Chapter Eight
Napasampal nalang ako sa aking sarili dahil sa kakulitan ng tatlong ito sa harapan ko, Sabado ngayon at ginugol ko ang natitirang araw ko sa eskwelahan ng mag isa.
Excuse na sa akin si Neon dahil given na siya ang SC president pero ang dalawang ito na nasa harapan ko ay hindi exempted.
"Hay nako!" Na f-frustrate na wika ni Neon sa dalawa dahil pinag sasabihan niya ang mga ito, nakikinig lang ako sa kanila at gustong matawa dahil sa kakulitan nila pero naiingayan ako.
"Sorry na Neon hindi na mauulit" pangungumbinsi ni Gray dito, pinagagalitan sila ni Neon dahil iniwan daw ako ng dalawa ng walang magandang dahilan, though hindi ko naman inaasahan na sasamahan nila ako palagi dahil hindi ko naman kailangan ng bodyguard.
Si Gray kasi ay hindi umattend ng mga afternoon class dahil ayaw niya sa Archery teacher namin dahil may atraso siya kay Sir nung time na naka partner ko si Theo.
Ng mga sumunod na araw naman ay hindi na rin siya pumasok sa iba pa niyang klase dahil nag bitbit ng babae sa bahay niya, ayan tuloy na bulilyaso ng presidente nagkanda letse letse tuloy siya.
Si Jullius naman ay busy sa ginagawa niyang Project, naatasan kasi ang section nila na maghanda para sa gaganaping Anniversary party ng school sa susunod na linggo.
"Kayong tatlo tama na yan" pag susuway ko sa kanila at tumayo, lalabas muna ako ng bahay para maka hinga naman ako dahil sumasakit ang ulo ko sa kanila.
"Queen saan ka pupunta?" Nag aalalang tanong ni Neon sakin pero hindi ko siya sinagot at derederetsong lumabas ng bahay.
"Queen sandali!" Sigaw ng tatlo pero tinignan ko lang sila ng masama dahilan para mapatigil sila, "walang susunod sakin" mariing wika ko at nag patuloy sa pag lalakad.
"But-" hindi ko na pina tapos ang sasabihin ni Gray ng tingnan ko siya ng masama, "Come and I'll shoot you" may babantang wika ko.
Tumango na lang sila sakin at pumasok na ulit sa bahay ko dahilan para mapailing nalang ako. sa pagkakatanda ko kasi nag pa reserve ako ng bahay na solo ko lang dahil gusto ko ng tahimik at ayaw ko ng bulabog, hindi ko naman inexpect na magiging tambayan ng tatlong iyon ang bahay ko sa hindi malamang dahilan.
Bumuntong hininga ako at hinayaan ko lang ang mga paa akong dalhin sa kung saang lupalop man ng subdivision na ito dahil tinatamad ako mag isip at hindi ko rin alam kung san ako pupunta.
Natagpuan ko nalamang ang sarili ko sa isang malawak na Garden na may malaking fish pond na may mga Chinese Koi fish na kulay orange at ginto.
Bilog ang fish pond na iyon at may tulay na gawa sa kahoy sa gitna, medjo madumi ang tubig dito na halatang napabayaan pero kahit papaano ay maganda paring tingnan.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at pumunta sa kabilang parte ng hardin, natutuwa ako sa ganito kagandang lugar, napapaligiran ng mga puno at iba't ibang uri ng bulaklak at mga halaman, tanging huni lang ng mga ibon na lumilipad at ang mga sanga ng punong dinadala ng hangin ang maririnig mo.
Nag Ikot-ikot pa ako sa paligid dahil na rerelax ako, hinayaan ko lang ang aking sariling malibang at ang paa ko kung saan man ako nito dadalhin.
Tumigil ang mga paa ko sa isang lumang bahay na tanaw ko mula rito, maganda iyon dahil parang mansyon ang dating na dalawang palapag lang pero mukhang konting kalabit ay babagsak na dahil sa bitak, napapalibuta din iyon ng mga baging.
Tatalikod na sana ako para bumalik dahil medyo ngalay na ang paa ko sa kakalakad at na relax na naman ako ng may marinig akong tumuli sa hindi kalayuan.
Agad kong pinakiramdaman ang paligid at tinungo kung saan ko narinig ang sigaw kanina, patungo itong daan sa may lumang bahay, tumakbo na ako papunta roon at nakita ko ang isang batang babaeng nagpupumiglas sa pag kakahawak ng lalaking naka itim.
Pumulot ako ng medyo kalakihang bato at binato iyon sa lalaking naka itim na sakto namang tumama sa mukha niya dahilan para mabitawan niya yung bata.
"Ate!" Pagtakbo saakin ng batang babae habang umiiyak, nagtataka man ako kung paano nagkaroon ng bata dito sa eskwelahan pero isinantabi ko muna iyon at hinarap ang lalaking naka itim
"What do you want from this kid?" Seryosong tanong ko dito pag tutukoy sa batang mahigpit na naka kapit sa pantalong suot ko na patuloy parin sa pag iyak.
"Huwag ka nalang makialam." wika niya at tinanggal ang suot niyang itim na bonet, nakita ko naman ang mukha niyang may dugo dahil sa pagbato ko sa kanya ng bato.
"Ibigay mo sa amin yang bata" wika niya na ikinataas ng kilay ko, 'sa amin' yun ang sabi niya ibig sabihin ay hindi lang siya nag iisa.
Hindi ko alam kung paano nakapasok ang lalaki na ito o kung may kasama pa siyang iba, ganun din naman ang batang ito pero ang nakakapag taka ay kung ano ang balak nila sa batang babae na ito.
"Paano kapag ayoko?" Nangiinis na wika ko sa kanya pero ngimisihan lang ako noon, nagulat naman ako ng may mga lalaking naka itim din tumatakbo sa direksyon namin.
"Huwag mo sana pagsisihan ang hindi mo pag bigay sa amin ng batang iyan" nakangising wika nito sa akin, pinalibutan na kami ng mga kasamahan niya, hinarap ko ang batang nasa likod ko at lumuhod para mag pantay kami.
"Run and call for help, you have to be safe ok?" Wika ko na tinanguan niya, "when I say run, you run?" Dagdag ko.
Pumulot naman ako ng isang bato papa-lihim at tumayo at hinarap ang mga lalaking nakaitim. Pinukol ko ang isa sa kanila ng buong pwersa dahilan para matumba ito. "RUN!"
Tumakbo na ang bata na iyon, sa kung saan at akmang hahabulin siya ng mga kalalakihan pero hinarang ko sila.
"Get the kid, ako na ang bahala sa babaeng ito", wika ng binato kanina na masama ang tingin sa akin, sinugod ako ng ibang mga kasama niya kaya todo iwas naman ang ginawa ko.
Mabilis ang mga galaw nila at medyo nahihirapan ako, apat silang sabay sabay na nag papatama ng sipa at suntok sa akin na iniiwasan ko naman.
Nahihirapan ako gumalaw dahil naka denim jeans ako, naka sando lang naman akong itim at ankle strap 3 inches heels , kahit naman kasi nasa bahay lang ako ay nag aayos pa rin ako.
Hirap lang ako sa ngayon dahil Im freaking wearing a heels! at mabato ang lugar na ito, makakatakbo naman ako pero mabagal lang dahil baka matapilok ako.
"Tsk, tapusin na natin toh!" Naiinis na wika ko sa kanila at nagpakawala na rin ng mga sipa, sinangga naman nila iyon. Pero malalakas sila at halatang marunong sa larangan ng pakikipaglaban.
Hinampas ko sila sa batok para makatulog, napa bagsak ko na ang dalawa sa kanila at hinihingal na ako, masakit na ang paa ko sa kanila, nagiingat din kasi ako kada baba ng paa ko at patama ng sipa dahil baka mamali ang bagsak ko ay maging katapusan kona.
"Malakas ka para sa babae, pero tingnan natin kung may magagawa ka dito" nakangising wika ng isa sa kanila at nag labas ng syringe na may kulay asul na likido at binigay iyon sa kasama niya.
Hindi ko alam kung ano yung hawak niya pero sumugod sa akin ang isa sa kasamahan niyang natitirang nakatayo at triny akong sasakin ng syringe na iyon na may kung anong laman.
Sinipa ko ang kamay niya para mabitawan nayon tsaka tinuhod ko siya sa tiyan at sinipa sa ulo dahilan para bumagsak siya. Tinadyakan ko siya sa ulo ulit dahilan naman para mawalan siya ng malay bago ko harapin ang lalaking nag bigay sa kanya ng syringe na iyon na nakangiti habang nanunuod.
"You really are strong, i'm impressed" nakangising wika niya pero hindi ko iyon pinansin bagkus ay sumugod sa kanya, Suntok at sipa ang ibinigay ko sa kanya pero walang kahirap hirap niya iyong naiwasan.
"Gotcha!" Wika niya ng ma salo niya ang isa kong suntok, pinilipit niya ang kamay ko papuntang likod, naramdaman ko ang tuhod niya sa binti ko dahilan para mapa luhod ako at ang pag diin niya sa naka pilipit kong kamay dahilan para mapasigaw ako sa sakit.
"You maybe strong but i'm stronger" nagmamalaking wika niya kaya sinamaan ko siya ng tingin pero humalakhak lang siya at naglabas ng isa pang syringe.
Hindi katulad kanina na kulay asul ngayon ay ibang kulay naman ang laman, parang tubig lang ang laman niyon. "Lets try it" nakangising wika niya at tinusok iyon sa balikat ko.
Naramdaman ko ang pagpasok ng likido sa katawan ko at ang unti unting pag bigat ng katawan ko. Nagulat nalang ako ng biglang nawala ang nakahawak sa kamay ko at sa syringe na nakasaksak sa balikat ko.
