Naging busy ako sa training. Mabuti nalang din at walang masyadong ginagawa sa ibang subject namin kaya malaya ang oras ko sa training.
"Ibang school nanaman 'to, Erin." ngumisi si Rolando.
"I know." sabi ko habang umiinom ng tubig.
"We can beat them." aniya.
Sinabi na kasi samin ni Coach ang school na makakalaban namin. At nakalaban na namin sila nuon pero nanalo kami. I'm sure, mananalo kami ulit.
"Sure, we will. At babalikan natin yung mayabang na tumalo satin nung nakaraan." sabi ko na puno ng yabang ang boses.
"Oo naman. Pero sa totoo lang, nalungkot talaga ako nung natalo tayo." kwento nya pa.
"Hindi ka nag-iisa." tumawa ako. "Pero okay lang 'yun, ibig sabihin hindi pa natin spotlight. Sa susunod, atin na."
Pagod na pagod ako buong maghapon dahil sa training. Ang ending sumakay nalang ako pauwi dahil hindi ko na kayang maglakad sa pagod.
Pagdating sa bahay ay bumagsak nalang ang katawan ko sa sofa sa pagod. Wala nakong ganang tumayo para mag-asikaso ng pagkain ko.
Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko nalang ito at hindi ko na tinignan kung sino.
"Hello?" bungad ko ng may nanghihinang boses.
Antok na antok na talaga ako.
"Are you sick?" isang pamilyar na boses ang narinig ko sa kabilang linya.
Napadilat ako at tinignan ang caller ID. Pangalan ni Preston ang nandun.
"H-Hindi.. napagod lang ako sa training. Antok na antok nako.." sabi ko, pero ang boses ko ay parang nagsusumbong.
"Kakauwi mo lang?" tanong nya.
"Hmm.."
Napapikit na ang mata ko. Naririnig ko nalang ang boses nya sa kabilang linya.
"Kumain kana ba?" tanong nyang muli.
"Hindi.. pa.."
"Bakit hindi ka pa kumakain? But you have food there, right?" paninigurado nya.
Hindi ako nakasagot. Ano bang sinasabi nya? Hindi ko na naiintindihan. Ang huli kong naaalala ay tinatawag nya ang pangalan ko pero hindi nako nakakasagot.
"Erin?"
"..."
"Are you there?"
".."
"Dammit. Peter, I'm going there."
Wala nakong narinig sa kabilang linya at tuluyan ng namahinga. Napabalikwas nalang ako ng bangon ng narinig kong bumukas ang pinto ng bahay.
"Tangina—"
"Erin?!"
"Preston?! Bakit andito ka?!" hinanap ko ang cellphone ko at nakita ang oras. "8PM na, paano ka nakapasok e naka-lock 'yan?"
"Peter have your keys. I borrowed it. I called you but you're not answering anymore." paliwanag naman nya.
Huh? Tumawag sya? Kailan? Tinignan ko ulit ang cellphone ko. Sya ang huling nasa call logs ko. Tumawag nga sya. Hindi ko alam? O sadyang napagod lang ako.
"Are you that tired? Nag-alala lang ako. Hindi ka pa nakakapag-bihis. Kumain kana ba?" sunod-sunod na sabi nya.
Bumagsak akong muli sa sofa. "Hindi.."
"I'll order some food for you. Magbihis kana para mas mahimbing yung tulog mo." sabi nya at inalalayan akong tumayo.
Tama naman sya. At kaya ako hindi dumiretso sa kwarto ko kasi nakapang-labas pa kong damit. Mabilis lang ako naghilamos saka nagpalit ng damit pang-bahay.
Paglabas ko ng kwarto nakita ko si Preston na nag-aayos na ng pagkain. He ordered some Jollibee. Nakita ko kaagad ang mga madalas kong ino-order.
"Done? Kain kana." aya nya.
"Ikaw ba kumain kana?" tanong ko.
Umiling sya. "I'm not that hungry."
