KABANATA 1

1012 Words
WALANG naniwala sa akin na pinagpapantasyahan ako ng aking Tiyuhin. Lahat sila naniniwala na ako ang umaakit kay Tito. Kaya ang ginawa ko hindi na ko nagpapa-iwan ng kami lang dalawa. Dinadala ko si Honey sa kapitbahay. Sa kaibigan ko at sasabihin ko na manunuod kami. Doon muna tatambay. Hindi ko kaya na mag-stay doon at baka ano pang gawin niya sa akin. Nakikita ko iyong tingin ni Tito na tila ba satisfied siya sa nangyayari. Na ako pa ang pinagagalitan at pinagbibintangan. "May saltik talaga 'yang umampon sa'yo. Dapat maghanap ka na ng trabaho, inday," suhestiyon ni Lotty habang nanunuod kami ng TV sa kanila. Tahimik lang ako at nilalaro si Honey na nasa aking hita. "Pagagalitan ako kapag naghanap ako ng trabaho. Walang magbabantay kay Honey," sagot ko. "Luh? Anak mo ba 'yan? Hayaan mo na kasi silang pamilya. Iwanan mo na. Inaalila ka lang naman, eh." Huminga ako ng malalim. "May utang na loob ako kay Tita Zela. Hindi ko alam paano din ba kapag umalis ako doon. Saan ako titira. Kapag nalaman niya naghahanap ako ng trabaho palalayasin niya ko agad. Anong kakainin ko no'n." Umungol sa iritasyon si Lotty. "Nakaka-stress naman sa bahay niyo. Ayaw ka paalisin kasi may pakinabang ka. Tapos masimpleng manyak naman ang tiyuhin mo. Naku, siguraduhin mong naka-lock ng maayos ang kwarto niyo ni Marisol baka gapangin ka tapos sasabihin ikaw may gusto no'n." Kinilabutan ako sa sinabi ni Lotty. "Huwag naman, Lot." "Huwag nga sana. Eh, manyakis nga kasi kaya sinasabihan na kita. Kapag dito ka matutulog aawayin ka naman ni Tita Zela mo pati si Mama aawayin na din." Napailing na sabi nito. "Hayaan mo na," walang buhay kong sagot. Tila nawalan na ng pag-asa. Hindi naman na umulit si Tito. Dalawang buwan ang lumipas at ganoon pa rin naman ang ganap ko sa bahay. Sanay na ko sa gawaing bahay. Ang kamay ko puro kalyo at magaspang na dahil nga batak sa trabaho. "Ano ba 'yon, Lot?" kumunot ang noo ko dahil hinila pa ako ni Lotty papunta sa kwarto niya ngayong araw ng pasko. Nakangiti at tila kinikilig pa siya ng iabot sa akin ang maliit na box. Mabilis na nanubig ang mga mata ko at nanlambot ang puso. Naiiyak ako na kahit ganito may nakaalala na magregalo sa akin ngayong birthday ko. Birthday ko at araw pa ng pasko. "Happy birthday! Buksan mo dali!" excited niyang sabi. "Salamat, Lot," mahina kong sambit at tumulo na ang luha habang nagmamadaling sinira ang gift wrap. Napasinghap ako ng makita ang tatak ng isang brand ng cellphone. Cherry mobile. Ang ganda-ganda! Touch screen pa! "Hala! Bakit mo ko binilhan nito? Mahal yata 'to, Lot," sabi ko habang sinisipat ang cellphone sabay balik sa kanya pero tinanggihan niya 'yon. "Naku, napanalunan ko 'yan sa raffle! Binigay ko sa'yo. Meron na kasi ako 'di ba. Naisip kita at naawa ako. Sabi ko ibigay ko na lang sa'yo tapos makag-reseller ka ng mga paninda. Para may kaunting pera ka." Tumango ako at nagpunas ng luha. Sobrang saya ng puso ko na may isang tao na kahit hindi ko kadugo, sobrang bait sa akin. "Nakakahiya. Wala man lang akong regalo kahit maliit lang para sa'yo," nahihiya kong sabi at pinunasan ang luha na lumandas sa aking pisngi. "Okay lang. Sabi 'di ba it's better give daw to receive. Basta! Gano'n," aniya at napakamot pa sa ulo. "Lotty! Pababain mo na si inday at pakainin!" sigaw ng Mama ni Lotty. "Tago mo 'yan! Baka mamaya pagdiskitahan ng mga anak ni Tita Zela mo. Kung makita edi sabihin mo pinahiram kita. Extra kamo. Para hindi nila kunin. Tara na, kain ka muna!" yakag niya sa akin. Mabait sa akin ang pamilya ni Lotty. Iyon nga lang likas din ang Mama niya sa pagiging palingkera at minsan ng nag-away ang Mama ni Lotty at si Tita Zela. Pagbalik ko tulog na iyong dalawang anak ni Tita Zela. Si Mary umalis naman. Si Tito at Tita wala din. Naglinis muna ako ng lamesa at naghugas ng plato bago ko tinabihan si Honey. Malungkot ang pasko namin. Laging ganito. Parang ordinaryong araw lang hindi tulad sa kapitbahay namin. Kaya minsan nakakaramdam ako ng inggit. Kasi masaya sa kanila sa akin hindi. Hindi naghahanda sila Tita tuwing pasko. Nagkakaroon kami ng pagkain dahil sa bigay ng kapitbahay. Pasimple kong kinuha ang cellphone at kinalikot. Hininaan ko ang sound at ilaw para hindi makaistorbo sa natutulog na si Marisol. Kasama ko kasi siya pati si Honey. Si Mara at Mary sa kabilang kwarto. Hindi yata ako makakatulog ng maaga dahil excited sa kakatingin sa cellphone ko. Ang ganda-ganda kasi. P'wede pa ko mag-social media! Buti na lang pina-connect ako sa wifi ni Lotty kaya nakagawa ako ng social media account. Nakita ko 'yong profile picture nila Mary pero hindi ko na lang in-add. Baka pag-initan lang nila ako at sasabihin paano ako nakagawa ng socmed account. "Bakit may labahan pa do'n, inday? Wala na kong masuot na puting damit! Mamaya ka na maghugas ng plato!" reklamo ni Mara. "Sige layasan mo 'yan sasampalin kita!" sita ni Tita Zela dahil nga wala na din platong magamit eh kakain na siya. Hindi ako nakahugas kasi nga nagpatulog ako ng bata. Kumain pala sila Mary hindi man lang naghugas ng plato. Alangan kasi lagi ko 'yon bantayan para kada may maglalapag huhugasan ko agad. "Ma! Kailangan ko ng puting damit para sa school ko bukas! Puting shirt daw kami! Inday!" baling sa akin ni Mara at iritable na. "Sige, malapit na 'to. Pipigain ko na lang ng mabuti 'yong damit mo para matuyo agad," sagot ko at mabilis na binanlawan ang plato. "Kapag hindi ko 'yan nasuot bukas ikaw ang isasampay ko! Sinabi ko na kasi sa'yo 'yan kanina! Hindi mo ginawa. Napakatamad mo!" aniya at nagmartsa papasok sa kwarto. Hindi ako nagsalita at inabot kay Tita Zela ang malinis na plato. Pumasok ako sa banyo para kunin ang shirt ni Mara. Uunahin ko na para may magamit siya bukas sa school. Alas dose na naman ako nito matutulog dahil sa labada. Tambak na naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD