GOOD NIGHT "Bakit ganyan ang suot mo?" Bahagya kong pinasadahan ang sarili para i-check kung may mali ba sa suot ko. Ito kasi talaga ang unang pinuna ni Era pagkarating ko. Ni hindi man lang muna ako batiin. "Ngayon lang tayo hindi pinilit na magsuot ng shirt na ‘yan. I just want to taste the freedom even a day." Kibit balikat ko na ikinataas ng kilay niya. "May pagkaselfish ka rin pala. Hindi ko inexpect ha. Akala ko talaga pangungunahan mo na ung mga anghel sa langit." I protruded my lips to stifle my frown then decided to take steps. Bago ko siya nilagpasan, sinenyasan ko muna siya na umalis na kami lalo na’t twenty minutes na lang ay magsisimula na ang ceremony sa football field. Sumunod naman siya at maya-maya’y pinantayan ako sa paglalakad. Napangiti ako nang masulyapan siyang