"Saluhan mo nako dito.." alok ko.
"No, you eat." pilit nya.
"Kakain ako pag kumain ka din." sinamaan ko sya ng tingin.
Tumawa sya at napa-iling. "Fine."
Nakisalo sya sakin sa pagkain. Mabilis din naman naming naubos. Sya na halos ang kumilos. Nagligpit at tinapon sa basurahan ang mga karton.
"I'll leave once you're asleep." aniya.
Tumango ako at pumasok na sa kwarto. Nahiga nako at hindi ko na talaga kinaya at pumikit. Naramdaman ko nalang na lumubog ang gilid ng kama ko at naamoy ang panlalaking pabango nya.
Hinaplos nya ang buhok ko. Sinusuklay gamit ang daliri nya. Wala sa sariling lumapit ako sakanya at sumiksik sa dibdib nya.
Ang bango nya talaga. He's wearing the perfume that I like. Malakas talaga humatak ang mga mababangong lalaki.
"Sleep tight, baby."
Panibagong training nanaman bukas kaya kailangan ko talaga matulog ng mahimbing.
Nagising ako ng maliwanag na sa labas. Wala nakong katabi at paglabas ko ng kusina may nakahain ng agahan. May papel na naka-dikit sa ref.
Eat breakfast and drink milk. Ubusin mo 'yan masama magsayang. Laters, baby.
- P.
Ayan lang naman ang nasa note nya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Hindi ko na talaga alam kung saan 'to hahantong. Ni hindi ko na lubos maisip.
Pagkatapos kong kumain ay naligo nako. Maaga din akong pumunta ng school para sa training. Tumunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag. Pangalan ni Preston ang nasa screen.
"Hello?" bungad ko.
"Hi. Nasa school kana?" tanong nya.
"Hmm." sagot ko.
"Did you eat all the breakfast?" tanong nyang muli.
"Yes." sagot kong muli.
"Okay. Good luck with your training." aniya.
"Thank you. Good luck din sa work." sabi ko naman.
Gusto kong matawa sa nangyayari ngayon. Para kaming mga teenageer na bagong magkasintahan at nagkakahiyaan pa.
"Bye, baby."
Pinatay ko na ang tawag.
Hindi ko mapigilang mapangiti. Ganyan na ganyan din kami noon. Sadyang ako lang talaga yung problema saming dalawa. I know how I am making things complicated when it's not.
At hindi ko alam kung anong gagawin ko pag dumating ang panahon na mapagod si Preston sakin. Will it come to that point?
Inabala ko nalang ang sarili ko sa training. May isang klase ako bago dumiretso ng gymnasium.
Ala-sais ng mag-wrap up kami. Paglabas ko ng gate ng school ay nagulat ako ng makita ang sasakyan ni Preston.
"B-Bakit ka andito?" tanong nya.
Nagkibit-balikat sya. "Sinusundo ka?"
Napatingin ako sa paligid. Baka kasi may makakilala sakanya. Pero mabuti nalang naka-suot sya ng itim na ball cap.
"Baka may makakilala sayo, pumasok kana sa loob." sabi ko.
Ngumisi sya. "After you.."
Hindi ko napigilan na mapangiti. Ito nanaman yung puso kong nagwawala. Parang sakanya nalang tumatakbo ang pagtibok ng puso ko. What have you done to me, Preston?
Pumasok nako ng passengers seat ng SUV. Pumasok na din sya sa pwesto nya pagkatapos ko.
"May pasok ka bukas?" tanong nya.
Umiling ako. "Walang training and subject."
Nang mapasandal ako sa upuan ay napapikit ako. Nakakapagod na mag sabay-sabay sila pero alam ko balang-araw ay magiging worth it ang lahat.
"You can sleep for a bit. I'll wake you when we get to our destination." dinig kong sabi nya.
Sya na din mismo ang kumuha ng bag ko sa kandungan ko at nilagay sa back-seat. Sya na din ata ang nagkabit ng seatbelt ko. Hindi ko na talaga kayang dumilat.
Naramdaman ko nalang na maya't-maya nyang paghawak sa kamay ko. Binibitawan nya lang ito kapag hahawakan na nya ang gear stick ng sasakyan.
His hand is so warm. Tuluyan na talaga akong nakatulog. Naramdaman ko nalang na huminto ang sasakyan. Saan nanaman kaya ako dinala ng lalaking 'to?
"Asan tayo?" tanong ko ng magmulat ng mata.
"Antipolo, baby. We'll have our dinner here." ngumisi sya.
"Ang layo naman.." sabi ko ng pareho kaming makababa ng sasakyan.
"Dito yung may masarap e." ngumisi sya.
Napa-iling nalang ako. Kahit anong trip talaga ng lalaking 'to. Buti nalang wala akong pasok bukas at training, makakapag-pahinga ako ng maayos.
Pero natatandaan ko 'tong restaurant na 'to. Isa 'to sa mga gusto kong balikan dito. The food is great. Hundred percent. Dito rin ang first date namin.
Dahil nga hindi kami pwedeng makita ng mga taong nasa piligid namin. And because he's off limits, we decided to go somewhere far. Yung walang nakakakilala samin.
Somehow, Antipolo was our getaway place. Halos nalibot namin ang Rizal. Para lang maging malaya. Takot na takot ako na pag nalaman nila ang tungkol samin ni Preston.
Iba-iba ang magiging reaksyon nila at sigurado akong mas madami dun ang hindi sasang-ayon. I'm just someone Preston knew somewhere. Hindi ako galing sa kilalang pamilya o mayaman.
Laging hindi maganda sa mata ng ibang tao kapag ang isang relasyon ay galing sa isang mahirap at isang mayaman. At ayokong masira kung anong imahe ang nakatatak kay Preston ngayon.
Handa akong suportahan sya sa lahat ng bagay. Handa akong gumabay at maging sandalan nya. Pero hindi ko hahayaang dahil sakin ay masisira sya.
Hindi lang si Preston ang kilala pero buong pamilya nya. Ano nalang sasabihin ng iba kung di hamak na kagaya ko ang nakapasok sa pamilya nila?
"Ang lalim nanaman ng iniisip mo, care to share?" dining kong sambit nya sabay hawak sa kamay ko.
Nag-aantay na kami ng order namin. Nakilala pa kami ng mga waiter at ng teller nila. Matagal na din kasi talaga nung huli kaming bumalik. That was a year ago. Nung break-up namin. But look at us now, hindi pa naman kami ulit pero nandito kami.
"Iniisip ko lang yung huling beses tayong nandito." sabi ko.
"Yeah. I remember. We broke up that day. Si Peter pa ang sumundo sayo." tumawa sya.
Tumaas ang kilay ko. "Yun nga e, break na nga. Tapos kung makahawak ka dyan sa kamay ko.. aba, bitaw!"
Dumating na ang order namin at may palibre pang ice cream dahil nga daw 'welcome back' samin ng mga staff duon. Good to hear na sila-sila pa din ang nanduon.
"Wala daw balak umuwi parents mo dito?" tanong ko.
Umiling sya. "Wala pa. But I guess soon. Kung uuwi man sila dito, siguro mga dalawang linggo lang ang itatagal nila."
Tumango-tango ako. "Do you miss your dad?"
Matagal bago sya nakasagot. "Yeah. I miss him. I miss the old him. It's not the same after mom died."
"I'm sure your dad still the same. Naging mahirap para sainyong lahat ang nangyari sa mom nyo. Kung nahirapan kayo, malamang nahirapan din sya. Lalo pa't asawa nya 'yun." paliwanag ko.
"I know. Thank you, Erin." aniya at inabot sakin ang drinks na in-order ko. "Here."
Nakakatuwa na kahit papaano ay nasasabihan ako ng dalawang magkapatid ng problema nila. They don't tell me unless it's heavy to bring in. And I respect that. Kung kaya pa nila, they can handle themselves.
They will ask for you if they can't anymore. At hindi mapapagod na laging maging sandalan nila. Pagkatapos naming kumain ay tumambay pa kami saglit sa overlooking view.
"I'll be busy for the upcoming weeks so.. I'm spending my time with you. Baka kasi hindi na kita mailabas ng ganito." biglang sabi nya.
Pareho kaming nakaupo sa likod ng SUV, nakabukas ang pinto dito habang nakaharap sa overlooking view. Akalain mong may baon din syang snacks sa loob ng sasakyan.
"Ah.. ganun ba? Anong meron? If you don't mind me asking."
"I'm meeting up with an investor. We need them since the company is growing and growing." paliwanag nya naman.
Napangiti ako. "That sounds good."
"I know. It's exciting at the same time.. kinakabahan ako." sabi nya.
Tumawa ako. "Ba't ka naman kakabahan?"
"Since the company is growing, a lot of people are counting on me. All eyes will be on me." sabi nya.
"Kaya mo 'yan. Ikaw pa ba? Hindi ka tatagal na hawak mo ang kompanya nyo kung hindi ka reliable boss, kung hindi ka magaling. Edi sana nung una pa lang nagsabi na sila sa daddy mo na palpak ka sa mga ginagawa mo." sabi ko naman.
Preston will not be a good leader if he's not capable of. Umpisa pa lang, marami ng nakakita sa potensyal nyang maging leader sa kompanya nila. At sigurado akong hindi ipagkakatiwala ng ama nila ang kompanya kung hindi sya mapagkakatiwalaan.
"Are you tired? Gusto mo na bang umuwi?" tanong nya at tumingin sakin.
Tumingin din ako sakanya. Nang magtama ang mata namin ay bumilis ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko ay sya yung Erin na sobra kung kiligin kay Preston nuon. Pero pakiramdam ko ay hanggang ngayon ganun pa din. He never fails to always make my heart skip a beat.
"I'm sorry.." hindi ko alam kung bakit ko biglang nasabi iyon.
Kumunot ang noo nya. "Why are you saying sorry?"
"Kasi nasaktan kita. Kasi pinapahirapan kita. Kasi hindi kita pinapaglaban kagaya ng kaya mong gawin sakin.." nangilid ang luha ko.
Gumalaw ang katawan nya papunta sakin. "Baby, no. Don't say sorry, it's supposed to be me. I feel like I'm pressuring you.. kaya mo nasasabi 'yan. We can take our time. Okay na muna sakin yung nakakasama kita ng ganito."
Tumulo ang luha ko pero nasalo ng daliri nya 'yun at pinalis. "Mahal kita.. I really do. Natatakot lang talaga ako.."
Dumampi ang labi nya sa noo ko at kinulong ako sa dibdib nya. Nanuot sa ilong ko ang panglalaki nyang pabango.
"Shh.. we can have all the time in the world, baby. You don't have to be scared, you have me. We will do this together, you and me. Hindi lang ako, hindi lang ikaw. Tayong dalawa." bulong nya.
"Paano kung mapagod kang maghintay?" humiwalay ako sakanya.
"That won't happen. I promise you."
Hindi rin kami nagtagal at hinatid nya din ako pauwi. Naka-ilang halik pa sakin ang loko bago sya tuluyang umalis. Bago natulog ay tumawag muna ako kila Lola at Lolo para mangamusta. Gusto ko din naman umuwi dun kaso busy kang talaga ang schedule ko. After the match, kasabay ng long break, maybe I can go home. Maganda din minsan ang makalanghap ng sariwang hangin sa probinsya.
Kinaumagahan text ni Preston ang bumungad sakin.
Preston:
Good morning. Don't forget your breakfast, baby.
Mag go-grocery pa nga pala ako at maglalaba. Inuna ko muna maglaba bago ako naligo para mag grocery. Dumaan na din ako ng palengke kasi ang ibang mga bilihin sa supermarket ay mahal kumpara sa palengke.
Wala sa sariling napatingin ako sa cellphone ko. Kaninang umaga pa ang huling reply ko kay Preston pero wala pa kong natanggap na reply pabalik.
Is he that busy? No time to check the phone. I mean lalabas naman sa lockscreen mo kung may notification ka diba? Napa-irap ako sa cellphone ko.
Hanggang sa nakauwi nako ng bahay ay wala pa din akong naririnig kay Preston. Nung kay Peter ako nag-text naka sagot naman agad yung isa.
Peter:
Miss mo na ba? Hindi ko sya nakita maghapon. Kakauwi ko lang pero parang gagabihin pa sya.
Ah ganun. Busy nga talaga. Pagkatapos kong kumain ng dinner ay natulog nako. Kinaumagahan na ulit ako nakakuha ng sagot sakanya.
Preston:
Good morning, baby. Sorry I'm a bit busy the whole day. Talk to you later.
TTYL mo mukha mo. Naiinis ako sakanya. Pag-antayin ba naman ako sa reply nya. Pasalamat sya gwapo sya kundi, naka-block na sya sakin.
Peter:
Kwek-kwek tayo?
Nangunot ang noo ko. Kwek-kwek? Ang aga-aga pa lang.
Ako:
8AM pa lang. San ka naman hahanap ng kwek-kwek?
Napa-iling ako saka bumangon para mag-asikaso. Wala pa din kasi akong pasok. Pero parang gusto ko ngang gumala. Ayain ko nga yung mokong.
Ako:
Anyway, BGC tayo? Mamaya.
Pumayag sya sa alok ko. Pagdating ng hapon nag-ayos nako. Namili na din ako ng komportableng damit. Black skirt and a sleeveles top. Nagdala naman ako ng cardigan ko para in case lang.
Bat't bigla kang nagyaya?" natatawang tanong nya habang palabas na kami ng subdibisyon.
"Wala lang. Bored ako. Bukas lunod nanaman ako sa training." sabi ko.
Gusto ko syang tanungin tungkol sa kapatid nya pero ayoko. Siguradong aasarin nya lang ako. Mamaya na siguro.
Mabilis lang ang naging byahe namin papuntang BGC. Hindi naman traffic, masyado lang talagang madaming stoplight dito. Hindi ba sya nagsasawa sa BGC at pumayag syang samahan ako gumala dito?
Dito na sila nakatira. Sinundo nya pa ko samin, tapos bumalik din sa BGC. Nung nakahanap kami ng parking nilakad nalang namin ang pupuntahan.
Napadaan kami sa high street. Madaming tao. Lagi talagang busy si BGC. Ang tambayan kasi namin nuon ay sa The Fort. Pero sa kasamaang palad, giniba na sya. Maski yung club na katabi 'nun. BSK. Hindi pa naman ako nakakapasok dun.
"Gusto mong kumain dun sa kainainan natin nila Kuya?" tanong nya.
"Pwede naman. Libre mo naman e." tumawa ako.
"Basta ba ikaw." kinindatan nya ko.
Napagdesisyon naming mag meryenda duon, pero bago pa kami makapasok sa loob ay may nakita akong pamilyar na lalaki sa loob.
Napahawak ako sa braso ni Peter para pigilan sya pumasok.
"Wait."
Napatingin sya sakin tila nagtataka. "Bakit?"
"A-Ayoko na pala dito.."
Kumunot ang noo ni Peter. "Nagbago na isip mo?"
"Oo e.. mahal nga pala dito. Baka maubos allowance mo." dahilan ko nalang.
Naglakad na kami palayo sa restaurant. Napalingon ulit ako sa loob. Nakita ko sya. May kasama syang babae. The girl actually looks like a goddess. Halos lahat ng tao sa restaurant ay napapalingon sakanya. Ito ba ang sinasabi nyang busy? Meeting?