Markus Point of View : " May balita na ba kayo kay Mr. Alexander de Ayala? " agad kong tanong sa mga pulis nang makapasok sila dito sa bahay. " Wala pa po kaming nakuhang inpormasyon kung nasaan siya pero ginagawa naman po namin ang aming makakaya para mahanap siya, sir, " sagot ng pulis sa aking tanong. Napakunot ako ng nuo dahil sa sinabi ng pulis, " Kung ganoon, ano ang ginagawa niyo dito! Bakit hindi niyo gawin ang trabaho niyo at hanapin ang lalaking iyon! " hindi ko maiwasan ang mapagtaasan ng boses ang mga pulis. Alam kong mali ito pero naunahan ako ng aking emosyon. " Markus! " sigaw sa akin ni papa kaya napayuko ako. " Pasensya po sir, " mahina kong paghingi ng paumanhin sa kanila. " Nandito po kami para sabihin ang mga nalaman namin sa mga pinaggagawa niya sa mga nakara

