Libro at tumungo sa pinto kung saan nakatayo si Neon, tapos na naman kasi ang Morning Classes at mamaya na ulit 2 ang susunod na klase. "Tara lunch tayo!" Pag-aya niya at kinuha ang dalawang librong hawak ko. Tumango nalang ako sa kanya bilang sagot at sumunod sa kanya. "Neon may ipapagawa ako sayo" wika ko sa kanya habang nag lalakad kami sa Corridor papuntang Caf. "Huh?" Nagtatakang tanong niya at sinulyapan lang ako ng tingin sa gilid, kinuha ko ang Cellphone ko at sinend sa kanya ang mga listahan ng pwedeng maging Condictor ko at Assecla. Naisip ko kasi kanina na mahihirapan akong mamili at maghanap ng estudyante dito, and since si Neon naman ang Protego ko, at siya ang SC President pwede niya ako matulungan. "Help me to choose kung sino ang pwede kong maging Assecla and Condictor, na send ko na sayo yung List. Help me to choose nalang since kilala mo naman siguro ang mga students dito" Pagpapaliwanag ko na tinanguan naman niya. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating sa Cafeteria at marami na ang estudyanteng nandito kesa kaninang umaga. Umupo na ako sa pandalawahang upuan sa may gitnang parte ng Cafeteria, sinabi ko lang sa kanya kung ano ang gusto kong kainin at siya na ang umorder. Tahimik lang akong nakaupo at pinagmamasdan ang mga estudyante sa paligid dahil baka makakita ako ng isang potential Condictor or Assecla dito ng padabog na bumukas ang pinto ng cafeteria at iniluwa noon yung weird na grupo na kasama ko sa mga Subjects ko kanina. Natahimik naman bigla ang mga estudyanteng kaninang nag dadaldalan ng pumasok sila at lahat ng madadaanan nilang mga estudyante ay na-yuko ng marahan kaya napataas ang kilay ko. Dalawang babae at Tatlong lalaki ang bumubuo sa weird nilang grupo, lahat sila ay magaganda at gwapo. Yung dalawang babae naman kasi ay minimal lang ang makeup sa mukha at maganda ang kurba ng katawan na halatang halata sa uniform, maiksi nga lang ang palda nung isa na mukhang mataray. Yung tatlong lalaki naman ay mga Gwapo din pero iba iba ang aura nila, yung isa ay Jolly at mukhang Happy Go Lucky samantalang yung dalawa naman ay masyadong stern ang pagmumukha. "Hey" napaalis ang tingin ko sa grupo na iyon ng dumating si Neon bit bit ang inorder niyang pagkain para saming dalawa. "Neon sino yung mga weird na grupong yun?" Pag-uusisa ko sa kanya at itinuro ang weird na grupong kapapasok lang kanina. "Ahh, part sila ng SSC" simpleng sagot niya na ikinakunot ng noo ko. "SSC? You mean Supreme Student Council?" Paninigurado ko na tinanguan naman niya. Sa binigay kasi sa aking Portfolio ay nalaman kong maliban sa Student council ay meron ding SSC na mas nakatataas sa kanila. In short para silang Heads ng School, dahil may sayad ata ang naggawa ng school rules dito ay nagiba iba ang position ng ranks. kung sa normal school ang ranking ay 'Student-Teacher-Heads-Principal' ang Academy naman na ito ay 'Students-Teacher/Heads- SC President- SSC'. "By the way Queen na prepaire ko na pala yung Room mo dito, at gaya ng request mo Solo mo lang yung buong House" pag imporma niya sakin kaya binigyan ko siya ng matamis na ngiti, pero mukhang busy siya sa Cellphone niya. "Yung pagkain mo" pagpapaalala ko dahil malapit na ako matapos sa kinakain ko at siya hindi pa nangangalahati. "Sorry, tinignan ko kasi yung sinend mo sakin at may mga nakita na akong potential students para doon" pag iim porma niya sa akin at bumalik na ulit sa pagkain. "For real?