Mabigat ang katawan akong tumayo at nakita ang lalaking naka itim na nakikipag palitan ng suntok sa kaibigan ni Theo na miyembro rin ng SSC na Ace ang pangalan sa pagkakatanda ko.
"Ate..." Rinig kong wika ng pamilyar na boses sa likod ko, agad akong napa harap duon at nakita ko ang batang babae kanina na tinulungan ko.
Umiiyak siyang lumapit saakin at yumakap sa mga binti ko, lumuhod naman ako para magpantay kami at niyakap siya. Tinuyo ko ang mga luha niyang nag uunahan bumagsak at pinatahan.
"Shh.. ayos kana ba? Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya na tinanguan naman niya habang sumisinghot pa, tumingin siya sa likod ko at nakita si Ace na mukhang kakatapos lang makipag laban dahil tulog na yung lalaking nakaitim.
"Im Charlotte, Kuya Ace helped me" pagtutukoy niya kay Ace na naglalakad papalapit sa amin, so siya pala ang hiningan ng tulong nito.
"Is she your sister?" Tanong nito ng makalapit sa amin na agad ko namang inilingan, tinaasan niya ako ng kilay na mukhang hinihingan ako ng paliwanag.
"I just saw her na pinipilit kuhanin ng mga yan habang nag lilibot, I asked her to run and ask for help" pagpapaliwanag ko sa kanya sa hindi malamang dahilan.
"Ohh? I thought kapatid mo since she called you 'ate'." Walang ganang wika niya sa akin kaya napangiwi nalang ako.
Hindi naman kasi porket tinawag kang 'Ate' ng isang tao ay magkapatid na kayo, ang alam ko paggalang iyon dito sa mga nakakatanda sayo sa bansang ito.
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at tumalikod na at hinawakan sa kamay si Charlotte para dalhin sa bahay ko dahil nandon naman ang SC president na si Neon.
"Where do you think you're going? We have to talk" wika niya at pinigilan ako sa aking mga braso at hinarap sa kanya.
"Wala tayong dapat pagusapan ok? Dadalhin ko lang si Charlotte sa President ng school na ito" walang gana kong wika sa kanya at binawi ang braso kong hawak niya dahil kinikilabutan ako sa hawak niya sa akin.
"We have to talk tungkol sa nangyari at nasaksihan mo ngayon lang, ayoko may ibang makaalam nito. Gusto kong kalimutan mo ang nangyari dito, Ok?" Taas kilay na tanong niya na inirapan ko lang.
"Whatever you say" walang gana kong wika sa kanya at tumalikod na pero hindi pa ako nakaka ilang hakbang ay napa luhod na ako sa aking mga tuhod.
Bigla na lang umikot ang paningin ko at masakit ang parte ng balikat ko kung saan may tinurok sakin kanina, sumasakit iyon hanggang sa batok ko paangat sa aking mga sentido.
"What's wrong?" Naguguluhang tanong niya sakin na inilingan ko naman, pumikit ako ng mariin at palihim na nag mura. Hindi ko alam kung ano ang itinurok nila sa akin at masasabi kong makakapatay na ako sa oras na ito dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Ng medyo nawala na ang pagikot ng paningin ko ay tumayo na ako at binalingan ko ang batang nakahawak sa kamay ko na nagtataka sa aking nakatingin. Nginitian ko lang siya at akmang mag lalakad na ulit kami ng napatigil ako kasi hindi siya gumagalaw.
"Why?" Nanghihinang tanong ko sa kanya pero hindi ko iyon pinahalata, nagsimula na naman siyang umiyak kaya nataranta akong lumapit sa kanya pero bumagsak nanaman ako sa mga tuhod ko.
"What the f**k" rinig king singhal ni Ace, napa ubo nalang ako bigla at nagulat ako ng may nakita akong dugo kasabay noon galing mismo saakin.
"Hey what's wrong? Are you alright?" Nag aalalang tanong sa akin ni Ace at naguguluhan akong tiningnan, naguumpisa ng lumabo ang mata ko at umikot ang aking paningin.
Naramdaman ko ang pagtulo ng kung anong likido mula sa ilong ko at hindi ako tanga para hindi mapagtantong dugo iyon dahil sa kulay pulang nasa kamay ko.
"Let's go-" wika niya at akmang aalalayan ako pero pinigilan ko siya kaya nagtataka niya akong tiningnan.
"Find syringe blue liquid" nanghihinang wika ko sa kanya at tinuro kung saan lumipad kanina ang syringe na sinipa ko, nagtataka man ay lumapit siya sa tinuturo ko at nilibot ang tingin sa paligid.
Maya maya pa ay may dinampot siya doon at nagtataka akong tiningnan at pinakita sakin ang hawak niya, may mga sinasabi siya habang pinapakita sakin yun pero hindi ko na naririnig ang mga sinasabi niya.
Tanging pagbuka na lamang ng kanyang bibig ang nakikita ng mga nanlalabong mata ko, naramdaman kong panghihina ng bumagsak ako sa lupa pero dalawang pares ng kamay ang sumalo saakin bago magdilim ang lahat.
micxyine | L.A