Gwen's Point of View : " Hanapin niyo siya! Lagot tayo kapag hindi natin siya naiblik! " narinig kong sambit ng isang lalaki. Mas isiniksik ko pa ang aking sarili dito sa likod ng basurahan para hindi nila ako makita. Ipinikit ko ang aking mga mata at nanalangin na sana ay umalis na sila. Hindi nagtagal, narinig ko ang kanilang yapak na paalis. Dahan dahan akong sumilip mula sa likod ng basurahan at nakita ko silang paalis na at naghihiwalay ng landas para hanapin at habulin ako. Napahugot ako ng malalim na hininga nang hindi ko na sila makita. Tumingin ako sa kaliwa at kanan para makasigurado na wala na sila. Nang makasigurado ako ay lumabas na ako mula sa likod ng basurahan at naglakad ako para humingi ng tulong sa mga taong makikita ko. " Will you please help me? I want to go to