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya na tinaguan naman niya agad. "I have their schedules so if you want to meet them to do some evaluation pwede kitang dalhin sa kanila after natin kumain" pagpapaliwanag niya na tinanguan ko naman. "Thanks" pagpapasalamat ko, well satingin ko naman hindi na rin masamang pinili ko si Neon bilang Butler s***h Protector ko dahil mukhang may ibubuga naman siya. Akalain mong naka hingi na siya ng Schedule ng mga students na sa tingin niya ay may potential para sa magiging Assecla at Condictor ko. Binilisan ko na ang pagkain ko at inantay siya hanggang matapos. Nagpahinga lang kami saglit at inumpisahan na naming hanapin ang mga students na sinasabi niya. Nasa Gymnasium kami ngayon at pinapanood ang mga estudyante na nagpa-practice ng ibat-ibang martial arts. "Why are we here?" Tanong ko sa kanya pero itinuro niya lang sakin ang isang lalaking nagpa-practice ng pag barili. Napataas ako ng kilay ng makita na asintado siya sa lahat ng tinatamaan niya dahil sa kahit na san tumapat ang baril ay diretso sa target point ang tama nuon. "Grayson Custodio, Potential Assecla. He's one of the greatest shooters here in the Academy, he's a Gun master, short range shooter and excellent in judo." Pagpapaliwanag niya sa akin dahilan para maibalik ulit ang tingin ko dito. "Go Gray!" Tili ng mga babae sa bleachers ng may nag yaya ata ditong makipag laban, may lumapit kasing lalaki sa kanya at parehas silang pumwesto sa tapat ng target at nag umpisang bumaril. Halos kasing bilis ng bulalakaw ang mga bala na pinapakawalan niya dahil wala pang sampung minuto ay natamaan na niya ang labindalawang target na nakatayo sa harapan nila, samantala siyam palang yung sa lalaking lumapit. "I want him" nakangiting wika ko kay Neon na tinanguan naman niya, lumapit ako sa pwesto nito at mukhang nagulat naman siya at nag tataka kung sino ako. "Allison Blair" wika ko at nag lahad ng kamay, tiningnan niya lang iyon at kinilatis ako mula ulo hanggang paa at bored akong tiningnan sa mga mata. "Beautiful but im not interested" walang ganang wika niya dahilan para mapanganga ako at mahinang natawa. Ano bang akala niya sa akin? Fans niya? Aaminin kong gwapo siya at may maibubuga sa larangan ng pakikipag barilan pero hindi ako interesado sa mga kagaya niya na mataas ang tingin sa sarili dahil may aking kagwapuhan. "I'm sorry to burst your bubble but i'm also not interested in you, i'm more interested in your skill and potential" pagpapaliwanag ko na ikina tigil niya at nag tataka akong tiningnan. Inisang hakbang ko ang pagitan naming dalawa at bumulong sa kanyang tenga para hindi kami marinig ng ibang estudyante. "I want you to be my Assecla Mr. Custodio" Diretsong wika ko sa kanya, naramdaman kong nanigas siya sa kanyang kinatatayuan kaya lumayo na ako sa kanya at kita ko ang pagkagulat niya sa sinabi ko at nagtataka akong tiningnan. "A-Assecla of the Empress?" Nauutal na turo niya sa kanyang sarili at tumingin sakin "Your the E-Empress?" Natawa nalang ako sa itsura niya at tumango, akmang yayakapin niya ako bigla ng iharang ko ang kamay ko sa dibdib niya para pigilan. "Im sorry" nahihiyang wika niya at marahang yumuko upang mag bigay galang. "So what's your answer?" Tanong ko na agad naman niyang tinanguan kaya natawa nalang ako. "I'll do everything for you Empre-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya at agad tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay ko, baka kasi kay makarinig sa aming estudyante mabulilyaso pa ako sa misyon ko. "Drop the honorifics i don't need those, just call me Allison or whatever you want" pagpapaliwanag ko na tinanguan naman niya. "Grayson Custodio, you can call me Gray" tumango ako sa kanya at bumaling ako kay Neon na nakatayo at nakatingin saamin at sinenyasang lumapit siya dito. "Neon?" Nagtatakang tanong niya ng makita si Neon na papalapit sa amin. "I'm her Protego" maikling wika nito at humarap saakin. "Shall we find your potential Condictor?" Tanong niya na inilingan ko. "I want to test my Assecla in a minute" nakangiting wika ko at bumaling kay Gray na nagtataka akong tiningnan. "I heard your a Gun master, a short range shooter and excellent in judo. I want to challenge you" seryosong wika ko na tinanguan naman agad niya at seryoso ang mukha. "I want to test your Judo techniques but currently i'm wearing a skirt so maybe next time, so lets play shoot. Kung sino ang unang pinakamaraming matamaan na target ang siyang panalo, deal?" Paglalahad ko ng kamay na malugod naman niyang tinanggap, "deal!" Nagsuot na ako ng mga gear at kumuha ng isang baril at mga bala, sinuot ko na ang ear gear at inilagay sa tenga ko at pumosisyon. "Ready?" Pagtatanong ni Neon at sinet ang stopwatch na hawak niya. "Set" tumungin siya saamin at sabay naman kaming tumango ni Gray, "fire!" Sunod sunod ang mga plastic pellet na pinapakawalan ko at pinatama lahat iyon sa target, narinig ko ang pag hihiyawan ng mga estudyante na nag c-cheer kay Gray na puro kababaihan. Binitawan ko ang hawak kong barili at kumuha ng bago at hindi tumitinging pinatama iyon sa target hanggang sa maubos ang mga balang laman at kumuha ulit ng bago. Paulit ulit lang namin yung ginagawa hanggang sa pumito na Neon ibig sabihin ay tapos na ang limang minutong nakalaan para sa laban naming dalawa. "Your a freaking beast my Queen!" Natatawang wika ni Gray sa akin at nagtanggal na ng gear na siya ring ginawa ko. "So sino nanalo?" Tanong ko ng makalapit kay Neon, naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Gray na mukhang inaantay din ang resulta pero nakangiti lang si Neon sa amin. "Close enough, but the Queen won, 64-57" napapalatak ng tawa si Gray kaya napatingin kami sa kanya habang nag tataka. "Just what I thought, the way you handle the gun its like your just freaking playing with a toy one. You really is the Empress and no doubt" naiiling na wika niya na nag panguso sa akin. "So you have doubts in me huh?" Malokong wika ko na ikinatigil niya, nahihiya naman siyang ngumiti at nag kamot pa ng batok. Tinapik ko nalang siya sa balikat at nilag pasan, napa dako ang tingin ko sa mga nanonood na mga students at nahagip ng mata ko ulit ang weird na grupong kaklase ko na nakatingin ng diretso sa amin. "Hey Queen san tayo?" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Gray sa gilid ko kaya lumingon ako sa kanya, nakita ko ang pag ngiti niya sa mga babaeng nasa bleacher na agad namang nagtilian na nag panguso saakin. "Don't tell me may Fans Club kadin?" Walang ganang tanong ko at natawa naman siya, napairap nalang ako sa aking sarili at tumingin kay Neon na may malokong ngiti sa labi. "What?" Tanong ko kay Neon dahil nakatingin siya sakin, tinawanan niya lang ako at nag tinginan pa silang dalawa at sabay na tumawa. "Pinag t-tripan nyo ba kong dalawa?" May bahid ng iritasyong tanong ko sa dalawang baliw na ito. Kung ako ang tatanungin mukhang close ang dalawang ito kung iisipin dahil kung makatawa ay wala ng bukas. "Be ready my Queen, hindi lang ang gwapong SC president at akong Macho mong Assecla ang may Fans Club" natatawa paring wika ni Gray sa akin na ikinakunot ng noo ko. "What do you mean?" Taas kilay na tanong ko rito pero inilingan lang ako ng mokong at nagpatiuna ng maglakad. "Shall we meet your potential Condictor Queen?" Tanong ni Neon na tumabi sa akin. Umiling naman ako sa kanya bilang sagot at nagsimula ng maglakad at pinapanood si Gray kung paano landiin ang mga Fans niya. "Let do it after class, I want to know the both of you so lets hang out first" simpleng sagot ko dito na sinagot naman niya ng simpleng pag tango. Having this two people with me is not that bad, I guess. But being with the both of them will also be the death of me, hindi lang ang fans club ni Neon ang papatay sakin ng tingin. Now that I have Gray na mukhang mas marami pang babae ay mapapaiksi ata ang buhay ko. Great, just Great. micxyine | L.A
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD